CHAPTER:7

33 1 0
                                    

Pagkauwi namin ay sa kwarto ako ni Miggy dumeretso para mag patulong mag drawing.

"Hindi naman ako magaling jan Cass"  saad niya habang inaayos ang mga gamit sa study table niya.

"Mas lalo na ako.. sige na Mig" pagmamakaawa ko.

"Kailan ba yan ipapasa?"  Tanong niya

"Next week daw"

"Matagal pa pala..mag patulong ka kay Enzo, Future Engineer yun" saad niya at umupo sa kama at kinuha ang cellphone ko.

Pinaalis niya ang password ng phone ko at kinuha ang phone niya. Maya maya pa ay inilapit niya sa tenga ang phone ko.

" Enzo! si Mig to.. nakitawag lang ako kay Cassi" saad niya saka lumingon sa akin"Nagpapatulong kasi siya sa pag drawing sa akin at alam mo namang wala akong hilig jan..kaya ikaw ang naiisip ko... ano ba ang ipapadrawing mo cass?" Tanong niya.

"Brain cell" sabay nguso ko.

"Brain cell daw dre.. yung ganon ata sa ginawa natin dati...sige salamat" saka ibinigay niya ang cellphone ko. "I save mo yang number niya" saka umalis at pumasok sa banyo.

Lumabas na ako sa kwarto niya at pumasok sa kwarto ko. Tulad ng sinabi ni miggy I saved his number.

Pagkatapos kong maligo ay nahiga ako sa kama at nag facebook. I saw a friend request from Clark Galves. I accepted it and logout my account.

While I'm listening a music,my phone suddenly stop and continued again. Nang tignan ko ay text message galing kay Enzo.

Enzo:
Nilagyan ko na ng pangalan ang bawat parte.

Ang bilis naman niya mag drawing.

Me:
Tapos mo na?

Enzo:
Oo

Me:
Ang bilis mo naman ata.

Enzo:
Gusto mo sa deadline ko pa gawin?

Me:
Alright.

Enzo:
Talaga lang huh.

Me:
Sure thing.. natapos mo naman kaya wala na akong problema ^_^

Ilang minuto kong hinintay ang reply niya pero walang dumating. Kala niya madadaan niya ako sa pagiging suplado niya.

Agad akong bumangon nang sumungaw si Miggy sa pinto at pinapababa na ako.

Pagdating namin sa hapag ay naka upo na si tita kaya tumabi ako sa kaniya.

"Mag baon ka nalang kaya ng pagkain mo Cassi" biglang sabi ni Miggy habang kumakain kami.

"Why ?" Takang tanong ni Tita sa kaniya at bumaling sa akin.

"Hindi niya kasi gusto yung paninda sa cafeteria Mom" si Miggy

"Cass masasanay ka din, and malinis ang mga yun ok" sabi ni tita sa hinawakan ang ulo ko. Tumango naman ako.

Pagkatapos namin kumain ay nanuod kami ng tv sa sala. Ilang sandali pa ay pinaakyat na kami ni tita para matulog. Masyado pa namang maaga kaya pumunta ako kay Miggy para gambalain niya.

Pagkapasok ko ay hawak niya ang laptop niya. Hinanap ko ang guitara niya at kinuha yun.

"Dalhin mo na yan sa kwarto mo" sulyap niya sa akin at itinuon ulit sa laptop ang paningin.

"What are you doing?" Tanong ko at naupo sa kama niya.

"power point" tipid niyang sagot.

Getting Into YouWhere stories live. Discover now