CHAPTER:31

37 1 0
                                    

I don't know if I'm just being paranoid. Everytime kasi na pinupuntahan ko si Enzo sa trabaho niya ay lagi kong nakikita na kasama niya yung babaeng engineer which is very unusual. I feel like that there's something I can't name it. May tiwala ako sa boyfriend ko pero sa babaeng yun wala akong tiwala. Anong laban ko kung malandi siya?

It seems like she want my boyfriend. Everutime ay nahuhuli kong malalagkit ang tingin niya kay Enzo. Parang gusto ko ata siyang sabunutan.

"Required ba talagang maging matapang pag kabit?" Biglang tanong ko nang basta lang ako sumulpot sa office ni Enzo. Tulad ng lagi kong nadadatnan ay nandito na naman ang malanding babae.

Nagtatakang napatingin si Enzo sa akin samantalang nakuha naman agaf ng babaeng to ang ibig kong sabihin kaya agad akong pinagtaasan ng kilay.

" gaano ba karami ang pag uusapan niyo at hindi ito matapos tapos?" Baling ko kay Enzo.

"We're just talking about things" sagot ni Enzo at nilapitan ako.

Bumaling ako sa malanding engineer na halos lumabas na ang kaluluwa sa sout niya.

"You knew that he's already taken, why don't you find your own guy? Marami jan sa labas. " Sabi ko sa kaniya habang nakahalukipkip.

"What are you talking about?" Malanding tanong niya.

"Don't fool me Miss Engineer. I'm a women too."

"Are you afraid of me?"

"Sa malalandi? Oo. Maganda lang ako. anong laban ko sa malanding katulad mo?" Taas kilay kong tanong.

Tumawid siya ng pag kakatayo at inayos ang suot niya. Ang tapang talaga.

"Baby, what are you talking about?" Bulong ni Enzo sa akin pero hindi ko pinansin.

"Stay away from my man, you're disgusting like bitch! Opss pasmado" kunwaring takip ko pa sa bibig ko.

Nagtiimbagang naman siya at konti nalang sasabog na. Wala talagang hiya.

"Don't let your guard down Miss Vice President... I can Have him like a blink" the bitch said and she smirked.

"Eng.Stella, you can leave now" saad ni Enzo.

Nang makalabas si Stella ay agad akong sinamaan ng tingin ni Enzo. Naupo ako sa sofa habang siya ay seryosong nakatayo sa harapan ko at matalim na nakatingin sa akin.

"What do you think are you doing?" Galit niyang tanong.

"What? You want me to let her flirt you? Nuh! You already like it by the way!"

"She's not flirting me!"  Sigaw niya.

Napatayo agad ako dahil sa pag taas ng boses niya. Oo at nagkakasumbatan kami pero never niya akong pinagtaasan ng boses.

"And now you shouting me huh!"

"I'm sorry,"

" hindi mo ba narinig ang sinabi ng malanding yon kanina huh Enzo? O sandyang gusto mo lang mag palandi?"

"Paranoid ka lang Cassidy!"  He angrily said.

" ano sa tangin mo ang maiisip mo pag lagi kang dumalaw sa office ko at may nadadatnan kang lalaki doon huh? Alam ko kung anong ginagawa ng stella na yun for heaven sake EL. Hindi ka tanga para hindi mapansin ang ginagawa niya!  Kulang nalang ikama ka niya!"  I took a deep breath.

" Ganon ka ba kawalang tiwala sa akin para pag isipan akong magagawa ko yang pinag sasabi mo?"

"Sayo, meron. Pero sa malanding yun wala! Lalaki ka EL. Mag iinit at mag iinit ka pag babae na ang bubuka!"

Getting Into YouWhere stories live. Discover now