Chapter 42

30 23 25
                                    

"Di kaya magkasama sina Chihoon at Shanshan?" tanong ni Riza nang di parin nila makontak ang phone ng kaibigan.

"Nag-aaway pa sila eh," sagot naman ni Jam dito.

"Dali! Tawagan mo si Prince Chihoon!" utos ni Riza dito.

Tinawagan nga ni Jam ito ngunit unavailable din ang phone ng lalake. "Masama to. Di ko rin makontak si Kuya Chihoon."
______________

"Shanelle. Shanelle," gising ni Chihhon sa babaemg wala paring malay hanggang ngayon. "Shanelle, wag kang matulog," he said as he lifts her head to wake her up. "Wake up," aniya saka pinaupo ito.

"M-monster China...saan tayo?" sambit ni Shanelle sa nanghihinang boses. Malalakas ang paghinga niya dahil na rin sa hilo at lamig na nararamdaman.

Tinanggal ni Chihoon ang jacket niya at nilagay sa balikat ng babae saka niya hinawakan ang mukha nito. "Anong nangyari? Sino ang naglagay sayo sa isang freezer room?"

"I was put in here by you," nagtatakang sambit ni Shanelle.

"Yes, it wasn't enough being a dormant body for 100 years. So, I'll just drag you here to be a fresh, corpse together," aniya na hinawakan ang kamay ng dalaga na nagpangiti dito. "It'll look better hmm?"

"then were definitely the world's best looking fresh and frozen corpses," sambit ni Shanelle na bumababa na ang talukap ng mata ngunit pinipigilan niya ito at pilit binubuka upang Makita ang lalake.

Chihoon blows Shanelles hands to warm her up saka nilinga ang paligid. Mas lumalamig na ang paligid at unti-unti ng nagyeyelo ang kinaroroonan nila. Tumayo siya at sinubukang suntukin ang pinto ngunit hindi ito mabuksan. Nilingon niya ang babae. "Were trapped."

He sits down again at niyakap si Shanelle. Pinahiga niya ito sa dibdib niya. Bigla namang naalala ni Shanelle ang taong Nakita niya bago siya mawalan ng malay. Hinawakan niya ang braso ng lalake. "It's Professor Lee. Alam niyang i-ikaw ang dormant body. H-he wants you," sambit ni Shanelle sa mahinang boses.

"professor lee?" Tumango ang babae. "Mukhang nalaman na niya ang weakness ko."

Bahagyang nilayo ni Shanelle ang mukha upang Makita si Chihoon. "U-umalis ka na dito. Masyadong malamig. T-tapos tumawag ka ng pulis."

Muling niyakap ni Chihoon ang mukha ng babae. "I'm sorry. My strength is limited. I can't open this type of door," sabi niya as he caresses Shanelle's face. "Cell phone," aniya pa at nilabas ang phone. "Walang signal."

Unti-unti ng nanghihina ang katawan ni Shanelle at bumababa na din ang talukap ng mata niya. Niyakap ng mas mahigpit ni Chihoon ang babae saka niya kinuha ang mga kamay niya and he blows it again.

Mas binabaan pa ni Professor Lee ang temperature ng freezer room kaya mas lumamig ang kinaroroonan nila Shanelle at Chihoon.

"A-anong nangyayari? Bat mas lumamig?" sambit ni Shanelle na bahagya ng nakapikit ang mata.

Tinignan ni Chihoon ang pinanggagalingan ng lamig. "Professor Lee lowered the temperature," mahinang sambit ni Chihoon.

Bahagyang minulat ni Shanelle ang mata at tinignan ang lalake. "Gusto niya ba talaga tayong patayin sa lamig?" malalakas ang hiningang sambit niya.

"No. he only wants my blood," sagot ni Chihoon.
_______________

"Di ba sabi niya maglalaro lang siya? Are you sure shes not just playing around?" sambit ni Gab nang tinawagan siya nila Riza. Kasalukuyan siyang nasa loob ng police mobile na dina-drive ni Jackson.

Animated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon