Chapter 16
Hindi nagkakamali sina Phillip at Alex. Si Lyn nga ang nakita nila sa litrato. Syang sya yung babaeng nakangiti na sumakay sa motor at may hawak pang baril.
"B-Bakit hindi nya ko tinulungan. Tyaka anong ginagawa nya sa Baguio nung panahon na yun?" Sabi ni Alex.
"Don't worry, matatapos na din to. Unti-unti nang lumilinaw lahat saken. Alam ko kase magpinsan sina Jane at Lyn. Bali magpinsan sila dahil yung Mommy ni Lyn at si Jaime e magpinsan kaya connected sila. Pero sabi naman ni Jane saten tutulong sya diba?" Sabi ni Phillip.
"Sana nga Phillip. Sana tulungan tayo ni Jane. Kailangan ko ng mahuli yung may gawa saken nun. Ang iniisip ko din yung babaeng kamukha ko na tinulak sa condo building ko. Alam ko yun pero nalalabuan pa ko." Ani Alex.
Niyakap sya ni Phillip at pinakalma. Kailangan magpahinga ni Alex o Iya. Hindi nya kailangan pwersahin ang sarili na maalala ang lahat-lahat...
*
Dinala ni Phillip sa kwarto nya si Alex at pinahiga sa kama. Sinabi nya sa dalaga na wala munang pagsasabihan ng tungkol sa amnesia at sya nga si Iya na anak ni Illiano Wong.
"Tayo lang muna dapat ang makaalam. Kahit si Liam hindi nya pa pwedeng malaman. Alam mo namang mahal na mahal ka ni Liam diba? Ikaw ba anong gusto mo?" Ani Phillip.
"H-Hindi na muna siguro naten ipapaalam sa kanya. Ayokong mabigla sya tyaka ayokong mag-aaway kayo dahil lang saken." Sagot ng dalaga.
"Hinding-hindi kami mag-aaway okay? Naka move on naman na si Liam nyan. Yun nga lang hindi ko masasabing baka magkagulo kapag nalaman nyang ikaw yung namatay nyang Ex Girlfriend..." Sabi ni Phillip.
Natahimik si Alex. Nag-iisip na mas maganda ang manahimik kesa ipangalandakan ang nakaraan nya. Pitong taon din syang nawala. Apat na taon mahigit naman sya bilang Alex at nakasama ni Phillip sa kumpanya. Sa ngayon ay aalalahanin nalang nya yung Paano At Sino Yung Babaeng Kamukha nya na Nasa Picture at Pinatay sa Condo Unit nya sa Pasay...
***
Hapon...
Sa Mansion ni Phillip...Ni tila hindi napagod sina Alicia at Liam sa pagkukuwentuhan tungkol sa pagkabata ni Alicia. Kapwa sila masayang nag-uusap habang nakababad sa swimming pool. Sina Phillip at Alex naman ay nasa taas sa kwarto parin nila. Nag-uusap ang dalawa kung paano nila makakausap si Lyn na ngayo'y nagbabalak raw mag ibang bansa sabi ni Eunice sa Message nya kay Phillip.
"Mapagkakatiwalaan ba naten si Eunice? Kase diba close sila ni Lyn?" Sabi ni Alex.
"Yeah, wag ka mag-alala. Prangka si Eunice tyaka kilala ko yun. Hindi masama yung ugali nya. Pareho sila ni Jane na kapag galit harap-harapan. Hindi patalikod yun kapag nagagalit..." Sabi ni Phillip.
"Sana nga mapagkakatiwalaan natin sya. Natatakot kase ko Phillip. Baka mamaya mapano nanaman ako." Malungkot na sabi ni Alex.
Niyakap sya ni Phillip at pinaliwanag na walang makakaalam ng tungkol sa kanya basta magtatanung tanong lang sila kay Eunice patungkol kay Lyn.
"Hello? Eunice? Nasan kaba nyan?" Sabi ni Phillip.
'Dito ko samin. Uhm, ano ba kasing nangyayari? May something ba or may away na ba naganap sa inyo ni Lyn? Bakit hinahanap nyo sya?' Sabi ni Eunice sa kabilang linya ng Video Call.
"May hinahanap kase ko. Si Lyn lang nakakaalam. Kaya bago sana sya maka-alis dito sa pinas makausap ko sya." Ani Phillip.
'Oh okay? Mukhang personal yang hinahanap mo ah? Haha. Okay sige bali ganto, ang alam ko mag s stay sa Baguio si Lyn. May aasikasuhin daw sya and may imimeet na tao dun. Idk? Basta ganun yung kwento nya saken before kame umalis ng Palawan nung may nangyari nga kay Bella.' Sabi ni Eunice.