After that night, I didn't see him any longer. Walang Chihoon na palaging ngumingiti sa akin, walang Chihoon na nagluluto ng breakfast ko kahit di masarap ang luto niya, walang Chihoon na nagbibigay ng ngiti sa mga labi ko, yung Chihoon na hindi man palaging nagsasalita but once he opens his mouth, I am learning something.
Di man kami nagtagal. But all of the things I've learned from him, all of the memories I had with him, they are all treasures. At di ko iyon malilimutan.
A month passed by and I finally started to return the smile on my face. I returned to work. Mas madami na ding mga guestings akong ina attendan. I also go out with different boys every day, and I make sure na may camera na nakakahagip sakin.
Don't worry, these guys are my cousins. And gusto ko lang talagang mahagip ng camera para malagay sa mga diyaryo. Baka sakaling mabasa iyon ni Monster Chi at biglang bumalik.
Oo, umaasa parin ako. Umaasa na darating siya. Na babalikan niya ako. And I will make sure he does. I will make sure to see him again. Am I that desperate? Nah, I am just in love. And if you love someone, you will do everything it takes for him to come back to you.
Isang araw, Nakita ko si dad na nakatingin sa TV at pinapanood ang news ng aking mga dates with different guys. Pinatay ko ang TV.
"Okay, dad, di ba Nakita mo naman ako? Nakangiti na ako oh. Okay na ako, kaya wag ka ng mag-alala," sambit ko sakanya dahil sa malungkot nitong aura. "I happily work and play every day, so pwede ka ng umuwi sa bahay mo dad." I said at nginitian siya ng maluwag.
"Fine? Saang banda ka okay? Now, besides working...you spend your time having fun with your cousins and then you invite reporters to take you photos. I think you became braindead after getting dumped by that guy," seryosong sambit ni dad sakin. Okay? Masyado na ba akong over acting? "Are you still hoping that Prince Chihoon fella...to come back for you after seeing those photos?"
Napangiwi ako. Sabihin niyo nga may bagay ba kayong naililihim manlang sa magulang niyo? Bat parang alam nilang lahat noh? Especially my dad, ang lakas ng pang-amoy. Para ngang aso eh.
"O may balak ka bang makipagbalikan kay Gabriell? Well, pagkatapos niyang mag pulis, okay na siya para sakin. After all you grew up together for so many years," sambit pa niya.
"Stop it dad!" pasigaw ko. Di yung sigaw na walang respeto ah? Yung acting lang ng anak na naiinis sa chismosong tatay. Oo, ganon lang. "Dad, Chihoon just left me for the time being. He even left his family heirloom jade and manor to me." Oo, iniwan niya sakin yun. Nung umaga ng ag-alis niya, natagpuan ko iyon sa table. Kaya mas nanaig ang paniniwala kong babalik siya. So, he will definitely come back. "Also, I kidnapped his pet." I grinned.
Remember Fritz, the turtle fairy? Kinidnap ko siya mula sa karagatan at nilagay sa bahay ko. Pinalagyan ko pa nga ng pool ang loob ng bahay ko para dun siya maglangoy langoy eh, o diba, ang bait kong kidnapper?
Nilingon ko siya. Naglalakad na naman siya papunta sa hagdan. "Fritz! Gusto mo na naman bang umakyat sa hagdan?" tanong ko sakanya dahil sa nandun na naman siya sa paanamn ng hagdan ko. Napatigil naman ang turtle fairy sa sigaw ko. "Go back to your little pond!" sambit ko. Unti-unti namang naglakad ito papunta sa pond na pinagawa ko talaga para sakanya.
Gusto niyo din bang malaman kung kumusta sina Jerk Troy at Riza? Ayun, staying stronger. O diba? At eto nga kasama ko sila ngayon sa isang lunch date.
"There is no point in bleeding Shanelle dry even under refrigeration," sambit ni Troy. "Because the refrigeration temperature was too low, hence the bone marrow became dormant." Wala na akong naiintindihan sa mga sinasabi ni Troy dahil tuloy lang ako sa pagkain. Diko alam, these days panay kain at tulog lang ang gustung-gusto kong gawin. "Once out of the frozen state, the bone marrows function is revived, and it can be used again."
"tama. Ang akala ko talaga yung walanjong professor na iyon ay pinatay na talaga ang Chihoon ko," sagot ko sakanya.
"Sobrang nagsisisi na si Prof. sa mga nagawa niya," sambit pa ni Troy. "Nung isang araw dinalaw ko siya sa kulungan. He is very apologetic about your matter."
"So, does apologizing mean he can be forgiven?" taas kilay kong sambit. "Then wala sana siya sa kulungan ngayon," sambit ko pa na tinuloy ang pagkain.
"Shanshan, galit ka pa ba sa mom ko?" tanong ni Riza sakin. She must be talking about how she put something on my drink last time. Dahil sa nangyari noon, sobrang nag-aalala lang siya sakin.
"Riza, how can you be like this? Kung yung dad ko din ang nasa sitwasyon ng mom mo, he might even break you apart and sell you off!" sagot ko saka tinuloy ulit ang kinakain ko.
"Shanshan, okay lang ba ang pagkain mo ng ganito karami?" biglang sambit ni Riza.
"Di mo naiintindihan. Ang sarap kaya nito and my apetite is great these days," sagot ko sakanya. Totoo naman iyon, lagi akong nagugutom ngayong mga araw.
"Your condition today is similar to that of a pregnant woman!" ngiwing sambit ni Riza sakin. Binalewala ko naman iyon at inubos ang nasa plato ko.
"Mag-usap muna kayo, punta lang akong toilet," sambit ko aka iniwan na sila.
Habang nasa CR ako, aksidenteng nasagi ko ang edge ng salamin na mejo basag at nasugatan ako. Namilog ang mata ko nang tignan ko yun, bigla itong naghilom. Hinawakan ko ang kamay ko. "Wh-what did just happen?" Tinignan ko ang mejo basag na salamin. Lumunok ako saka sinugatan ulit ang kamay ko. Bigla ulit naghilom iyon.
Napalakad ako patalikod. "Wh-what is the meaning of this..."
Balisa akong umalis sa banyong yun at tumakbo papuntang pharmacy. If my guess is right, then this is the only possible reason.
"May I buy a pregnancy test kit please?" tanong ko sa taong nandun.
"Ilan po Miss?"
"Ten please."
Umuwi ako then tried every ten pieces of PT. and guess what? All these 10 says POSITIVE. Positive...I am pregnant with a little monster.
Balisa akong nagpalakad lakad sa loob ng banyo. "P-pano kaya to? I---I need to find Chihoon. I need to tell him hes going to be a father. I need to---"
Napatigil ako nang maramdaman kong may kamay na yumakap sa bewang ko mula sa likod.
"No need to find me. Our baby's heartbeat...already found me and told me to come back," he said.
Nanginig bigla ang bibig ko. Unti-unti ko siyang nilingon. And here...he is standing a few inches from minesmiling to me. "M-monster Chi..." sambit ko at nag-unahan na ang mga luha ko sa pagtulo.
"Come here...wife," aniya saka niyakap ako ng mahigpit. There I cried even more. He really came back. He really came back for me.
Kumalas ako ng bahagya sa yakap niya at hinarap ko siya. "P-pano mo nalaman?"
"I felt it. May dalawa akong nararamdamang heartbeat. And there I know the answer. You are carrying my child. Our child," nakangiting sambi niya as he caresses my face at pinunas ang luha ko.
"K-kung ganun...bumalik ka dahil...d-dahil sa bata?"
Umiling siya. "Dahil din sa kinidnap mong kaibigan ko."
Sinuntok ko siya sa dibdib. "Ibig sabihin di dahil sakin?!"
He chuckled and hugs me again. "Let's go to your dad's house. I'll formally wants to talk to him about our marriage." Hinalikan niya ang tuknok ng ulo ko and said the words I never heard from him. Words I never heard, but I always felt. "I love you...Shanelle Park..."
Napalaki ang ngiti ko. Marriage...I'm getting married Hindi magkamayaw ang saying nararamdaman ko ng araw na iyon. Not only that he came back, but also because of the big blessing that came.
Indeed...not all unlucky person stays unlucky forever. I am indeed lucky. Having a monster boyfriend makes me very lucky and having a little monster baby makes me the luckiest.
I am not perfect, but those imperfections are made perfect by himWe complete each other. And we believe that true love does exist.
Once again, I am Shanelle Park, and he is Prince Chihoon Chu. And this is...our Animated Love
BINABASA MO ANG
Animated Love
Science FictionShanelle is a girl who is badly hurt by her ex boyfriend. In order to not be pitied by anyone, she made up a love story of her and a guy who is actually one of her fictional characters which she created through a sketch. Shanelle's story and her fi...