Chapter 14
Alex*
POVLaking pasasalamat ko kay Phillip. Dahil sa kanya ay makakasama ko na ng mas malapit ang kapatid ko na hindi na ko nag aalangan na tumakbo ulit kame sa ospital. Makaka-pamasyal na din kame kahit saan kame pumunta. Magagawa na din ni Alicia yung mga gusto nyang gawin ng malaya. Pagkabitaw ko sa pagkakayakap kay Phillip ay agad ko namang nilapitan ang kapatid kong si Alicia. Naluluha itong sumalubong ng pagyakap saken. Masayang masaya sya habang sinasabing malaya na sya sa sakit na mula pagkabata ay problema na naming dalawa.
"P-Pano nangyari lahat to Alicia." Iyak ko tapos bumitaw na kame sa pagkakayakap ng isa't-isa.
"Pagkaalis nyo ni Kuya Phillip dito sa Manila inasikaso na agad ng mga doctor yung operasyon ko para maalis kagad saken yung tumor ko. Gising ako habang nakasalang ako sa operasyon Ate. Nakiusap ako sa mga doctor na wag nila kong patutulugin basta bigyan nila ko ng pampa manhid para gising ako habang ginagawa nila yung operasyon kase natatakot ako na baka mawalan ako ng ala-ala kung matutulog ako." Pagpapaliwanag ng kapatid kong naluluha pa ang mga mata.
Ni ako hindi ko din mapigilan ang mainit na luhang tuluy-tuloy lang sa pagtulo dito sa mga mata ko.
"Magagawa ko na lahat ng gusto ko Ate! Makakasama mo na ko kahit saan! Kahit ano makakain ko na din!" Masayang sabi ni Alicia.
Oo ako ng oo habang nakangiti sa kanya. Niyakap ko sya ng mahigpit tapos inaya nya kong kumain. Nakasunod naman sila Phillip at Liam. Hinayaan lang namin na magsalita ng magsalita si Alicia. Ramdam na ramdam ko yung saya ng kapatid ko. Ang sarap nyang tignan habang nag aasikaso sa pagsasalin ng pagkain. Pansin ko ding may mga decor tong apartment namin. Hindi na ko magtataka na naglinis at nag-ayos si Alicia dito kaya sinabi ko sa kanya na wag masyadong magpaka pagod. Nakangiti parin sya't pinaliwanag na katulong nya sa paglilinis si Baklang Marvin at Tita Flora.
"E nasan sila?" Sabi ko.
"Nasa parlor si Kuya Marv. Si Nanay Flora naman mamamalengke daw pero papasok naman daw sya dito pag nakauwi na sya." Masayang sabi ni Alicia.
Naupo na kameng apat saka kumain ng spaghetti na niluto mismo ni Alicia. Nagkwentuhan kame tapos sinabi ko sa kapatid ko na wala na si Bella. Dito na sya nalungkot at nagtanong pa ng nagtanong kung ano yung mga nangyari kaya sinabi ko na kung saan nagsimula at kung sino yung Suspek namen. Nakakalungkot lang kase kada ka video call ko si Alicia e madalas syang kinakamusta ni Bella...
*
Lumipas pa ang ilang oras...
7pm dumating si Marvin dito sa apartment. Dito nya nakilala si Liam. Humaharot si Marvin at may paghaplos pa sa balikat ni Liam na natatawa nalang. Mukhang nag eenjoy sya sa kalokohan ni Marvin.
"Loko loko ka talagang bakla ka haha." Sabi ko.
"Ikaw naman oh. Hehehe, nakikipagkaibigan lang naman ako kay Liam. Ang gwapo gwapo pala ng kapatid ni Sir Phillip mo." Sabi ni Marvin.
Wala syang kaalam-alam na may relasyon na kame ni Phillip. Nakangiti lang ako sa baklang palaka na tanong na ng tanong kay Liam ng kung anu ano. Sa kabilang banda naman magka-usap sina Tita Flora, Alicia at Phillip tungkol sa paglilipat naming magkapatid sa Mansion ng Castellano. Lumapit ako't tumabi sa boyfriend ko saka ako nakisali sa usapan nila.
"Maganda na nga sigurong dun na muna kayo Alicia. Para sa kaligtasan nyo to ng Ate mo. Hayaan mo't magpupunta nalang kami ni Marvin dun para hindi ka malungkot o mainip. Babalitaan ko din kayo kung may magpupunta dito." Ani Tita Flora.
"Sige Nay. Basta mag-iingat ka din po. Mahirap na baka kasi madamay po kayo." Sabi ni Alicia.
Sang-ayon si Phillip na baka nga madamay si Tita Flora kaya magpapalitan nalang kami ng phone numbers para kapag pupunta si Tita Flora sa Mansion e naka-ready kame para may magsundo sa kanya.