Busy sina Jam at Shanelle sa pagde-decorate sa kwarto ni Chihoon dahil nga sa nagbalik na siya sa bahay niya.
"Okay na ba ito?" tanong ni Jam habang hinahawakan ang malaking picture ni Shanelle na ikakabit sa wall ng kwarto.
"A little bit more to the right," sagot ni Shanelle na sinisilip kung nakasentro ba ang pagkakabit ng picture niya.
"Dito ba?" ani Jam.
Tumakbo si Shanelle papunta sa itaas ng sofa para mas Makita. Pinikit niya ang left eye para siliping Mabuti. "Mas mataas yung left corner. Itaas mo ng konti yung right corner. Okay good!"
Kinabit na nga ni Jam ang picture saka kinuha na naman yung isa pang picture. "Okay na ba to?"
Sinilip na naman ni Shanelle. "A little to the left. Bring the left corner up a little. Good!"
Kinabit na naman ni Jam ito at napangiti si Shanelle sa magandang resulta. "Okay! Excellent!"
"Shanshan, talaga bang maganda ang pagkakakuha ng mga pictures mong ito?" tanong ni Jam dito.
"Stop talking nonsense. Continue!" utos ng dalaga.
Shanelle arranges flowers on his room also para mas umaliwalas ito. Jam arranges the books and other things inside the room. Pinalitan nila ang black na bedsheet at nilagay ang white bedsheet. Saka pinalibutan ni Shanelle ng pabango ang buong kwarto.
"Magugustuhan ba kaya ni Kuya Chihoon ang ganong arrangement?" tanong ni Jam dito nung nakalabas na sila ng room niya.
"Of course. Not only he will like it but he will be moved!" masayang sambit ni Shanelle dito saka binuksan ang ref. kumuha siya ng mineral water at inabot kay Jam. "Binalewala ko ang nararamdaman niya noon and didnt make him feel at home."
"Pero di ba nakikitira lang naman si Kuya Chihoon dito?" tanong ni Jam.
"Sinong nagsabi na porket temporary lang ang pagtira ng isang tao dito ay di na dapat siya makaramdam ng homely feeling?" taas kilay na sambit ni Shanelle. "Saka baka di narin aalis si Monster Chi dito."
"Sinabi ba niyang di na siya aalis?" taas kilay ding sambit ni Jam
"That...is not important," ani Shanelle saka umupo sa sofa na sinundan ni Jam.
"E pano pag sinabi parin ni Kuya Chihoon na aalis siya sa huli?"
"Di ba sabi mo di naman siya nagmamadali sa paghahanap sa kaaway niya?" tanong ni Shanelle na nilingon ang lalake. "E di ibig sabihin napamahal na siya sa lugar na ito at ayaw na niyang umalis?"
Napatango nalang si Jam saka binuksan ang mineral water. "Pwede din. Pero nung araw na iyon pinanood ni Kuya Chihoon ang interview ni Justin at kakaiba ang expression ng mukha niya. di ko alam kung may nalaman ba siya o ano."
"Interview ni Mr. Hubert?" nagtatakang tanong ni Shanelle. "Baka naman naalala lang niya yung muntik ko ng pagkasunog."
Napatango nalang ng alanganin si Jam. "Teka nasaan pala si Kuya Chihoon?"
Ngumiti ng malapad si Shanelle.
__________Nasa grocery store si Chihoon dahil na rin sa bilin ni Shanelle sakanya. Nasa pila na siya nun para magtanong kung nasaan ang dapat niyang bilhin. And as usual, pinagtitinginan na naman siya ng mga tao.
"Ang gwapo naman niya. ang tikas ng katawan."
"Kaya nga eh, model kaya siya?"
"Ang swerte naman ng girlfriend niya."
BINABASA MO ANG
Animated Love
Science FictionShanelle is a girl who is badly hurt by her ex boyfriend. In order to not be pitied by anyone, she made up a love story of her and a guy who is actually one of her fictional characters which she created through a sketch. Shanelle's story and her fi...