Chapter 56

33 19 10
                                    

Lumabas ng kwarto si Chihoon ng gabing iyon at nakitang nakabaluktot ang mga tuhod ni Shanelle na nakaupo sa sofa. Kitang-kita sa mukha nito ang kaba, balisa at pagkabahala dahil sa pagkakakidnap ng kaibigan.

Nilapitan ni Chihoon ito at bumuntung-hininga. "Kumain ka muna. Nag-order ako ng pizza."

Umiling ang babae. "I don't have appetite," mahina niyang sambit.

Tinabihan siya ng lalake and taps her shoulder. "Sabi ko naman sayo magiging okay lang si Riza. Trust me."

Bahagya siyang nilingon ni Shanelle. "I trust you. Naiisip ko lang na baka dahil sa pagiging unlucky person ko, kaya lahat ng tao sa paligid ko nagiging unlucky na din. Otherwise, Riza won't be kidnapped," malungkot siyang napatungo.

"Wag mong isipin yan. Wala itong kinalaman sayo," pagpapalubag-loob na sambit ni Chihoon.

"Does it have something to do with you then?" tanong ni Shanelle.

Natahimik ng ilang segundo si Chihoon saka unti-unting napatango. "It could be."

"No, I have to call Jammier now," ani Shanelle at mabilis na kinuha ang phone. "Sasabihin kong i-repair niya ang laptop until tomorrow kahit anong mangyari."
________

Sa bahay nila Riza, nagkalat ang mga pulis habang inaantay ang tawag ng mga kidnappers. They plan to track their location as soon as they call.

Palakad-lakad si Gab habang nag-aantay. He looks at his watch saka tinignan ang mama ni Riza. Umupo siya sa harap nito. "Tita, baka di kayo tatawagan ng kidnapper sa gabi. Magpahinga muna kayo."

Umiling lang si Mrs. Kim.

"Sabi naman nila na bibigyan kayo ng tatlong araw, sambit pa ni Gab. Maybe they'll call you on the last day. Tita, kung gusto mong iligtas si Riza, kailangan mo munag magpalakas, hmm?"
_________

Napapangiti naman si Justin habang nagda-drive ng kotse niya. The truth is plano talaga niya ang pagkakakidnap ni Riza. Kukunin niya ang malaking halaga ng pera at pagkatapos niyang makuha ang dugo ni Chihoon, aalis na siya ng bansa upang magbagong buhay ulit. Yun ang plano niya.

Tinignan niya ang kamay. Nandun parin ang scar ng rotting of skin niya. "The scar won't disappear, even if I drink your blood. Di na ako makapaghintay na gawin ang next step ko." Napangisi siya. "This time youll die for sure."
__________

Pumunta nga si Jam sa bahay nila Shanelle ng umagang yun upang tapusing i-restore ang data sa loob ng laptop.

"how is it? Gano katagal pa yan?" tanong ni Chihoon habang tinitignan si Jam sa pagkalikot ng kamay niya sa keyboard.

"Wag kang mag-alala Kuya Chihoon, yung unang picture ay malapit ng ma-restore," sagot ni Jam. "Ang encryption na ito ay mas mahirap sa inakala ko. Yung calculations palang inaabot na ng maraming oras. Mabuti na lamang nakakuha ako ng equipment sa kaibigan ko."

"Tama na nga yang dada mo," inis na sambit ni Shanelle. "Dalian mo."

"okay na. yung unang file okay na," sambit ni Jam. "Isang larawan ito."

Tumutok naman ng Mabuti sina Chihoon at Shanelle sa screen.

Napalaki ang mata ni Shanelle. "Monster Chi. Di ba iyan yung..."

"Tama. Yung fake picture," sagot naman ni Chihoon dito. "As expected, its a trap."

"Then the original picture will be in the laptop, for sure," ani Shanelle na binalik sa laptop ang tingin.

Animated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon