CHAPTER:36

34 2 1
                                    

Mariin kong hinilot ang sentido ko pagkatapos ng isang board meeting. Dalawang linggo na ang nakalipat mula nung maka uwi kami dito sa Pilipinas. Bumalik ako sa kompaniya at pinalitan si Tito Felix na siyang naging CEO sa lumipas na taon simula nung mamatay si Daddy.

"May susunod pa ba akong gagawin kriz?" Tanong ko sa sekretarya ko.Tiningnan niya ang schedule ko bago ito bumaling s akin.

"Last na yun Miss Cassi"

Tumayo na ako sa pagkaka upo at nagsimula ng maglakad palabas sa conference room. Sunod sunod ang mga meeting na dinaluhan nitong nakaraang araw kaya laging sumasakit ang ulo ko.

Pagkabukas ko ng glass door ng office ko ay agad tumambad sina Clark at Lean na naka upo sa sofa. Agad tumayo si Lean at tumakbo sa akin.

"Mommy you look tired" aniya at akmang mag papabuhat na siya pero nag salita si Clark.

"Come here baby, Mommy is tired" aniya at lumapit sa amin saka binuhat si Lean. "Take a rest hon," at hinalikan ako sa noo.

Naupo ako sa sofa at inihilig nag ulo sa backrest nito. Marahan akong napapikit nang maramdaman ang kamay ni Clark na minamasahe ang sentido ko.

"Masyado mong pinpagod ang sarili mo" aniya at patuloy lang sa ginagawa.

Hindi na ako nag salita at pumikit na lang at nag isip na naman kung paano ko ba masasabi kay Enzo ang tungkol sa anak namin. Sa mga araw na nag daan ay naging casual kami sa isa't isa. Kung minsan ay nahuhuli ko pa itong nakatingin sa akin.

Bawat araw ay nagtatanong si Lean kung kailan niya ba makikita ang ama niya. Hindi ko na alam kung ano na ang gagawin ko gayun ay pag kami lang dalawa ay parang walang may gustong mag salita kahit pa gustong gusto ko ng aminin.

"Tagal na naming hindi nakakapunta sa condo mo cass, miss ko na tuloy makikain doon" biro ni Adrian.

Narito sila ni Liam sa office ko dahil dinalaw  nila ako. Kanina pa sila dito. Hindi naman sila nakakaabala dahil konti lang naman ang ginagawa ko dahil natapos ko na ang iba kaninang umaga kaya ok lang kung maki pagchismisan ako sa kanila at mag gagabi na rin naman.

"I saw Clark Galves here last week" ani Liam. "He already have a  daughter now and she's so cute"

"Wee di nga?sino naman ang asawa non?" Di makapaniwalang tanong ni Adrian.

Kinabahan agad ako nang bumaling ng tingin si Liam sa gawi ko. Ngumiti siya sa akin at bumaling ulit kay Adrian saka nagkibit balikat.

"Who know's"

" Swerte ni Galves at may baby na siya. Yung iba kasi hindi pa nilalapitan yung baby niya eh" makahulugang sabi ni Adrian.

Napailing nalang ako sa kaniya. Kahit kailan talaga hindi na sila nag bago. Kung ano sila dati, yun pa rin. Though, nag matured lang sila ng konti.

"ayun! Out muna cass" saad ni Adrian na nakatingin sa wallclock.

"Dinner group tayo" anyaya ni Liam.

"Group?" Takang tanong ko.

"Oo, sina Mikey pa" ani Adrian at tumayo na.

Tumango lang ako at niligpit ang mga gamit ko. Sumakay na kami sa Elevator. Habang nasa loob kami ay nag text ako kay Clark na matatagalan ako sa pag uwi dahil sa pagyaya sa akin nila Adrian. Pumayag naman ito agad.

"Balikan mo nalang yan mamaya. Sa kotse ko ka muna sumakay para isahang dating lang tayo" saad ni Liam.

Hindi na ako tumanggi pa ay pumasok na lang sa backseat. Hindi naman malayo ang napili nilang restaurant kaya mabilis kaming nakarating. Nadatnan namin sina Mikey at Miggy na preteng ng nakaupo sa pinareserved nilang table.
Lumapit kami dito at nag siupuan na.

Getting Into YouWhere stories live. Discover now