Is it love?

108 3 0
                                    

Chapter 7

Alex*
POV

Kinabukasan...
Habang nasa restaurant. Napansin kong tahimik si Phillip. Wala kaming kibuan kaya nakahalata na si Liam sa nangyayari samen ng Kuya nya.

"What's going on? Parehas kayong tahimik. May problema ba?" Ani Liam na salitan kameng tinitignan ng Kuya nya.

Hindi ako sumagot. Si Phillip naman busy lang kumain. Talagang wala syang balak tingnan ako. Bat nga ba ko magtataka e alam ko naman na wala syang pakelam saken at mas may pake sya kay Jane na kababata nya.

"Alam nyo guys. After nating kumain back to beach tayo. Magpalamig kayo." Sabi ni Liam.

"Kayo nalang..." Seryosong sagot naman ni Phillip.

Natahimik tuloy kaming lahat. Nabasag lang yun ng dumating si Jane na masayang masaya. Pumalupot kaagad ito ng yakap kay Phillip sabay halik sa pisngi nito.

"Hi Phil? Hehe. Mamaya may ipapakita ko sayo dun sa room ko. Are you free later?" Maakit na sabi ni Jane.

Ngumiti si Phillip at sumagot pa ng "Sure..." kay Jane. Pagkatapos nun nakaramdam ata ako ng pagkainis na ewan. Talagang nagagawa to saken ni Phillip. Akala ko ba nung isang araw okay na kame? Pero naguguluhan ako. Sobrang naguguluhan sa pagbabalewala nya saken...

*

Bumalik ako sa room ko.
Umiiyak ako habang tinatanong tong sarili ko kung anong nangyare samantalang nung umaga okay na okay kame. Nag aminan pa kame ng nararamdaman sa isa't isa tapos ganito lang yung nangyayare.

"Anong nangyare Phillip. Bakit sinasaktan moko." Iyak ko.

*****

Phillip*
POV

Wala ako sa mood magsalita. Wala akong panahon ngumiti o tumawa. Ni hindi ko na naiintindihan kung ano tong kinukwento ni Jane saken.

"Phil? Nakikinig kaba?" Naiinis nyang sabi habang naka unan ito sa kaliwang braso ko.

Nandito kame ngayon sa room ko. Nakatambay I guess. Tamang nood lang sa Netflix ng Korean Drama na hindi ko naman alam kung anong takbo ng story.

"Phil hindi moko naiintindihan no? Kanina kapa tahimik dyan. Naka ilang tawag na ko sa pangalan mo." Halatang asar na sabi ni Jane.

"Nai stress lang ako. About sa work..." Sagot ko.

Niyakap ako ni Jane. Bigla syang naglambing sabay halik nito sa kaliwa kong pisngi. Hindi ako kumokontra kase nakasanayan ko na sya. Matagal na nyang ginagawa saken yung ganito. Yung palagi syang naka halik sa mga pisngi ko.

"Yung totoo Phil? Sa work ba talaga yang kina i stressan mo o baka naman sa babae? Sino ba yang tangang nag i stress sayo?" Asar na sabi nito.

"Hindi sya tanga. Don't call her that..." Seryoso kong sabat.

"E ano sya? Bakit ine stress ka nya? You are one of a kind. Kind of gold Phil what I mean. Hindi ka dapat nya iniistress. Dapat sayo minamahal at inaalagaan. Yea, know. Nandito naman ako diba? Akong bahala sayo. Aalisin ko yang stress mo and I wanna make sure na ako nalang ang iisipin mo at wala ng iba pa."...

*****

Alex*
POV

*Knock knock!

"Alex? Alex. You okay?" Boses ni Liam.

Nagpunas kaagad ako ng nababasang mga pisngi dahil sa luha. Tapos ay pinagbuksan ko si Liam at pinatuloy dito sa room ko.

"What's wrong? Sinesante ka ba ni Kuya?" Anito.

I ChooseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon