Pagkarating ko sa condo ay agad sumalubong sa akin ang makulit kong anak. Napangiti naman ako at agad binigay sa kaniya ang ice cream na dala ko. Dinala niya ito kay clark at nag umpisang kainin ito.
Pumasok ako sa kwarto ko. Nang makatapos akong maligo at mabihis ay narinig ko ang pag tunog ng doorbell pero hinayaan ko na lang ito dahil nasa labas naman si Clark.
Nag patuloy ako sa pag bo-blower ng buhok ko nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Clark na may dala pang isang bowl ng ice cream habang nasa bibig niya ang kutsara.
"Para kang bata" natatawang sabi ko at nag patuloy nalang.
"You told him." Kapagkuwan ay sabi niya at sumandal sa hamba ng pintuan. "Nasa living room siya, pinapasok ko muna si Lean sa guest room"
Agad kong binitiwan ang hair blower at tumayo agad.
"Bakit hindi mo sinabi?" Kabadong tanong ko.
"I did hon, kasasabi ko lang diba?"
Napairap nalang ako sa kawalan. Agad akong lumabas sa kwarto ko at nagtungo sa livingroom at nadatnan si Enzo na naka upo sa couch. Tumayo agad siya ng makita ako.
"Puntahan ko muna si Lean," paalam ni Clark na hindi namalayang sumunod pala. Tumango lang ako sa kaniya at umalis na ito.
Nang bumaling ako kay Enzo ay nakasunod ang mata niya sa papalayong si Clark. Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya.
"Ahm..akala ko sa ibang araw ka pa-"
"I want to see her " putol niya sa sinasabi ko.
Kung nasa mabuting kalagayan lang talaga kami kanina ko pa to binatukan dahil sa pamumutol niya sa mga sinasabi ko.
Tumango ako at naglakad papunta sa kwartong tinutuluyan ni Clark. Kumatok ako at agad din itong bumukas.
"Si Lean" sabi ko na agad din sumungaw sa likod ni Clark.
"Yes Mommy?"
Ngumiti ako at pumantay ang sa kaniya." Your Papa wants to meet you"
"P-Papa? the guy in living room now?" Utal niyang tanong. Tumango ako sa kaniya at tumayo ulit saka tumingin ki Clark.
"You can do it hon"
Tumango ako at saka binalingan si Lean. Nakayuko siya at mahinang nangingig ang mga maliliit niyang kamay.
"You sure you want to meet him now baby?" Tanong ko.
Nag angat siya ng tingin at mahinang tumango. Nginitian ko siya at saka hinawakan ang kamay niya at igiya sa living room.
Pagkarating namin ay agad siyang nag angat ng tingin sa akin. Nginitian ko lang siya at tumungin kay Enzo na ngayon ay nakatulala sa anak namin.
Nag lakad siya palapit sa amin. Lumuhod siya para pumantay kay Lean at marahang hinalos niya ang ulo nito.
"You must be Lean right?" Napapaos niyang tanong.
"Leandra Sapharine Riley " sagot ni lean.
Nag angat ng tingin si Enzo sa akin na para bang nag tatanong o humihingi ng tulong saka bumaling kay Lean.
"P-Papa," pahinang tawag ni Lean sa kaniya.
"Yes.. I am" saka niya niyakap si Lean.
Agad kong narinig ang hikbi ni lean habang yakap niya ang kaniyang ama. Panay ang haplos ni Enzo sa likod niya para tumahan ito.
YOU ARE READING
Getting Into You
General FictionCassidy Riley is a spoiled brat. She always bullied their classmates together with her two friends. She kicked out to her school because of what she've done and her parents can't do anything for that anymore. Nag desisyon ang kaniyang ama na dalhin...