Chapter 22

80 42 138
                                    

Pinakita ni Troy ang kanyang invitation card sa guard ng entrance para sa gaganaping symposium. Tumango naman ang guard pagkabasa ng card saka giniya ang lalake sa papasukan nito.

Lumakad nga si Troy papunta sa elevator. He pushed the button at pumasok sa loob. Bago naman sumara ang elevator ay may lalakeng biglang pumigil sa pagsara nito kaya bumukas ulit ito. Nagtaka si Troy nang makita ang mukha ni Rizalane sa labas ng elevator kasama ang kanyang bodyguard.

Pumasok ang babae at tumabi kay Troy. "Just wait there," anito na ang kausap ay ang kanyang bodyguard.

"Which floor?" tanong ni Troy na di tumitingin sa babae.

"Top floor, thanks," sagot naman ni Riza na diretso din sa harap ang tingin.

Pinindot nga ni Troy ang top floor button saka umayos ulit ng tayo.

Napapalingon naman sakanya si Riza dahil sa tahimik na aura nito. "Anong ginagawa ni Mr. Nicolai Troy Jung dito?" kapagkuan ay tanong ng dalaga.

"Meeting. And is Ms. Rizalane Kim here to have a date with her fiancé?" balik tanong naman ni Troy sakanya.

"Check the books. This hotel is my family's," diretsang sagot ng babae.

"Kim family is already wealthy. But you will still build alliance through marriage. Indeed, the rich values money the most," sagot din ng lalake sakanya.

"Of course. It should be highly valued. Tignan mo na lang ang extravagant décor ng hotel na ito." Napatingin naman si Troy sa paligid ng elevator. "The servers are all topnotch with best looks and physique." Napapangisi ng bahagya ang lalake habang nakikinig sa babae. "Also, these 24-hour zero-fail elevators all cost money too. Researchers like you are the luckiest," bahagyang nilingon ni Riza si Troy. "All you have to do is wait people to give you money."

"You're right. Everyone has their thing," sagot na lang ng lalake.

Bigla namang yumanig sa looob ng elevator kaya natapilok si Riza. "Ahh!"

Thanks to Troy's fast impulse, nahagip niya agad ang bewang ng babae para di siya matumba. Napakapit naman si Riza sa mga braso ng lalake saka napangiwi sa natamong sakit sa paa dulot ng pagkakatapilok niya.

Napaangat naman ang labi ni Troy in amusement habang nililinga ang paligid. "So, this is your zero-fail elevator?"

Rizalane slits her eyes habang nakayakap parin sa braso ng lalake. "I'm going to dismantle this elevator!"

Troy laughed.

"Why are you laughing?" naiinis na tinignan ni Riza ang mukha ni Troy.

"I'm laughing at how peculiar fate is. The city is so big, and you and I are not even acquaintances, yet were trapped inside the elevator," anito na tinignan ang babaeng sobra kung makakapit sakanya.

Napaawang naman ang labi ni Riza saka dali-daling humiwalay sa pagkakalapit sa lalake. "Ahh," bigla naman siyang napakapit sa dingding dahil sa sakit ng paa. "Dapat pala chineck ko muna ang horoscope ko ngayong araw bago umalis," napapakagat si Riza sa labi niya dahil sa sakit.

Nakita naman ni Troy ang paa ng dalaga. "You sprained your foot. Tanggalin mo muna ang heels mo."

Humalukipkip parin ang dalaga. "Stop joking. Women without high heels are like soldiers without weapons," anito na pinilit tumayo ng maayos.

Napangisi si Troy. "I though your weapon is money."

"I know that in your mind, Shanelle might seem mean, and me, lover of money over life," aniya na napapayuko sa sakit na nadarama.

Animated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon