Masayang napapakanta si Shanelle sa loob ng sasakyan habang pauwi sila galing sa ginawang misyon.
Sumasabay na din si Jam sa pagkanta habang nagda-drive ito. Tahimik namang nakaupo lang si Chihoon sa likod ng sasakyan at malayo ang isip.
Tinignan ni Shanelle si Chihoon mula sa salamin ng sasakyan at napansin na tahimik ito. "Oy, Mosnter Chi, nakuha mo na ang address, bakit para ka paring namatayan diyan?"
"I think it's strange," anito.
Masaya paring naghe-head bang si Shanelle sa saliw ng musika sa loob ng sasakyan. "What's so strange about it?"
"Why did the man who dumped you, still used your birthday as his password?" anito.
Inayos ni Shanelle ang buhok. "Ano namang strange dun? Di mo ba alam na isa na siyang minion ko mula pa pagkabata? Anyway, we grew up together. Naghiwalay man kami, we're still a family," Shanelle shrugged her shoulders.
"Really? He's incredible then," sambit naman ng lalake.
"Gusto mo ba siya? I'll hook you up," Shanelle jokingly asked na nilingon ang lalake sa likod.
"You're the one who got dumped by him," balik namang biro ni Chihoon sakanya.
"Psh," umayos na lang ng upo si Shanelle.
"Kuya Chihoon, bat mo naman nasabi yan? Popular kaya si Shanshan. Madami kayang mga perverts ang tumatawag sakanya gabi-gabi," sambit naman ni Jam na nakapagpatigil sa pagsayaw sayaw ni Shanelle.
Napangiti naman si Chihoon.
Kinutusan ni Shanelle si Jam. "Magtigil ka Jammier. Talagang ginamit mo pa ang mga perverts para ipagtanggol ako. Dahil yun sa katalinuhan ko! Kung di sana sa Plan B ko e di pano pa natin malalaman ang address ng ganon kadali?"
"Pero Shanshan ang Plan B mo ay mag start ako ng sunog sa hallway tapos iti-trigger ang fire alarm," sambit ni Jam that made Chihoon chuckle.
Napatigil na naman si Shanelle sa pagsayaw. "Di na importante ang process. Mas importante ang result diba?" nakangiti paring sambit ng babae.
"Let's go to a midnight snack," sambit naman ni Chihoon na nakapagpangiti sa dalawa.
"I eat many more!" sambit ni Jam na dahilan ng pagkutos na naman sakanya ni Shanelle.
"Di ka na naman pumapasok sa English class mo noh?"
Jam pouts.
_________"Wahh, I haven't had a midnight snack for so long. Mabuti na lang wala akong shoot bukas," sambit ni Shanelle pagkauwi nila ni Chihoon. "Kelan mo pupuntahan yung jade buyer?"
"Bukas," sagot ng lalake sakanya.
"Isama mo ako sayo" nakangiting sambit ni Shanelle.
"No way," anito at tinalikuran siya.
"Psh," Shanelle pursed her lips.
__________Kinabukasan, sinusundan ni Shanelle ang sasakyan ni Chihoon papunta sa address ng jade buyer lulan ng isang taxi. Ayaw niya kasi siyang isama kaya sinundan na lang niya ito.
Napansin naman ni Chihoon na parang may sumusunod sakanya kaya bahagya niyang nililingon ang likuran niya. He parked in front of the jade buyer's house saka lumabas sa sasakyan.
Lumabas na din si Shanelle sa taxi at nakangiting nilapitan si Chihoon at niyakap ang braso niya. "Wala akong gustong gawin na di ko magagawa."
BINABASA MO ANG
Animated Love
Science FictionShanelle is a girl who is badly hurt by her ex boyfriend. In order to not be pitied by anyone, she made up a love story of her and a guy who is actually one of her fictional characters which she created through a sketch. Shanelle's story and her fi...