Ikalimang Kagat - Ikalawang Sipsip

184 25 69
                                    

"ISAKSAK MO SA BAGA MO 'YAN, HA!" sabi pa ni Ivana Marawi.

Umangal ngayon itong si tindera, "Aba! Gaga ka pala, e! Ba't ka nananampal?"

Itinulak niya si Ivana kaya tumurit ito sa tumpok ng mga tsinelas. Bumangon si Ivana at nakatingaro ang Daedelus, gigil ang mukha at sumugod siya sa tindera hanggang sa nagsabunutan na sila.

Umm, sige! Sige, sabunutan mo, Ivana! Boto ko sa 'yo! Dibdiban mo sige! Binuntal niya nang binuntal ang tindera.

Sinikmuraan nang sinikmuraan hanggang sa mautot tapos kinurot niya nang kinurot ang utong ng tindera hanggang sa sumigaw ito sa sakit.

"Mama! Mama . . . ! Aray ko po . . . ang utong ko . . . !"

Naawa ako sa hitsura ng tinderang walang binatbat sa laki ng Daedelus ni Ivana.

"Ivana, tama na 'yan… ang daming nanonood, o . . .!" sabi kong gan'yan kasi pinagtsitsismisan na sila't pinagpipiyestahan ng mga tao rito sa divisoria. Inawat ko silang dalawa.

"Tara na nga! Kasalanan mo 'to, e!" sabi ni Ivanang gan'yan na hinawi pa ang buhok. Galit pa rin.

B-Bakit parang kasalanan ko pa?

"Sa'n tayo pupunta?" tanong kong gan'yan sa kanya at binigay niya sa 'kin kaagad ang cellphone niya.

Nagulat kami nang marinig ang nakabibinging pito.

"Hala! Shet! May pulis!" sabing gan'yan ni Ivana at mayroong parating na mga lalaking may dalang batuta. "Tara sa Quiapo Church!" 'eka pa niyang gan'yan at pumasan kaagad sa likuran ko.

Nang mahanap ko ang lokasyon ng Quiapo Church ay kaagad na kaming sumibat papunta roon.

Speed lang.

"Required bang makipag-away kapag bibili sa Divisoria?" tanong ko kay Ivana.

"Hindi, gusto ko lang talaga makamura… kuripot kasi ako," sagot niya naman.

Hindi ko naintindihan kaya tinanong ko siya ulit, "What's kuripot?"

"Kuripot. Hindi mo alam?" balik niyang gan'yan.

"Itatanong ko ba kung alam ko?" sabi ko naman.

"'Pag sinabing kuripot, mahigpit sa pera. Hindi basta-basta nagpapawala ng pera sa kamay. Hangga't maaari, sa walang gagastusin at kung saan siya mapapamura ay doon siya," sagot niyang gan'yan at naliwanagan na ako.

"A, kaya pala napamura ka kanina!" Napatango ako't natawa.

"HARHARHAR!" tawa niyang gan'yan, "GAGO!"

"Hey, you're so kuripot!" sabi ko dahil minura niya 'ko.

Ang sagot naman niya, "You're so kyot!"

"Utot mo kyot!" sabi kong gan'yan tapos tinawanan ko siya.

"Hindi mo pa ba 'ko ibababa? Nauutot na 'ko," sabi ni Ivana at na-realize ko na nakapasan pa pala siya sa likod ko.

"Ay, oo nga pala!" gulat kong sabi saka siya binitiwan.

"Aray ko naman!" taghoy niya, "Nagasgas na ang Daedelus ko! Bigla-bigla mo naman akong binibitiwan."

"Sorry," ngising sabi ko. Ang lambot nila, nag-swipe-swipe sa likod ko OGOGOGOG-- Bambu! No! Erase, erase, erase.

"Tara na, magsimba na tayo…" sabing gan'yan ni Ivana at napatingin ako sa malaking gusali sa harapan namin.

"Ano 'yong simba?" tanong ko, "'Yon ba 'yong---"

"Magpe-pray kay God and magpapasalamat. Every Sunday dapat nagsisimba and kahit wala kang nararamdaman o pangangailangan dapat lagi kang nakikinig sa mabubuting balita ng Diyos. Thankful ako dahil dininig na Niya ang mga panalangin ko. Gumaling na ang nanay sa kanyang ubo na walong taon niya nang dinadala sa baga niya at dahil 'yon sa 'yo… tara na… magsimba't magpasalamat!" paliwanag niya at hinatak niya ako palapit sa simbahan.

Huminto ako't natigilan din siya sa sinabi ko, "Uh, we vampires… we don't do the simba thingy."

Na-realize niya ang sinabi ko, "Ay, oo nga pala… hmm…"

"But I wanna try it! I want to pray for my clan! I want to pray for their lives! For their safety!" I exclaimed cheerfully, full of excitement.

"'Yon! Tara!" sabi niyang gan'yan at pumasok na kami sa simbahan. Tinuruan niya akong magdasal. After naming magdasal ay lumabas na rin kami ng simbahan.

"Libre mo nga ako!" 'ika kong gan'yan.

"Ng ano?" sabi naman niya.

"Milktea . . ." sambit kong gan'yan saka ngumisi.

"Ay, wow! Ako nga hindi pa nakatitikim no'n, e!" sabi niya, napanganga at bahagyang natatawa.

Hindi ko tuloy maiwasang magtanong, "Bakit? 'Di ba, uso sa inyo ang milktea?"

"Oo, uso, pero 'di ko tina-try… pero ngayong nabanggit mo, sige, halika, patitikimin kita ng Milk tits . . . I mean, Milk tea!"

"Talaga?" sabi kong gan'yan. "Baka charot charot na naman 'yan, ha?"

"Hindi! Totoo na 'to! Halika na!" Hinatak niya ako at naglakad-lakad kami hanggang sa mapadpad kami sa isang istante na may nakasulat na, “Milktea for sale”.

"Hindi ka naman na siguro mag-iinarte, hano? Itong Milktea na lang sa tabi-tabi ang bibilhin natin kaysa 'yong milktea sa Starbucks chuchu ek ek never mind, mahal 'yon, e…" sabing gan'yan ni Ivana Marawi.

"It's okay po, you're kuripot nga kasi, 'di ba?" Nginitian ko siya tapos hinaplos niya naman ang buhok ko.

"Good vampire!" sabi niyang gan'yan at hinayaan ko lang siyang himasin ang ulo ko. Myghad Alma! Bakit ko siya hinahayaan? Damn!

"Kastila…" sabi kong gan'yan.

"Ha?" Napanganga siya at natigil sa paggulo sa buhok ko.

"Sabi mo, 'good vampire'. Sabi ko, 'kastila'. Kastila is me, good vampire," paliwanag ko pero mukhang hindi niya pa rin gets.

"Oo na lang kahit 'di ko gets," 'eka niyang gan'yan.

OGOGOG--OG! Sabi ko na nga ba, e! Hitsura pa lang niya halatang hindi niya talaga naiintindihan.

"Manong, Milktea nga! 'Yong isa malaki, ha? 'Yong sa 'kin, pinakamaliit."

"Anong flavor po ma'am?" tanong ng Manong tindero kay Ivana nang magsimula na itong bumili.

"Ikaw na bahala, manong!" 'ika ni Ivana. "Kami 'yong bumibili, 'di ba? Dapat alam mo na'ng gusto namin."

Diary ng Bampirang Bungal ang PangilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon