Chapter 21

81 41 134
                                    

Namomroblema parin si Shanelle dahil sa pagtaas ng pagtaas ng viewership ng video ni Chihoon. Nagpasya siyang puntahan ito sa kwarto niya at nakita niya itong nanonood sa laptop niya. Nilapitan niya ito at nakita na movie na naman ni Rizalane ang pinapanood niya. "Mukhang talagang fan ka ni Rizalane ah. Siya ba ang favorite artist mo?" tanong niya dito.

"No. My favorite is Katharine Hepburn. No one can surpass her position in my heart," sagot naman ng lalake na sa laptop nakatutok ang mata.

Shanelle tilts her head. "Magka mag-anak ba sila ni Audrey Hepburn?"

"Ang relasyon nila ay parang relasyon ng American sa British."

"Psh," she leaned her back on the table at saka humalukipkip. "Wala din naman akong alam sa mga bansang yan. Pero bukas, makikipagkita ako kay Rizalane. Sa bahay ng fiancé niya na may sakit. Ano sa tingin mo? Gusto mo bang makita ang diyosa mo?"

"Wala akong oras," tipid na sagot ng lalake na sa laptop parin ang tingin.

She scoffed. "That's right. Ang dapat mong pag-isipang mabuti ay kung sa Amazon forest ka ba pupunta o sa African savannah."

Tinignan naman siya ng lalake saka ngumiti at tumango sakanya.

"Pero... Dapat bago ka umalis ayusin mo muna yung issue sa dad ko. Psh," tumayo na siya ng maayos saka umalis sa kwarto.
___________

"Boss nasa halos 40.5 million views na ang video," sambit ni Detective Lopez sa boss.

Busy naman ang boss sa pagpapakain sa alaga niyang ibon.

"Hello Manager. Yes, after you give me his contact info, your commission will be deposited immediately," pagkausap ni Detective Lopez sa manager ng website company. "But I must remind you, pag nareceive mo na ang pera and you expose our info to anyone---very good. I trust you." Binaba na niya ang tawag. "Talagang madaming mga gahaman sa pera ngayong mga panahon."

"Greedy people. Even if they have a life to earn money, they won't have the life to spend it," sambit ng boss.

"Boss nasa akin na ang contact info," sabi ni Detective Lopez at nagsimula na niyang I chat ito. "Tinatanong niya kung magkano ang kaya nating ibigay."

"Magkano ba ang gusto niya?"

Detective Lopez typed message again. "5 million dollars daw boss."

"Give it to him."

Sinabi nga niya ang pinapasabi ng boss. "Boss, di kaya madali niya tayong napapayag sa gusto niya? Maybe he'll feel that theres no room for negotiation."

"Wait. Ask him if he's trying to lure the monster out."

He typed again. "He said of course.  Pero pag pinatay sila ng monster. That'll be causing trouble for himself."

"Tanungin mo na lang kung ibebenta niya o hindi."

Seller: Of course.

He said of course. Pero gusto niyang malaman pano natin huhulihin ang monster.

"We've ran into a curious cat."

Napatango si Detective Lopez. "Too curious. Kung natatakot naman siya na may mangyari sakanya, di sana siya nagtatanong ng mga ganitong bagay. It's as if he's buying time."

Animated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon