CHAPTER:27

38 2 0
                                    

I wiped my tears when it suddenly fall. Nag iwas ako ng tingin sa kaniya at bahagyang umatras nang umamba siyang lumapit sa akin.

"Baby," malumanay niyang tawag sa akin.

Umiling ako sa kaniya at huminga ng malalim. Alalahanin mo cassidy, wala kang karapatan sa kaniya.

Hindi ko alam kung paano ko nalagpasan ang araw na yun. Nanatili akong tulala habang nakatayo sa labas ng balkonahe. Ilang buwan na lang at magtatapos na ako sa senior high school kaya mas lalo kong iginigol ang oras ko sa pag aaral at para na rin makalimutan ang nangyari sa amin ni Enzo.

"Pero you tell him naman siguro ang nakita mo sa restaurant diba?" Si Amber na nakaupo sa likod ko kasama si Jhess na tahimik lang.

Kung may pagsasabihan man akong iba tungkol dito ay silang dalawa lang. Kahit na sina Miggy ay nag tatanong din kung bakit hindi na madalas pumunta dito si Enzo. Tinanong din nila ako kung nag away na naman ba kami.

"I didn't tell him.what's the purpose, then?" Sabay lingon ko sa kanila.

"Duh! You need to." Aniya

Wala namang silbi kung sasabihin ko pa sakaniya kong ano ang nakita ko. As if naman na mababago non ang lahat. He like a matured one like him.

"Amber's right. Kailangan niyong klarohin kung ano man ang namamagitan sa inyo. Then if friends lang naman,you should move on" ani Jhess

Tapos ako lang ang masasaktan sa huli diba?

Tahimik akong naka upo sa frontseat ng kotse ni Adrian habang pauwi na kami. Sa gilid na mata ko ay nakikita ko ang madalas niyang pag sulyap sa akin.

"Cass,"

Marahan akong bumaling sa kaniya nang tawagin niya ako.

"Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa inyo ni EL, pero sana bigyan mo siya ng pagkakataong makapag paliwanag sa kung ano man ang hindi niyo pag kakaunawaan"

"Wala naman siya obligasyon para maka pagpaliwanag sa akin eh"

"Haysst.. bakit ba ang hirap ng mga tao ngayon.." sabay gulo ng buhok niya.

Hindi na kami umimik pa hanggang sa makarating sa basement. Agad akong lumabas sa kotse niya at sumunod naman ito. Mag lalakad ba sana ako patungong elevator nang biglang mag salita si Adrian.

"Kotse ni Enzo to ah,"

Napabaling ako sa sinasabi niya at tama nga siya. Naka parada ang trailblazer ni Enzo sa tabi ng kotse niya.Sumulyap ako sa kaniya at tumango lang saka naglakad patungo sa elevator.

Nang makapasok kami ay pinindot niya ang number kung saan ang unit ni Miggy at ang 10th floor. Pagkarating sa ika anim ba palapag ay bumukas ang pinto at nag paalam na siya sa akin.

Pag kalabas ko sa elevator ay hinagilap ko ang susi ng unit sa bag ko. Tahimik akong pumasok sa loob at agad na dumeretso sa kwarto ko.
Mabilis akong naligo at nag bihis saka tuluyang lumabas at tinungo ang kusina para maka pag handa ng hapunan ko.

The following week went smooth and well. Natapos namin lahat ng requirements para sa final namin. Naging abala ako sa mga lessons ko dahil sa nalalapit na naman niming final exam. And I'm so excited dahil finally makakaalis na ako sa high school.

Masaya kaming nag ce-celebrate nila Amber dito sa bago niyang unit matapos ang final namin.

"Hindi ko akalain na mag titino tayo... I mean, hindi nasangkot sa ano mang violence" natatawang sabi ni jhess.

Getting Into YouWhere stories live. Discover now