CHAPTER:23

36 1 0
                                    

"Sino ba kasi ang nag sabing maniwal ka sa kaniya?" Maarteng tanong ni Jhess at sa tabi niya ay naka ngiwing si amber.

Nasa unit ko sila ngayon matapos ang klase namin sa linggong ito. Naiisipan nilang mag sleep over na naman dito tulad ng nakasanayan nila. Dati ko pa tong sinabi sa kanila pero ngayon lang ata nila binigyan ito ng atensyon.

"Its not like that, ang akin lang naman eh bakit kailangan niyang gawin to sa akin" buntong hininga ko at niyakap ang throw pillow.

Hindi ko talaga ma gets ko ano ba ang gustong mangyari ni Enzo. May mga araw na nagpapakita siya ng motibo sa akin at ako naman itong tanga na agad naniniwala sa mga kilos niya.

"Yung pinuntahan mo atang probisya Marupok province ba ang pangalan non?" 

" Huh?" Nalilitong tanong ko kay amber.

"Naka punta ka lang doon, naging marupok ka na"

"Correct. Dati naman easy lang sayo na mang reject ng mga boys, but for now.." pinasadahan niya ako ni amber ng tingin at umiling iling" I don't think so"

"Yan kasi eh, bakit college student pa ang napagtripan mo"

Inirapan ko na lang Jhess sa sinabi niya.Duh mukha ba akong natitrip? Ako ata ang biktima dito.

Sa mga sumunod pang araw ay mas naging busy na ako dahil sa incoming final exam namin. Minsan nalang tumambay sina Mikey sa unit ko at tanging pag hatid sundo lang nila sa akin ang pag kikita namin. Noon pa man ay tumanggi na ako sa ginagawa nila pero sila na ang nag sabi na ok lang. kaya naman ibibalik ko sa bahay ang kotse ko dahil hindi naman ito nagagamit dahil dinala na ni Miggy ang BMW niya nung umuwi siya nung christmas.

Nang matapos ang final exam namin ay nakahinga ako nga maayos dahil sa wakas wala na akong iisipin ngayon.

"Bili muna tayo ng pizza liam" saad ko.

Pauwi na kami galing sa Mall. Nag pasama ako sa kaniya dahil pinasama ni Dad si Miggy sa isang business meeting kaya walang mag mamaneho para sa akin. Wala naman daw gagawin si liam ngayon kaya ayos lang. Namili lang kami ng mga groceries dahil paubos na ang stocks ko.

"Di pa ba kayo maayos ni El?" Tanong niya habang hinihintay namin ang ipapatake out naming pizza.

"Maayos? Hindi naman kami nag away ah."

Alam kong napapansin nila ang medyo pag iwas ko kay enzo nitong mga nakaraan. Ilang beses na nila akong tinatanong tungkol dito pero iisa lang ang sagot ko sa kanila. Ano ba naman kasi ang karapatan ko para mag demand ng iba eh wala namang namamagitan sa aming dalawa.

"You know what I'm talking about cass"

"Masyado naman kasi siyang malabo eh"

Totoo naman kasi. Lahat ng bagay na may kinalaman sa kaniya ay masyadong malabo. Minsan ang caring niya sa akin pero sa ibang araw naman para siyang walang paki at hangin lang ako para sa kaniya.

"Here's your order ma'am"

Lumabas na kami at dumeretso sa SUV ni liam. Mabilis kaming nakarating sa tower ng condo ko. Bubuksan ko na sana ang pintuan gamit ang susi ko nang aksidente ko itong napihit at bumukas agad. Nagtataka akong napalingon kay liam na nagtataka rin dahil sa hindi pag ka lock ng unit ko.

"Someone is inside" aniya ko at binalingan ang pintuan.

Baka si Miggy lang ang nasa loob dahil binigyan ko siya ng susi nito or di kaya si Mommy. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob kasunod si Liam na dala ang mga pinamili naming groceries. Tanging tatlong box ng pizza lang ang hawak.

Getting Into YouWhere stories live. Discover now