Simula

489 9 0
                                    

Chapter 1

Pinilit kong kumilos kahit hirap at nasasaktan dahil sa matinding tama ng bala dito sa kaliwang hita ko. Hirap akong tumakas sa bangungot kung nasan ako ngayon.

"Oh Diyos ko. Wag nyo po akong pababayaan. Pakiusap. Gusto ko pa pong mabuhay."

Kailangan kong makaalis sa madilim na bodega kung nasan ako ngayon. Pero paano ko yun gagawin kung lahat ng makita kong posibleng daanan ay nakakandado. Isa pang problema ko ay yung...

"Akala mo ba makakatakas ka saken? Hindi ka makakawala. Wala kang takas sa lugar na to. Bago ka pa makalabas. Sisiguraduhin kong patay kana." Sabi ng boses lalaking humahabol saken.

Marahan lamang akong nagtago sa likuran ng isang malaking asul na drum. Alam kong hindi nya ko nahuling nagtago dito dahil marahan lang ako sa pagkilos.

"Lumabas kana!" Sigaw nya.

"Wag mo na kong pahirapan! Mamamatay kana rin lang! Alam kong natamaan kita! Punyeta! Magaling ka kase wala akong makitang patak ng dugo dito kahit san ko itutok tong flashlight!" Hiyaw pa uli nya.

Nanginginig na ko sa takot. Nahihirapan huminga sa sobrang sakit ng sugat na gawa nya. Matindi nga yung pagkaka baril nya saken dahil sa buto tumama yung bala. Pakiramdam ko tuloy mawawalan ako ng malay...

*****

Alex*
POV

Pagkatapos kong maligo nagpaganda na ko saka nag-ayos ng buhok. Kailangang ala syete makarating na ko sa opisina dahil magagalit nanaman si Mr. Sungit.

"Hays! Kung hindi lang sya gwapo hindi ako magtatagal sa opisina nya tsk! Ang hirap maging assistant kung ganon yung amo. Ubod ng sungit!"

"Alam mo Alex ganyan talaga yung mga boss. Wala ka ng magagawa no?" Sabi ni Baklang Marvin. Ang kapitbahay ko dito sa dorm. Mabait sya't makapal ang mukha kase palagi syang andito kapag alam nyang mag aalmusal ako o basta kapag kakain na ko.

"Sus, dapat magpakabait na sya saken e? Antagal na nya kong kasama sa trabaho. Ilang taon na nya kong assistant pero ni tingnan ako hindi nya magawa. Lagi pa syang galit?" Sabi ko.

Tumayo na si Marvin sa kinauupuan nyang sofa. Halos kakalabas ko lang ng kwarto habang nag-uusap kaming dalawa patungkol sa Boss ko. Ayan at nauna pa syang pumunta sa kusina at pumwesto na para makakain.

"Nako, halika na. Lumalamig na tong sinangag, itlog at longganisa mo." Ani pa nya at nakangiti.

Hindi na ko nagsalita. Lumapit nalang ako sa kanya para makakain na kameng dalawa. Gutom na ko kaya ayaw ko ng magsalita.

*

Pagkatapos naming kumain ni Marvin. Iniwan ko na sa kanya yung apartment ko. Tiwala naman ako sa baklang yun. Alam kong maglilinis sya dun tapos ay uuwi na sa apartment nya para makaligo at makapasok na din sa pinapasukan nyang Parlor.

"Good Morning Alex Hija." Bati ng katapat bahay kong si Tita Flora.

Simula ng tumira ako sa lugar na to ay sya lang ang kumakausap saken at nagbibigay ng pagkain lalo na nung walang wala kame ng kapatid kong si Alicia.

"Good morning din po Tita Flora." Bati ko rin sa kanya.

"Papasok kana sa trabaho? Nag almusal kana ba? May niluto akong champorado. Baka gusto mo. Naalala kong gusto yun ni Alicia." Masayang sabi ni Tita Flora.

Nalungkot ako ng bahagya at ngumiti na lamang ng pilit saka sinabi sa kanya na kakatapos lang naming kumain ni Marvin. Nakangiti parin si Tita Flora saka na tumango-tango. Ngumiti nalang ako't nagpaalam nang aalis at kailangan ng pumasok sa trabaho.

I ChooseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon