Chapter 51

30 20 12
                                    

Nakaupo si Shanelle sa sofa habang tinitignan ang damit niyang puno ng dugo na gamit niya noong naaksidente siya. "Cold-blooded monster. I lost so much blood because of you. Sabi mo pa na dugo ko ang bumuhay sayo at di lang ang pag sketch ko," rant ni Shanelle. "Tapos makikipag-break ka sa sakin dahil lang sa maliit na dugong Nawala sayo? Psh. I'm way better without a boyfriend like him." Tinapon niya sa lupa ang damit niyang iyon. "Ha! Afraid of exposure? Wala namang nakakaalam ng tungkol sakanya ah! Kung alam ko lang na magbe-break kami e di nag-ipon ako ng maraming dugo niya sa fridge."

Napaayos naman siya ng upo ng may biglang maalala. "Teka, paano niligtas ni Monster Chi si Gab nung araw na iyon?" Umubra ang wild imagination niya na inimagine that Chihoon held Gab's mouth to give him a kiss. Bigla siyang nangiwi at napatakip sa mukha. "Aiyah. That picture...uck gross."

Bigla namang nag-ring ang phone niya. "Tsk," aniya ng makita sino tumatawag saka niya sinagot ito. "Oh?"

"Hello? Di ka pa naman natutulog diba?"

"Matutulog na ako."

"Alam ko na lahat ng sagot sa mga misteryo," sambit ni Troy sa kabilang linya.

"Anong misteryo?" takang tanong ni Shanelle.

"Ang rason bakit ka kinidnap ni Professor Lee. Ang rason ng biglaang paggaling ni Gabrielle."

"Di ba alam mo naman na iyon? It's because I intentionally saved a monster."

"Because that monster is no other than...Prince Chihoon Chu."

Napalaki ang mata ni Shanelle sa narinig.

"The common sense can really harm someone. Ang naiisip ko lang noon ay nagtago ang monster na iyon sa mga tao at natatakot siyang makihalubilo sa mga ito. But, actually, he never left. He was always next to you acting as your boyfriend. Kung di lang biglang gumaling si Gabrielle, diko alam kung hanggang kelan niya maitatago ang lahat."

Nanginig ang bibig ni Shanelle. Kasalanan niya. Kasalanan niya bakit na expose ang katauhan niya. Dahil pinilit niya itong iligtas si Gab. Ngayon, he was exposed. Biglang tumulo ang mga luha niya. "You bastards!!!! Give Chihoon back to me! Sinasabi ko sayo Nicolai Troy, Chihoon was not playing as my boyfriend. He was my boyfriend! It was just because you lunatics wouldn't let go! Una di papatay ng tao si Chihoon! Pangalawa hindi siya magse-set up ng sunog! He doesnt steal the snacks of a kid! He even helps an old lady on the supermarket! He was a human all along! Ayaw niya ding maging ganito!"

"Shanshan, calm down."

"I can't calm down! Kund di dahil sayo hindi sana ako iiwan ni Chihoon! Ever! Are you satisfied now ah?! Are you?!" Napaiyak na talaga siya ng malakas dahil sa sari-saring emosyon na nararamdaman niya ngayon. Ano ng gagawin niya? Nalaman na nila ang katauhan niya? Ano nalang ang mangyayari kay Chihoon?

"Shanshan, umiiyak ka ba? W-wag kang umiyak."

Kumuha ng tissue si Shanelle at inubos na naman yun sa kakaiyak niya.

"Wag ka ng umiyak Shan. I was wrong, okay?"

"What's the use of apologizing? Di na babalik pa si Chihoon sa akin. Jerk Troy, promise me you won't tell anyone, understand? Whether its Riza or Gab, no one! Kung di ka papayag di rin kita papayagang maging boyfriend ni Riza! I...I will marry Riza myself!"

"Pero...kung may ibang tao pang makaalam nun, di mo din ako dapat pagbintangan."

"Okay, its settled then."

"Wag ka ng umiyak at matulog ka na."

Shanelle didnt know that Chihoon heard it all. Bumalik siya sa bahay para kumustahin ang kalagayan ng babae but he cant go to her room. Sapat na sakanyang silipin siya mula sa kwarto nito. Napapikit siya saka napabuga ng hangin.
_______

Animated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon