Nagising nalang ako nang biglang may pumitik sa ilong ko. Inis akong bumangon at sinamaan ng tingin si Miggy na naka uniform na.
"Malalate na tayo madam" saad niya saka naupo sa kama ko.
Inis akong bumaba sa kama ko at napasigaw nalang ako sa sakit ng paa ko ng maiapak ko sa sahig
"Ok ka lang?" Nag aalalang tanong ni Miggy.
"Oo.."sabay tango ko.
"Anong nangyayari dito?" Biglang tanong ni Tita na kakarating lang."napano ka Cassi?"
"Bigla na lang siya sumigaw Mom" saad ni Miggy at nag tatakang tinignan niya ang paa ko." Ka gabi paika ika kang mag lalakad.. anong nangyari sayo?" Tiim bagang niyang tanong.
"Cassi.." si tita.
"Natalisod po ako nang magmadali akong maglalakad kagabi nung binalikan ko ang phone ko sa gym" paliwanag ko at hinawakan ang paa ko. Shit!hindi naman ito namaga kagabi. Bakit ngayon pa?
"Ipagpahinga mo yan ngayon Cassi.. lumiban ka muna" saad ni tita.
Napaangat ako ng tingin sa kaniya.
"Pero tita I can walk naman po" saad ko.
"Mas lalo kang mahihipan pag lumala yan..kaya mag pahinga ka and that's the final. No buts" pinal na saad niya saka iniwan kami.
Bumuntong hininga ako at tinignan si Miggy na nag aalala sa akin.
"Pa abot ng bag ko" saad ko at tumayo naman siya para kunin ang bag ko na nakapatong sa study table.Pagka kuha ko ng bag ko ay binuksan ko ito at kinuha ang assignment ko na natapos ko na kahapon sa room pa lang. Biginigay ko sa kaniya ang assignment ko at inilapag sa tabi ang bag ko.
"Paki pasa na lang yan at gawan mo nalang ako ng excuse letter"
Tumango naman siya at kinuha ang assignmeng ko. Pagkalabas ni Miggy ay nahiga ako ulit.
Hindi naman masyadong masakit pero OA lang talaga si Tita.Hinatidan nalang ako ni Manang Ema ng alamusal ko para hindi nalang ako makababa sabi ni Tita. See ganun si ka OA parang si Mommy lang na kahit kagat lang ng lamok gusto na akong isugod sa hospital.
Pagkatapos kong mag almusal ay naligo na ako at nag suot ng short at plain t-shirt. Nahiga ako ulit sa kama at nag pa music para malibang.
Enzo:
Miggy told me that you didn't attend to your class.. you ok?
Kumunot ang noo ko nang mabasa ang text message ni Enzo. Kung hindi lang naman niya ako iniwan kahapon hindi ako matatalisod noh. Kaya kasalanan niya ito.
Me:
It's your faultEnzo:
I'm sorryAnong magagawa ng sorry niya kung nangyari na? Gagong mga multo yun isa pa sila sa dahil kung bakit ako natalisod.
Napakurap ako nang biglang mag ring ang cellphone ko. Ano na namab ang problema niya at bigla siyang tatawag?
"Ano?" Sigaw ko
"I'm really sorry, ok"
"Tapos na diba? Nangyari na "
"But still, I want to say sorry "
"Oo nga.. wala naman akong magagawa dahil tapos na" saad ko. Para namang maaalis ng sorry niya ang sakit ng paa ko.
"What are you doing now?"
Aba chismoso rin pala ang isang to..
"Ano pa edi mag kulong... matulog, kakain "sigaw ko.
"Stop shouting"
"Bakit ba? Kung hindi mo ako iniwan ka gabi nasa school dapat ako ngayon"
"Just take a rest ok"
"Ano pa nga ba... teka bakit ka ba tumawag?" Naiiritang tanong ko. Kung may dapat mga tumawag ngayon ay dapat si clark dahil wala ako sa school.
"I just want to know about you"
Natahimik naman ako bigla at uminit ang pisngi ko. Ano bang pinag sasabi ng isang to?
"Edi nalaman mo na ngayon" pagtataray ko.
"Yes baby, get well soon" saad niya saka pinatay ang tawag.
Kita mo na napaka walang respeto. Di man lang ako pinag salita. Damn it!
Ano bang nangyayari sa akin? Para naman akong tumakbo ng ilang kilometro sa bilis ng puso ko. Abnormal na ata ang puso ko at kailangan ng maipa check up.Pag sapit ng tanghalian ay kinatok ni Tita ang kwarto ko. Pagkapasok niya ay may dala siyang tray at may lamang pagkain.
"Kumusta ang paa mo?" Tanong niya at sabay lapag ng tray sa kama ko.
"Medyo na lang sakit Tita, pwede na rin siguro akong bumaba " malungkot kong tugon. Honestly I'm so boring here. Kundi cellphone ang inaatupag ko ay natutulog naman ako.
"Wag masyadong mag madali pamangks, mas mabuting buong araw kang mag pahinga para ok na yan bukas" saad niya "just shout if you need anything ok" saka lumabas.
Like duh! Hindi ako taga bundok para magsisisigaw dito. I can call them through the phone.
Binalingan ko ng tingin ang dinala ni tita. It's afritada and adobong manok. Bigla tuloy ako natakam.
Nagsimula na akong kumain. Habang sarap na sarap ako sa pag nguya ay biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at napangiti ng makita ang pangalan ni Clark.
"Hello" sagot ko. Tumukhim muna siya bago mag salita.
"Pinuntahan kita sa room mo at ang sabi nila dika daw nag araw"
"Emm.. yeah. Masakit kasi ang paa ko" sabay subo ko ng kanin.
"Anong nangyari sayo?"
"Natalisud lang ako, but don't worry ok na ngayon"
"Please take care yourself Cass" pag aalala niya. Buti pa to ang gentleman eh si Enzo napaka walang respeto. Pag baban ba naman ako ng linya. Teka nga.bakit ko ba yun naiisip? "Cass you ok?"
"Emmm yeah.. kumakain lang ako"
"Bakit hindi mo sinabi agad?naistoro ka pa tuloy"
"No! It's ok" saka sumubo ng manok.
"Alright. Just finish your food first. Bye"
" bye" paalam ko at pinatay na.
Ano ba naman yan. Nilalanggam tuloy ako. Ang layo rin ng ugali niya ang mga exes ko. Di naman siguro masamang mag bago diba? Kaya nga ako nadito dahil gusto ni Dad na mag bago ako. As if na magbabago talaga ako. Naka depende ang mag uugali ko sa mga taong nakakasalamuha ko no. Kung masama ang ugali nila edi ganun din ako. Aba hindi ako mag papatalo no.
Kung sublado yang Enzo na yan edi sublada rin ako. Ano siya sunuswerte? Speaking of him.kahapon sinundo siya ng Hummer. And that means mayaman din sila. Saan kaya nakatira ang isang yun? Di man lang ako dinala ni Miggy sa bahay nila.
"Iha tapos ka na?" Biglang sulpot ni Manang Ema.
"Ano ba naman kayo Manang.. gusto niyo ata magkaroon ako ng sakit sa puso" saad ko at binigay ang tray saka uminom.
"May kailangan ka pa Iha?"tanong niya at umiling nalang ako.
Pagkalabas ni Manang ay tumayo ako sandali para matunawan ako.lumapit ako sa bintana at tumingin sa baba. What mag swimming nalang ako ngayon? For sure hindi naman papayag si Tita kaya wag nalang.
Inabala ko nalang ang sarili ko sa pag drawing sa sketch pad ko. Nang matapos akong mag drawing ay pinagmasdan ko ang mga gawa kong kung long dress at mga gown meron ding mga anime characters. Nilapag ko sa side table ang sketch pad ko at natulog na lang.
_______________________
___________________
YOU ARE READING
Getting Into You
Fiksi UmumCassidy Riley is a spoiled brat. She always bullied their classmates together with her two friends. She kicked out to her school because of what she've done and her parents can't do anything for that anymore. Nag desisyon ang kaniyang ama na dalhin...