CHAPTER:19

44 1 0
                                    

Nagising ako ng 4 am dahil sa ringtone ng cellphone ko. Inis ko itong inabot sa side table at tiningnan kung sino ang tumatawag. Napabuntong hininga nalang ako nang makita ang pangalan ni Miggy. God anong nangyayari sakaniya at nambubulabog?

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo mig?" Inis kong sagot.

"Bilisan mo jan dahil traffic sa daan at taft avenue pa ako"

"Its 4 am palang mig "

"Ano ba naman to.. sige na nga ipapasundo na lang kita kina liam"

Hindi na ako naka pag salita pa nanng bigla niya patain ang tawag.bumalik nalang ako sa pagtulog. Nagising ulit ako nang tumunog ang alarm clock ko and its 5:30 am. Agad akong bumangon at dumeretso sa banyo. Pagkatapos kong mag bihis ay pumunta na ako sa kitchen at nag hanap ng pwede kong makain. Inilabas ko ang fresh milk at nag prito ng itlog ay bacon para ipalaman sa bread.

Eksaktong pag katapos kong mag toothbrush ay may nag doorbell na kaya kinuha ako na ang mga gamit ko. Pag kalabas ko ay nadatnan ko si Mikey na nakahilig sa pader.

"Oy, good morning" bati niya.

"Morning"

Maikling sagot ko at inilock ang unit ko. Sumunod na lang siya sa akin patungo sa elevetor. Pag karating namin sa basement ay ipanatunog na niya ang itim na BMW.

Hanggang sa makarating kami sa Ateneo ay hindi niya ako kinulit. Agad akong dumeretso sa classroom at hinintay ang dalawa kong kaibigin. Nang makarating sila ay saktong pag dating din ng lecturer namin kaya hindi na kami naka pag usap pa.

Hindi naman hetic ang first month ko. Yun lagi ang nangyayari sa akin pag papunta ako ng school or pauwi. Salitan sina Mikey sa pag sundo sa akin. Buti at hindi naman sila nag rereklamo dahil hindi pa naman daw sila busy masyado. Naka dalawang beses palang akong naihatid ni Enzo at nung malaman ni Mikey yun ay hindi niya ako tinantanan sa pang aasar.

"Ayiee aminin mo kinilig ka noh.." asar niya sa akin nang maka pasok kami sa unit ko.

"Wala naman nakakakilig don.. duh!" Irap ko sa kaniya at kinuha ang phone ko sa pocket ng jeans ko ay sinagot ang tumatawag.

"Napatawag ka Amber," sagot ko at sinulyapan si Mikey na pumasok da kusina. Pagkain lang talaga ang pinunta nito eh.

"Sleep over kami ni Jhess jan cass.. saturday naman bukas eh"

Napangiti ako sa sinabi niya at sumunod kay mikey. " Sure thing.. wala naman akong kasama dito eh" aniya ko at kumuha ng baso saka inilahad kay Mikey na may hawak na pitsel.

"Sige.. papunta na ako kina Jhess"

"Bili kayo ng snacks"

"Sure... anuthing else?"

"Pizza will do"

"Alright. I need to hang up na" maarte niyang paalam.

Napalingon ako kay mikey na matim na nakatingin sa akin ngayon at naka pamewang ang isang kamay habang ang isa ay nasa baba niya na para bang nag iisip talaga.

"Ginagawa mo?" Pag tataka ko sa kaniya.

"Gagala ka no,"

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Problema ba ng isang to. Ang layo ng sleep over sa gagala. Tsk. Kahit kailan talaga tong mga kaibigan ni miggy napaka over protective. Hay para ko na rin silang mga kuya maliban don sa isa. Hahahahaha.

"Hindi no! Dito matutulog yung mga kaibigan ko" aniya ko at pumunta sa living room at pinaandar ang tv.

"tapos gagala kayo?" Tanong niya at naupo sa coach habang may hawak na strawberry juice. sila din yun naka ubos ng stocks ko eh. Akala ni mommy kain ako ng kain.

Getting Into YouWhere stories live. Discover now