Kinagabihan, matapos kong maligo at mag bihis ay nag tungo ako sa kwarto ni Miggy. Hindi ko naman talaga gustong pumunta sa kwarto niya pero may itatanong lang ako sa kaniya.
Pag ka pasok ko ay nadatnan ko siya sa study table niya. Nang maramdaman niya ang presensya ko ay nakataas kilay niya akong nilingon. Napanguso ako at pumanhik sa kama niya.
"anong kailangan mo?" Nakangisi niyang tanong.
Bumuntong hininga ako at kinuha ang unan niya saka nilagay sa kandungan ko.
"May galit ba yang kaibigan mo sa akin?" Tanong ko
"Sino si Enzo?"
"Ah..uh,"
Feel ko talaga may galit siya eh. Dati pa man suplado na siya sa akin nung dumating ako dito. Inaamin kong suplada ako, pero hindi sa lahat ng oras. Siya kasi eh miski masulyapan pa lang ako na papalapit nag sasalubong na ang kilay niya.
"Ewan..siguro..ano bang ginawa mo sa kaniya?"
"I don't know" kibit balikat ko"Sometimes tinatry kong maki pagkaibigan sa kaniya pero pinag susungitan niya lang ako"
"Hindi ka naman nakikipag kaibigan kay enzo eh"
"Huh?"
Tumango siya at humalukipkip"Iniinis mo yun lagi"
"Luh! Hindi no.." dipensa ko. Hindi ko naman talaga siya iniinis ah. Siya nga tong laging namimikon.
"Ewan ko.. pero may sinabi yun sa akin" sabay ngisi niya.
"Ano?" Tanong ko bigla.
Tinawanan niya ako at lumapit sa akin. Napaisip tuloy ako kung anong sinabi ng isang yun. Hindi kaya? OMG!
"Crush niya ako?" Matapang kong tanong na siyang ikinatawa niya ng malakas at hinawakan pa ang tiyan.
"HAHAHAHA lakas ng saltik mo cass.." natatawang aniya. Kinuha ko ang unan at ibinato sa kaniya na tumama sa mukha niya.
"Ahrrr..you're so bad "
"Eh bakit kasi yun ang naiisip mo? Hmmm hindi kaya ikaw ang may crush kay enzo?"
Nababaliw na talaga ang pinsan kong to. Bakit ko naman magiging crush ang supladong yun.
"Duh!malayong malayo si kay clark noh.."irap ko sa kaniya.
"Why did you rejected him..then?"
"Eh sa hindi ko siya gustong maging boyfriend.. easy as that"
"Kaya nga.."
"Then what's your point?"
"Wala naman" kibit balikat niya saka tinalikuran ako at tumawa.
Sa inis ko kay miggy ay padabog akong umalis sa kwarto niya. I hate this feeling. Duh! Hindi ako mag kakagusto sa isang yun noh. Iniisip ko pa lang kinikilabutan na ako.
Then next day is so stressful. Bukod sa kailangan kong gawin ang mga requirements ay kailangan ko ring mag review. Senior lang diba. Kailangan maging maganda ang grades ko para ibalik ako ni Daddy sa manila noh.
Pag ka kuha ko ng order ko ay nag hanap agaf ako ng bakanteng table. Nakita ko ang table na isa lang ang tao kaya lumapit ako. Ganun na lang ang tuwa ko at si Clark ang naka upo. Napatingin siya sa akin at tumingin sa likod ko para tingnan kung may kasama ba ako. Wala sina Chacha at layla dahil may ipina photocopy sila kaya ako lang mag isa.
YOU ARE READING
Getting Into You
General FictionCassidy Riley is a spoiled brat. She always bullied their classmates together with her two friends. She kicked out to her school because of what she've done and her parents can't do anything for that anymore. Nag desisyon ang kaniyang ama na dalhin...