Just like a blink. Simula nung pumunta kami ni mig sa bahay nila Enzo ay hindi na kami naka balik pa dahil naging busy na kami sa final exam namin. Minsan nalang kami magkita dahil hindi na kami pumupunta nila chacha sa kiosk na dati naming pinuountahan pag wala na kaming klase.
Hindi na ako kinausap pa ni Enzo. It feels like there's something but i can't guess what is it. Para kasing iniiwasan na niya ako. Tuwing naghihintay kami ng sundo sa labas ng gate ay lumalayo siya sa pwesto ko. As if naman na hindi ko nakikita ang lihim niyang pag sulyap sa akin.
Nang sabihin ko kay Dad na sa La Salle mag co college si Mig ay wala na rin siyang nagawa at pinayagan na niya akong bumalik sa manila at doon mag senior high.
"So hanggang summer ka lang dito?" Malungkot na tanong ni Layla.
Nalulungkot din ako at iiwan ko na sila dito. Marami din kaming pinagsamaan kaya nahihirapan din akong mag paalam sa kanila. Pero wala naman akong magagawa eh.
"Boring na kami dito. Aalis din ang limang yan eh" nakangusong saad ni Chacha habang nakating kina Miggy na nag lalaro ng basketball.
Napabuntong hininga nalang ako sa kanila. Tama nga sila dahil sa manila mag co college sina miggy at maiiwan silang dalawa. Haysstt kaya ayaw kong maging malapit sa iba eh dahil ang hirap mang iwan lalona't napamahal na sayo.
Hindi ko na rin namalayan ang mga araw at pag papasukan na naman. Two weeks before ay lumuwas nakami ni miggy papuntang manila.
"Nakahanap na rin po ako ng condo sa katipunan tito.. hindi naman matagal ang byahe papunta sa taft avenue. " aniya habang nasa hapag kami.
"Kung hindi lang malayo tong bahay namin eh mas mabuti kong dito ka muna" saad ni Dad.
"Kaya nga po eh tito eh."
"Bukas pupuntahan natin ang condo mo. At hahanapan ko rin tong si Cassidy.." saad ni Dad na ikinagulat ko.
"Maraming bakante doon tito"
Tumango nalang si Dad at nag patuloy nang kumain. Kinabukas tulad ng sinabi niya kagabi ay bumyahe kami papunta sa katipunan.
Pag karating namin sa sa condo ni Miggy ay kompleto na ang mga gamit at siya nalang ang kulang."May isa pang kwarto tito, pwede namang dito nalang si Cassi para tipid na rin" aniya saka tinuro ang isang pinto.
"Well. Maganda naman yun mig.pero gusto kong matoto siya at hindi umasa sa iba..kung dito yan eh paniguradong gagawin kaniyang katulong" sabay tawa ni Dad kaya napairap nalang ako.
"Oo nga po eh.. pero baka mahirapan siya tito"
" much better mig..para malaman niya na lahat ng bagay ay pinag hihirapan."
"Don't worry cass..pwede ka dito makikain " tawa niya.
"Nasa 10th floor ang nakuha ko sayo Riley.. inaasikaso na ng Mommy mo ang mga gamit mo don"
Napanguso nalang ako sa pangalang itinawag sa akin ni Dad. Tama nga ang hinala ko noon. Kaibigan lang ang tingin niya sa akin.
Iniwan kami ni Dad sa condo ni Miggy kesyo may gagawin pa daw siya sa kompanya. Tuloy ay nag order nalang kami ng pag kain para sa lunch namin ni Miggy.
"I thought sa Ateneo ka na " saad ko at sumubo ng fries.
"Eh sa La Salle ako napunta eh..bakit ba"
Binato ko siya ng fries dahil sa inis. Nanonood kami ngayon ng netflix nang biglang may mag doorbell kaya agad kaming napalingon.
"Si Tito na ata yun" aniya saka tumayo para pag buksan si Dad.
![](https://img.wattpad.com/cover/235774997-288-k348913.jpg)
YOU ARE READING
Getting Into You
General FictionCassidy Riley is a spoiled brat. She always bullied their classmates together with her two friends. She kicked out to her school because of what she've done and her parents can't do anything for that anymore. Nag desisyon ang kaniyang ama na dalhin...