Para akong napako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa dalawang tao na mahimbing na natutulog sa kama. Unti unting tumulo ang luha ko at naninikip ang dibdib ko.
"E-El..." nanginginig kong boses.
Alam kong hindi niya ako maririnig lalo pa at natutulog ito. Hindi na ako nakatiis ay inilapag ko ang cake sa malapit na mesa at kinuha ang flower vase at malakas na itanapon ito.
"What the!" Gulat na napabangon si Enzo pati na rin ang babaeng kasama niyang si Stella?
"ITO BA EL? ITO BA ANG GINAGAWA MO PAG WALA AKO? HUH!" Sigaw ko at pilit pinupunasan ang mga luhang kumakawala sa mata ko.
"Baby?" Tawag niya sa akin at parang nalilito pa"what the fuck are you doing here stella?" Baling niya kay stella saka umalis sa kama at nilapitan ako.
"NAPAKA GAGO MO ENZO! ALAM MO BA YUN? " sigaw ko at pinag papalo ang dibdib niya
"Baby let me explain," naiiyak niyang sabi.
"EXPLAIN WHAT? DI PA BA MALINAW NA NILOKO MO AKO HAH? HALOS WALA KONG TULOG ENZO PARA LANG MASURPRESA KA PERO BAKIT AKO ANG NASURPRESA?"matuloy ko siyang pinagpapalo sa dibdib habang umiiyak.
Hindi ko akalain na darating ang araw na to. Ni minsan hindi sumagi sa isipan ko na kaya niya akong lokohin. Pero ano to? Ano tong nadatnan ko?
"Binigay ko lahat sayo Enzo, ulitimo lahat lahat binigay ko sayo!" Nanghihinang sabi ko"Pero bakit? Bakit mo to kinayang gawin sa akin? Hindi pa ba ako sapat sayo? Ginawa ko naman lahat diba? Pero bakit nagawa mo pa rin akong lokohin"
"Baby listen to me-"
"No! you listen to me first!" Putol ko sa sinasabi niya" Di ba sinabi ko na sayo na layuan mo ang babaeng yan? " turo ko kay stella na nanigas na sa kinauupuan niya. Napakalandi." I told you to stay away from her! Dahil hindi talaga lumalayo ang mga malalandi! Kaya ikaw na ang pinagsabihan ko imbis na ang isang yan! Pero gago ka EL! Hindi ka pa rin nakinig!"
" Baby please" naiiyak na niyang pag mamakaawa. Those teary eyes. Hindi ko kayang tingnan. Ito yung mga mata ng taong minahal ko ng husto.
"EL bakit? Bakit mo to nagawa sa akin? A-Akala ko ba ako l-lang?" Naiiling kong sabi habang pinupunasan ang luha ko.
Maslalong bumuhos ang luha ko nang mahigpit niya akong yakapin at humagulgol ng iyak sa balikat ko.
"Baby please, listen to me first" pag mamakaawa niya.
"EL naman.. isang sakit lang ang binagay mo.. sa akin pero sobra-sobra naman to" humihikbing sabi ko. Hindi ko na kaya. Isang beses lang pero solid yung sakit. Buong pagkatao ko apektado sa ginawa niya.
"Baby please,"
"Happy birthday El" matahan kong sabi sa kaniya at kumalas sa pag kakayakap niya. Hinawakan ko ang mukha niya at marahan hinaplos. Maybe this is my last.
"Baby,"bulong niya at hinawakan ang mga kamay kong nakahawak sa panga niya."I love you so much"
Marahan akong ngumiti sa kaniya at inilapit ang mukha sa mukha niyabat dinampian ng halik sa labi.
"Again, Happy birthday baby" sabay ngiti ko at huminga ng malalim. " let's break up"
pag kasabi ko non ay inalis ko ang mga kamay ko. Pinigilan kong humagulgol ulit nang tuluyan siyang bumagsak sa sahig at humagulgol ng iyak.
"No baby, please... theirs nothing happened betweent us... please baby maniwala ka please..please" pag mamakaawa niya at niyakap ang bewang ko at ibinaon ang mukha sa tiyan ko." Baby please.. don't break up with me...please"
YOU ARE READING
Getting Into You
General FictionCassidy Riley is a spoiled brat. She always bullied their classmates together with her two friends. She kicked out to her school because of what she've done and her parents can't do anything for that anymore. Nag desisyon ang kaniyang ama na dalhin...