CHAPTER:15

43 2 0
                                        

Lakad takbo ang ginawa ko sa hagdan  para lang maabutan ko si miggy na nag mamadaling umalis papasok sa school.

Kanina pa niya kinakatok ang pinto ng kwarto ko dahil kailangan daw niyang maging maaga ngayon sa di ko malaman na dahilan. Ako naman itong parang hindi inaabutan ng ulan na pa chill chill lang habang inaayus ko ang bag ko at ang guitarang dadalhin ko kaya ayun iniwan niya ako at puntik pa akong mahulog sa hagdan dahil sa pag mamadali.

"Bakit naman dinala mo pa ang guitara?"pag susublado niya sa akin nang maka pasok ako sa loob ng kotse.

"Duh.. trip kong mag dala noh"

"Tapos ako rin ang hahawak niyan mamaya?"

"Well.. ako na lang" saka bumungisngis ako.

Bumuntong hininga lang siya at sumandal sa backrest. Tumahimik lang ako sa tabi niya at tinanaw ang mga nadadaanan namin. Malapit ng matapos ang school year at hindi naman ako masyadong naka gala dito. Well it doesn't matter to me anyway. Mas mabuting nasa bahay lang o di kaya sa bahay lang ng mga kaibigan namin.

Nang makarating kami sa tapat ng gate ay naunang bumaga si miggy at kinuha niya ang guitara sa akin. Agad akong bumaba. Pag kasarado ko ng kotse ay binalingan ko siya na ngayon ay salubong ang makakapal niyang kilay.

"Ako naman ang madadala niyan eh" nakangusong aniya ako.

Bumuntong hininga siya at inilahad sa akin ang guitara. Tumalikod na siya at naglakad na papasok ng school. Naka nguso akong sumunod sa kaniya. Nang makarating kami sa pathway kung saan maghihiwalay na ang daan ng senior at junior ay nakita ko si Enzo na mag isang nag lalakad. Mabilis na lumapit si miggy sa kaniya at tinapik ang balikat niya.

Hayysst. Ok mag lalakad akong mag isa papuntang room. Para naman akong loner nito.tsk. saan kaya sina layla? Nag lakad na ako pa akyat sa hagdan nang wala talaga akong makitang kasama.

"Hoii!"

Agad akong napatalon nang may biglang nanggulat sa akin. Inis kong binalingan ang taong may gawa non at nakita ko ang nakangising si Mikey at sa likod niya ay si Adrian.

"Lutang ka ata..kanina ka pa namin tinatawag eh" natatawang sabi ni Mikey.

"Gusto mo ba akong patayin?"

"Wow hah.. patay agad? Di ba pwedeng mahihipatay muna?"

Dati pa man ay napansin ko na sila ni adrian ang makulit sa lima kaya di na ako magtataka kung may gagawin silang kalokohan.

"Ano bang ginagawa niyo dito? Last time i checked.. building to ng junior. Bakit junior kayo?" Pag tataray ko.

"Well... hindi naman bawal pumunta dito saka may kukunin kami kina chacha" singit ni Adrian.

Inirapan ko nalang sila at nag patuloy mag lakad. Pag karating ko room ay sumunod sila sa loob para hintahin sina chacha na hindi pa dumating. Tuloy yung mga classmates ko ay panay lingon sa pwesto namin. Tsk may gusto ata sila sa dalawang to.

"Dinala mo ulit ang guitara ah" ani mikey.

"Wala ah.. drawing lang ata to" sarmastikong tugon ko sa kaniya.

"Suplada nito" aniya saka tumayo nang makitang kakarating lang nila chacha at layla.

Lamapit sila at may nilabas na papel si layla at ibinigay kay Adrian saka umalis na ang mga ito. Dumeretso sina chacha sa tabi ko at inilapag ang bag nila at naupo.

Ilang minuto ay dumating na rin ang teacher namin. Tahimik lang akong nakinig hanggang sa matapos ang klase namin. Wala kaming naging vacant dahil present lahat ang teacher namin sa umaga kaya hindi na kama bumaba pa at hinintay nalang ang lunch break.

Getting Into YouWhere stories live. Discover now