Dumeretso ako muna ako sa mansyon namin para kumustahin sina Manag Eva na nanatiling tangapangalaga nito. Simula nung naka uwi kami dito ay hindi man lang ako nakadalaw sa mansyon namin dahil sa tuwing naiisip ko ito ay mga alala nila Mommy at Daddy ang pumapasok sa isip ko.
Naka upo ako sa kama nila dito sa master bedroom nila habang pinakatitigan ang family picture namin. Nakangiti kaming tatlo at nasa gitna ako. It was my graduation picture at yun ang huling litratong nakuhanan kami. Pinahid ko ang luha ako at pinunasan ang frame dahil sa luhang kong tumulo dito.
"I w-wish na nandito pa rin kayo sa tabi ko Mommy,Daddy. Wala man lang akong masabihan ng n-nararamdaman ko... parang simula nung nawala kayo, nawala na rin ang kakampi ko. Though, our relatives is always there for me but iba pa rin pag kayo ang nandito...
"You know what Mom, Dad, I raised my daughter well... tinuro ko lahat ng ginawa niyo sa akin para mapalaki ako ng maayos.. yun nga lang wala na kayo dito para masilayan ang anak ko.. she's a smart kid.. kaya gagawin ko po ang lahat para mabigyan siya ng magandang buhay... Please always guide us Mom, Dad. Mahal na mahal ko kayo"
Marahan kong pinunasan ang luha ko at nahiga sa malambot nilang kama at niyakap ito.
Nagising nalang ako at hating gabi na. Di ko man lang namalayan na nakatulugan ko na pala ang pag iyak ko sa pangungulila sa mga magulang ko.
Pagkababa ko ay naabutan ko sa Manang Eva na paakyat na at kay dalang tray ng pagkain.
"Hija gising ka na pala, pasensya na at hindi kita ginising kanina.. nakita ko kasing ang himbing ng tulog mo habang nakayakap sa family picture niya... halika't kumain ka muna"
Tipid akong ngumiti at sumunod sa kaniya sa dining area. Naupo ako sa hinila niya bangko at lumipat siya sa kabila at naupo sa harap ko.
Nag umpisa na akong kumain at tahimik lang siyang nakatingin sa akin. hindi ko tuloy maiwasang maiyak nang maalala ang mga panahong kompleto kaming kumakain dito ng mga magulang ko. Ngayon ay mag isa nalang ako.
"S-Sorry po M-Manang.. hindi ko k-kasi mapigilang m-maalala s-sila eh.." sabay punas ko ng luha ko at agad siyang tumayo at lumipat sa gawi ko
"Shhh tahan na hija.. alam ko ang nararamdaman mo. Miski kami dito eh nalulungkot din..tangin kami na lang ang tao ng mansyon niyo" pag papatahan niya sa akin.
"Hanggang ngayon po kasi ay hindi ko pa rin matanggang..pakiramdam ko ako na ang pinaka kawawa sa lahat dahil wala na ang dalawang magulang ko.. kaya nga po hindi ako kaagad naka punta rito eh.. dahil sabi ko once na tumapak ako dito sa manyon, bawat sulok nito ay sila lang ang maaalala ko at ganon rin ang nangyari" napipiyok kong boses.
"Kung hindi lang dumadalaw si Miggy dito ay wala talagang buhay tong mansyon.. minsan naman ay si Enzo ang pumupunta rito at lagi siyang naglalagi sa kwarto mo para ayusin at linisin ito kahit na wala namang kalat, kahit nga dumating ka eh dumadalaw pa rin siya dito.." sabi niya na ikinatigil ko ng pag hikbi.
Si Enzo? Dumadalaw dito at sa kwarto ko siya namamalagi?
"Nung umalis ka papunta sa Amerika ay lagi siyang nandito... minsan nga nakikita ko pa silang nag uusap ng Tito felix mo dahil dumadalaw din yun dito.. at ikaw lagi ang pinag uusapan nila"
Nakatulala akong nakatingin sa pagkaing nasa harapan ko. Wala na akong ganang kumain dahil sa mga narinig ko.
Nag paalam na ako kay Manang na aalis na ako. Hindi naman niya ako pinigilan dahil alam din niya ang dahilan ko kung bakit kailangan kong umuwi.
Habang nag mamaneho ako ay naiisip ko ang mga sinabi ni Manang sa akin.
Ibig sa bihin sa nagdaang taon lagi nandin sa mansyon. Ano pa ba ang kailangang ipunta niya roon eh wala na ngang nakatira doon maliban kina manang. Napailing nalang ako sa naiisip ko.
YOU ARE READING
Getting Into You
General FictionCassidy Riley is a spoiled brat. She always bullied their classmates together with her two friends. She kicked out to her school because of what she've done and her parents can't do anything for that anymore. Nag desisyon ang kaniyang ama na dalhin...