Chapter 23

78 44 139
                                    

Kasalukuyang nakaupo si Shanelle sa labas ng bahay ng dad niya at inaantay si Chihoon na dumating. Gusto kasi silang makita ng dad niya pero di naman umuuwi si Chihoon kaya di niya ito masabihan na sumabay sakanila.

Oh,” inabot ni Jam ang isang lollipop kay Shanelle na kinuha naman ng huli. Umupo si Jam sa tabi niya habang nginunguya ang lollipop. “Ba’t di mo na lang kaya antayin si Kuya Chihoon sa loob.”

“Syempre para ilihim ang katotohanang wala naman talaga siyang pera,” sagot naman ni Shanelle. Nag request kasi ang dad niya ng regalong sasakyan sakanya dahil nga ang alam ng dad niya madaming pera ang lalake. Di niya alam na kahit sariling bahay wala siya.

Imagine, sabi niya na may 200 million dollar mansion siya sa gitna ng lake pero kahit kotse wala siya? Does that even make sense?” napapatango naman si Jam sa sinasabi ng dalaga. “Naloko talaga niya ang dad ko. Tapos isa pa tong dad ko. Sabi niya na may gusto siyang kotse na worth 3 or 4 million tapos alam mo ba na pumayag si Monster Chi na bilhin yun para sakanya?”

“Pero Shanshan, di mo naman talaga siya papakasalan diba?” tanong ni Jam sakanya.

Kinutusan naman siya ng babae. “Ano bang kagaguhan ang sinasabi mo diyan? Di mo ba alam na malaki ang pinagkaiba ng halimaw sa tao?” Tumingin siya sa ibang direction. “Ni di nga siya umuuwi sa gabi. Sa tingin ko nga din yung temporary boyfriend-girlfriend relationship namin ay malapit nang matapos.”

Bigla namang dumating ang dad niya at may nakita siyang kotse na naka park sa harap ng bahay niya. Sinilip-silip ng matanda ang loob ng kotse pero wala naman siyang nakitang tao. “May sasakyan dito pero nasan ang tao?”  Kinatok niya ito. “Bumaba ka diyan kung sino ka man. Wag ka nang maglaro. Bakit ka nag park sa harap ng bahay ko ah?”

Napansin naman ni Shanelle at Jam ang pagkatok ni Dan sa sasakyang bigay ni Gab sakanya. Mabilis na tumayo si Shanelle. “Dad!”

Nilingon sila ni Dan. “Oh? Nandiyan na pala kayo. Sayo palang sasakyan ito?” tanong niya na lumapit sa kinaroroonan ng dalawa.

Hi Chairman!” bati ni Jam sa matanda.

Umupo din si Dan sa kinauupuan ng dalawa. “Shanshan, nasan na ang son-in-law ko?”

“Ah, d-darating na yun maya-maya,” sambit ng dalaga.

Ah,” anang matanda pero bigla ding napasimangot. “No, you’re lying. Dapat kasama mo siyang pumunta dito. Sabihin mo sakin nasan ang son-in-law ko?” seryosong tanong ni Dan.

Napatingin si Shanelle kay Jam dahil sa biglang pagkagulat ng mukha niya. “Ah…ah…” aniya na nakatingin lang sa isang direksiyon.

ANong ah ba yang sinasabi mo?” sambit ni Dan na pati siya nakatingin na din sa lalake.

Ah, ah, ah,” malalaki ang mga mata ni Jam na tinuro ang paparating na sasakyan. Napatingin na din sina Shanelle at Dan sa tinuturo ni Jam at bakita ang isang puting sports car na siyang pinapangarap ni Dan na mapasakanya.

Ahhh,” napanganga na din si Dan sa sasakyang paparating.

Tumigil ang sasakyan sa harap ng bahay ni Dan at parang nag-slow motion naman ang paglabas ni Chihoon. Nakangiti ito na lumapit sa tatlo na di makapaniwala sa nakikita.

Hello dad,” Chihoon bowed in front of Dan na bakas parin ang pagkagulat at pagkamangha sa mukha. “I’m sorry for coming late.”

Tinignan ni Dan ang sinakyang kotse ni Chihoon. Lumakad siya papalapit dito at hinawakan ang gilid ng kotse. Hinimas-himas niya ito na puno ng paghanga.

Animated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon