Last period na namin at natatawa kaming pinag mamasadan ang paglagay ni Amber sa bottled water na galing sa CR na ipapainom namin sa nerd na classmate namin.
"Seriously Cass gagawin natin to sa kanya?" Natatawang tanong ni Jhess habang pinagmamasdan ang bottled water na hawak ni Amber.
" Mukha ba akong nag bibiro Jhess? And beside tapos na ang school year nato at tapos naman ang exam." Mataray kong tanong sa kanya sabay irap.
"Tara na nga baka may makakita pa sa atin dito eh" yaya ni Amber sa amin.
Nang makarating kami sa loob ng room ay sakto naman na wala doon si Ellah sa kanyang upuan at minadali naming palitan ang bottled water niya at umupo sa pwesto namin.
Ilang sandali pa ay dumating na si Ellah kasunod ang teacher namin na si Ma'am Bm o Ma'am Buenaventura.
Nagsisimula ng mag attendance si Ma'am B. Kaya tumahimik na ang lahat habang kami nila Jhess ay hinihintay lang si Ellah. Matapos mag attendance ni Ma'am B. ay wala pa ring nangyari.
"Cass I think wala yang balak inumin ang tubig niya" bulong ni Jhess na nasa kanang bahagi ko naka upo.
"Just wait ok" baling ko dito at ibinalik sa harap ang tingin.
Nasa kalagitnaan ng pag pag susulat ng answers ng exam si Ma'am B. nang may marinig akong umubo kaya mabilis kong binalingan ng tingin ang pwesto ni Ellah at napakunot ang noo ko.
"Ano ...ba yang tubig mo Ellah... iba ang lasa" nauubong saad ni Maddie kaya binalingan ni Ellah ang tubig niya.
"H-Huh?" Muntanga niyang tanong.
"What's that Maddie and Ellah?" Tanong sa kanila ng teacher namin.
"Eh nakiinom kasi ako kay Ellah Ma'am pero amuy Cr yung tubig niya" paliwanag ni Maddie kaya nag tawanab kaming lahat.
"Its that true Ellah?" tanong ng teacher namin pero umiling lang siya kaya lumapit si Ma'am at inamuy ito.
" Where did you buy this?""S-Sa cafeteria po" kabado niyang tanong.
"Ma'am!" Biglang singit ni Jason.
"Lagot think he saw us" bulong ni Amber kaya sinita ko ito.
"Yes?" Mataray na sagot ni Ma'am B.
"While ago I saw Cassidy and her friends changed the bottled water of Ellah" Marte at deretsong sumbong niya at lumingon pa sa amin.
"Cassidy,Amber,Jhess.go to the principal office NOW!" sigaw ni Ma'am sa amin kaya padabog akong tumayo at binalingan ko ng tingin si Jason at binigyan ng DI PA TAYO TAPOS look pero inirapan lang ako ng baklang kabayo.
"Damn it! sana kasi si Ellah na yung uminom di sana masasayang ang pag punta natin sa Principal" dismayadong any ni Amber habang naglalakad kami sa corridor.
"Kakalbuhin ko talaga ang kabayong yun eh nakakairita. Grrrr" panggigil pa ni Jhess.
Di na ako umimik pa at taas noong naglakad papuntang principal office.
Nang makarating kami ay pinagkunutan kami ni Mrs.Valdez ng makapasok kami."Kayo na namang tatlo?" mataray niyang tanong pero inirapan ko lang siya at naupo sa sofa. "Suki talaga kayo dito noh! Hindi na ba kayo mag titino? Next school year grade 10 na kayo. Gusto niyo bang maka graduate pa?"
"Syempre naman Mrs.Valdez. sino ba naman ang ayaw maka graduate? " sarcastic kong tanong.
"Hay naka Del fuente.. " Iiling iling niyang saad saka tiningnan sila Amber at hindi na umimik saka may tinawagan sa cellphone niya.
Ilang oras lang ang lumipas ay sunod sunod dumating ang parents namin at si Ma'am B. dala ang bottled water.
Hindi ko na narinig pa ang pinag usapan nila dahil inilagay ko ang earphone ko sa tenga at ini max volume ko na ito.
Ilang saglit pa ay tumayona sila kaya inalis ko na ang earphone ko at ng tumingin si Dad sa akin ay nginitian ko lang siya saka lumabas.
Nauna na akong pumasok sa kotse ni Dad at naupo sa passenger seat at saka ito pumasok. Hindi na ako kinibo ni Dad habang nasa byahe kami dahil I know na naka reserved na ang sermon niya sa akin pag dating sa bahay.
Nauna na akong pumasok sa bahay. Nang paakyat na ako ay narinig ko ang pagtitimping boses ni Dad.
"Look what you've done Cassidy! kick out ka na sa school niyo."
"Then I'll gonna transfer to another so Dad." Kibit balikat kong tugon saka humarap sa kanya.
"Talagang lilipat ka sa ibang school" iritadong saad niya at biglang pumasok si Mommy.
"What'a happing?" Tanong niya saka humalik kay Dad.
"Yang magaling mong anak eh ipinainom sa classmate niya ang tubig na galing cr kaya na kick out" paliwanag ni Dad kaya bumaling si Mommy sa akin .
"Cass.." si mommy kaya nagkibit balikat nalang ako
"Ilang beses ka ng binigyan ng chance Cassidy pero hindi ka pa rin nagbabago at nambubully pa rin kayo.. kaya naman this summer vacation no out of country ang magaganap at dahil sa probinsya ka mag babakasyon" saad ni Dad na ikinagulat ko.
"What! Hell no Dad... you can't do this to me" angal ko.
"Yes I can darling" sarcastic niyang saad sa akin.
"MOM!" pero bumuntong hininga lang siya kaya padabog akong umakyat.
_______________________
YOU ARE READING
Getting Into You
General FictionCassidy Riley is a spoiled brat. She always bullied their classmates together with her two friends. She kicked out to her school because of what she've done and her parents can't do anything for that anymore. Nag desisyon ang kaniyang ama na dalhin...