CHAPTER:38

39 2 4
                                    

Nagising nalang ako na parang may nagpipigil ng paghikbi. Pagakamulat ko ay tumambad sa akin si Lean na umiiyak habang yakap yakap ang isang unan na hula ko ay ginamit ni Enzo kabagi.

Bumangon ako at napalingon siya sa akin. Namumula ang mata niya kakaiyak.

"What's wrong baby?" Tanong ko sa kaniya.

"P-Papa..already left us" umiiyak niyang sabi.

Bumaba ako sa kama at binuhat siya papunta sa banyo. Habang inaayusan ko siya ay patuloy pa rin siya sa pag iyak. Parang dinudurog ang puso ako dahil sa kagustuhan niyang makasama ng matagal ang Papa niya.

Nang matapos ko siyang ayusan ay sinunod ko ang sarili ko at saka kami lumabas ng banyo. Inilapag ko siya sa sahig at inayos ang magulong kama.

Binuhat ko siyang muli palabas ng kwarto. Pagkarating namin sa livingroom ay nadatnan namin si Clark na naka upo sa couch at nag kakape.

"Best morning Baby" bati niya kay lean at tumayo ito saka lumapit sa amin at hinalikan sa noo si Lean.
"I can't kiss you. Baka sapakin ako ni EL"

Hindi pa ako nakakapagsalita dahil sa sinabi niya ay nag salita na si Lean at nag pupumilit na bumaba.

"Papa!"

Napalingon ako sa sinabi niya at doon ko nasilip si Enzo na busy sa niluluto niya. Ibinaba ko si Lean na agad naman tumakbo papasok sa kusina.

"Mag luluto sana ako pero sabi niya siya nalang.. at nakapag usap na kami kanina habang tulog mantika kayong mag ina"

Mahina kong tinampal ang braso niya sa pinagsasabi niya.

"By the way, since tapos na rin ang misyon ko dito, kailangan ko na rin bumalik ng US. May naiwan akong trabaho doon" sabi niya na ikinakunot ng noo ko.

"What are you talking about? Sabay tayong babalik doon"

"Nuh! I don't think so. Hindi kayo ata papayagan ni EL"

"Clark," mahinang tawag ko sa kaniya.

Bumuntong hininga siya at tuluyan ng humarap sa akin. Hiniwakan niya ang magkabilang braso ko bago mag salita.

"Listen hon, you know that its hard for me to let you go and lean. Pareho kayong napamahal sa akin, pero anong laban ko sa kaniya kung siya ang tunay na ama ni lean. Alam mong handa akong ibigay sa kaniya ang surename ko pero mas maganda pa rin kung kay EL ang dadalhin niya.

"Alam kong dadating ang araw na ito kaya matagal ko ng hinanda ang sarili ko. Alam kong mula sa simula sakaniya ka, kahit anong gawin ko hindi ko mapapalitan ang pwesto niya sa puso mo." Marahan niyang hinaplos ang mukha ko at ngumiti."Gusto kong maging masaya ka ulit. At pag nasaktan ka, lagi akong nandito para sayo at ni Lean"

"Clark," napipiyok kong tawag.

Sa lahat ng pinag daanan ko sa nagdaang taon lagi siyang nasatabi ko. Sa ang nagsilbing liwanag ko ng mga panahong nasa madilim ako. Ginabayan niya ako hanggang sa maging ok ako. Kaya naman napakasakit para sa akin na mawalay sa kaniya. Sinanay niya akong laging siyang nasa tabi ko. Sa bawat oras na kailangan ko ng masasandalan lagi siyang nasa tabi ko.

"Hey don't cry, baka sabihin ng mag ama mo na pinaiyak kita"

Imibis na maiyak ay mahina akong natawa. Kahit kailan talaga nakukuha pa niyang mag biro kahit napaka seryoso na ng pinag uusapan.

"Mommy, Daddy, the breakfast is ready"

Sabay kaming napalingon kay lean na buhat ngayon ni Enzo nang tawagin niya kami.pinunasan ko ang konting luha ko at ngumiti sa kanila. Iginaya ako ni Clark sa kusina at pinag hila ako ng bangko.

Getting Into YouWhere stories live. Discover now