Ikawalong Kagat - Ikalimang Sipsip

147 22 46
                                    

"Ano 'to?" sambit ko habang kinukuha ang hugis parihabang bagay.

"Kahon?" sambit ni Kapon at wala ring ideya sa kung ano ang hawak ko.

"Hindi." Umiling akong napatingin sa kanya.

"Libro?" tanong niya't namimilog ang mga mata.

"Pwede! Pwede!" sabi kong gan'yan at inengganyo ko pa siyang manghula ulit.

"Um, English?" he asked.

"Pwede!" sagot ko at tumango-tango pa.

"Bagay?" tanong niya na mukhang hindi pa sure.

"Oo!" sagot ko at niliglig ko pa ang katawan niya.

"Tao?" aniya na ikinailing ko.

"Hindi!" sabi ko't hinintay ang sunod niyang hula.

"Hayop?" tugon niya.

"Hindi!" sagot ko.

"Hayop ka?"

"Hindi!"

"HAYOP KA!" Tinampal niya 'ko sa noo, "Ano 'to? Pinoy Henyo?"

Tinawanan ko lang siya, "OGOGOGOGOG--OG!"

And then silence.

"Mukhang hindi lang 'to basta-basta aklat . . . parang mayroong itinatago ang Omelet dito . . ." saad ko nang tumigil na ako sa paghalakhak.

"Oo rin, bakit niya naman itatago 'yan sa ilalim ng kama niya kung hindi mahalaga, 'di ba? At saka bakit niya ikakandado kung hindi importante ang nasa loob nitong baul?" saad ni Kapon at aminado akong may punto siya roon.

"Wait…" I paused, "did you mean sa kwarto ng Omelet mo nakuha ito?"

"Yup." He nodded.

"Whoa, bareback!" I gave him a light punch on to his chest. "IKAW NA! Ang galing mo!"

"Ako na ba . . .?" sabi ni Kapon.

"Oo, ikaw na!" Itinuro ko pa siya.

". . . ang cupcake sa ibabaw ng icing mo?" dugtong niya sa naunang sinabi na ikinangisi ko.

"Baligtad, pangod!" Ipinukpok ko 'yong makapal na aklat sa ulo niya.

Matapos indahin ay may sinabi siya…

"Hay, kung alam mo lang pa'no 'ko napunta ro'n!" sabi niyang gan'yan at napapalatak na umiling.

"Pa'no?" tanong ko sa kanya sa kagustuhan kong malaman ang tungkol doon.

"Nag-imbestiga ako, 'di ba?" umpisa niya. "E, hindi ko kabisado 'yong palasyo tapos kalalakad ko nabunggo ko pa mismo 'yong Omelet tapos nagtatakbo ako hanggang napunta 'ko sa kwarto nila ng Omega tapos hindi niya 'ko nakita dahil sumuot ako't nagtago sa ilalim ng kama nila… tapos nauntog lang ako sa baul na 'yan… a, 'yon, kinuha ko… 'di ko naman alam na mapapakinabangan…"

"Salamat at nauntog ka rito sa baul," singit ko sa salaysay niya.

"Aysus!" sambit niya't napahalukipkip, "Sigurado ka na bang may makukuha talaga tayo riyang sagot sa mga tanong natin?"

"Sana…" sagot ko.

Kompiyansa siyang napangisi, "Ngayon sure na 'ko…"

"Bakit?" pakli ko.

"Nag-sana ka, e…" aniya at inabala na namin ang aming sarili sa bagay na nasa amin.

Noong pagkabuklat namin ng libro ay bumungad sa amin ang litrato ng Omelet, Omega at Omelon. Mga larawan nilang ipininta… ang ganda ng pagkaka-paint… pero…

Diary ng Bampirang Bungal ang PangilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon