Nagising nalang ako kinaumagahan dahil sa ringtone ng cellphone ko. Pikit mata ko itong kinapa sa side table at sinagot ng hindi tinitingnan ang caller.
"Hello" inaatok na sagot ko.
"Did I wake you up?"
Agad akong napabangon nang marinig ko ang baritonong boses ni Enzo. Napatingin ako sa wall clock at nakita kong 11:55 am na. That means limang minuto bago mag hahating gabi sa kanila.
"Uhm.. hindi naman" sabi ko at sinamahan pa ng tawa. Gosh bakit ba ako napuyat ngayon.
"What are you doing, then?"
"Ah..eh babangon palang, medyo napuyat din ako"
"Merry christmas" bati niya sa malambing na tono.
gumulong gulong ako sa kama at tinakpan ang bibig ko para hindi niya marinig ang mahina kong pagtitili. Gosh. Pang bedroom ang boses niya.
"Merry christmas din.." bati ko sa kaniya habang pinimigilang tumili. Normal lang naman sigurong kiligin pag crush mo ang kausap mo diba.
Pag katapos ng batian namin ay nag paalam na siya at tatawag lang daw mamaya. Naligo na ako at nag bihis saka lumabas sa kwarto ko. Nadatnan ko sa living room ang mga pinsan ko na nanood ng hindi ko alam na movie. Dumiretso ako sa dining area ay agad akong pinag silbihan ng kasambahay namin.
Nanatili kami sa living room hanggang sa mag disisyon si Rianna na pumunta ng Mall para mag shopping. Habang nag papalad kami sa mall ay sinusundan ang nakakatanda naming pinsan na si Rianna ay biglang huminto ang kasama kong si Vincent at bumaling sa isang boutique na pang lalake lang lahat. Nilingon ko si Rianna na tumigil at sumunod din kay Vincent.
"Let's go "anyaya niya sa akin at pumasok na.
Wala na akong nagawa at sumunod nalang sa kanila sa loob. Habang pinagmamasdan ko si Vince sa pamimili niya ay isang pamilyar na lalake ang nakita ko sa likod niya. Pinagmasdan ko ito at tumaas ang isa kong kilay ng mapagtatanto kung sino ito.
"Hoii."sabay tapik ko sa braso ni Clark. Agad siya napalingon sa akin at sinamaan ako ng tingin pero nawala rin yun nang makilala niya ako.
"Cass," saad niya ay kinurot pa ang ilong ko tulad ng nakasanayan niya dati.
"Ouch naman" daing ko at tinampal ang kamay niya. Tinawan niya lang ako at luminga linga na parang may hinahanap.
"Kasama mo pala si vince" aniya at sinulyapan ang pinsan kong busy sa pamimili.
"Yeah. And ate Rianna too" sabay turo ko kay Rianna na busy sa kaniyang cellphone.
"Kailan kayo uuwi?"
"Wow.. excited kang pauwiin ako?" sarkastikong tanong ko kaya pinungot na naman niya ang ilong ko kaya napanguso nalang ako.
"Malapit lang ang amin sa bahay niyo..ilang block lang ata yun" saad niya.
Sabay kaming napalingon sa papalapit na si Vincent at may dalang tatlong paper bag na may tatak ng mamahaling brand. Agad niya akong pinagtaasan ng kilay at lumipat kay Clark ang tingin niya saka nag salita.
"Are you flirting my cousin Clark?" Suplado niyang tanong.
Tumawa si clark at umiling. Mas lalong naging suplado ang mukha ni Vincent sa inasta ni Clark sa kaniya.
"Dude, she already rejected me when we're in Philippines" natatawang saad ni Clark.
Bumaling sa aking ang suplado kong pinsan na para bang nagtatanong kung totoo ang sinasabi ng walang hiyang si clark. Tumango lang ako sa kaniya at nag peace sign. Kumpara kay Miggy ay mas strikto si Vincent sa akin pag dating sa mga ganitong bagay at di tulad ni Miggy na binabantayan lang ako at sinusuway pag sumusobra na ang ginagawa ko.
YOU ARE READING
Getting Into You
General FictionCassidy Riley is a spoiled brat. She always bullied their classmates together with her two friends. She kicked out to her school because of what she've done and her parents can't do anything for that anymore. Nag desisyon ang kaniyang ama na dalhin...