Multo?

138 5 0
                                    

Chapter 4

Alex*
POV

Habang nag-aayus-ayos ako ng mga gamit ko dito sa hotel room ko e iniisip ko yung sinabi kanina ni Liam saken.

"Hmm. Kamukha ko nga ba talaga yung Ex nya? Pero ang gara nun ha. Meron akong kamukha sa lugar na to. Gusto ko tuloy syang makita."

Nagmamadali na kong maghalungkat sa maleta para sa paghahanap ng two-piece na masusuot. Inimbitahan kase ko ni Liam sa isang pagsasalo dun daw sa kubong nasa tabi lang ng dagat iyon magaganap. Kinailangan ko munang umuwi dito sa hotel room ko para makapagbihis ng tuyong two-piece. Basa kase yung kanina tyaka baka lamigin ako kung yun parin ang suot ko hanggang mamaya...

*****

Phillip*
POV

Loko talaga tong kapatid ko kahit kelan. Ayan si Liam at nakikipagharutan sa mga barkada nyang babae. Nagyayakapan sila't hinahalik-halikan pa sya sa magkabilang pisngi. Naalala kong kanina lang e nakita ko syang lumapit kay Alex. Feeling ko nagkaka-interes sya dun sa assistant kong kamukha ng Ex Girlfriend nya.

"Hmm..."

Ayan at papalapit sya saken...

"Kuya." Aniya habang naglalakad palapit. Andito ako sa terrace ng hotel room ko't nananahimik na nag-iisip-isip. Tapos chichikahin nya ko neto malamang.

"What's wrong..." Sabi ko.

Pagkahinto nya sa paglalakad e kita kong napalunok muna sya bago magseryosong tumingin saken.

"Come on. Spill it Liam..."

"Kuya, yung assistant mo. Taga saan yun?" Sabi nya.

"Taga Makati sya. Why?"

"Matagal na ba syang nagtatrabaho sayo? Sya ba yung Alex na assistant mo dati pa? Yung ayaw mong isama dito." Aniya.

"Yeah she is..."

"Bakit naman ayaw mong dalhin dito yun. Tyaka ilang taon na bang nagtatrabaho sayo yun?" Aniya.

"Mag a apat na taon na syang nagtatrabaho saken..."

"Damn, she looks exactly like---

"Iya, i know..." Dugtong ko.

"Bakit ngayon mo lang sya dinala dito sa tagal na nyang nagtatrabaho sayo?" Aniya.

"Well, alam ko kasing hindi ka pa nakaka move on kay Iya kaya hindi ko pinapakilala sayo si Alex. Ngayon ko lang sya dinala kase nabalitaan kong iba't ibang babae na yung kinakama mo. Which is naka move on kana. I'm so proud of you baby bro. Naka moved on kana..." Sabi ko.

"Uhm, y-yeah. Naka move on naman na ko Kuya. I'm happy now and tanggap ko na. Kaya lang. Nung naka-usap ko si Alex. B-Bakit magkaboses sila? How is that possible? Wala namang kambal si Alex? O-Or si Iya? Kase Kuya as you can see. Magkamukhang magkamukha silang dalawa." Sabi nya.

Medyo nabigla pa ko dun sa sinabi nya. Kahit ako napapa-isip kung pano nangyari yun lalo't madalas kong makasama noon si Iya tapos ngayon si Alex. May similarities talaga silang dalawa sa isa't isa. Parehas silang kumilos, magsalita at ngumiti. Hindi ko lang alam kung may malapad na nunal din si Alex sa balakang kase alam ko may ganon si Iya. Parang balat o birth mark. Ni hindi ko naman kase kayang tignan ang babaeng yun kapag sinasama ko sya sa pool party kaya hanggang ngayon hindi ko alam.

"Kuya, p-parang ayaw ko maniwala na wala na si Iya kung ganyan na may kamukha sya na gaya ni Alex with same similarities pa." Sabi ni Liam.

"Liam, relax. Nagkataon lang na magkamukha silang dalawa okay? Alam ko na yang iniisip mo. Imposibleng imposible kase 4 years ng nagtatrabaho saken nyan si Alex. Pang 4 years na nya bukas actually. Alam ko lahat ng nangyari sa kanya. May kapatid syang sa ospital na lumaki. Ulila silang dalawa. She's single now and may mga nakarelasyon man e hindi tumatagal dahil pinagseselosan ako nung mga exes nya. Alam ko lahat Liam. Nag background check ako ng about sa kanya so please. Imposible talaga yang iniisip mo. Isa pa, kita ng dalawang mata naten yung katawan ni Iya sa morgue. Hindi fake kase sya yun. Alam mo sa sarili mo yan Liam. Imposible namang nabuhay sya't saken pa talaga nagtrabaho..." Sabi ko.

I ChooseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon