Chapter 19
Alex*
POVNagpanggap akong nag-aayos ng leggings at kunwari'y nagmumusic. Patangu-tango akong nag-aayos ng leggings na kunwari kakatapos lang umihi. Naka facemask naman ako kaya for sure ay hindi sila maghihinala na ako to.
"Sige umalis nalang kayo. Wag nyo na kong pag-intiresan." Bulong ko at naglakad na nga sila palayo pa saken.
Sinend ko kaagad yung mga nakunan ko kay Liam at Phillip. Lumingon ako't nakitang sumakay sa kotse sila Lyn at Daisy. Kinakabahan tuloy ako. Akala ko kasi ay sisitahin pa nila ko lalo't kaming tatlo lang ang nandito sa lugar na to.
*
Umuwi ako sa bahay...
"Alex, sino tong isang babae na kasama ni Lyn? T-Tyaka san mo galing tong pictures na to?! Don't tell me lumabas ka ng bahay ng hindi nagpapaalam samen?!" Bulyaw ni Liam.
"Liam, kalma okay? Okay lang ako. Naka facemask naman ako tyaka malayo ako sa kanila. Naka zoom yang pictures kaya parang malapit pero malayong malayo ako sa kanila." Sabi ko at naupo sa sofa. Hingal na hingal ako kaya humingi ako ng tubig na malamig sa isang kasambahay.
Lumapit si Alicia saken. Nag-aalala ang reaksyon nitong tumabi at hinawakan ang kanan kamay ko.
"Ate? Basta magpapaalam ka. Nag-aalala ako Ate. Ayokong may mangyaring masama sayo." Sabi ni Alicia.
Ngumiti ako sa kanya at sinabing wala syang dapat ipag-alala. Kinailangan ko lang libangin ang sarili ko dahil naiistress na ko sa mga nangyayare. Nalulungkot na kasi akong hindi namin nagagawang mamasyal dahil lang nasa laya pa sila Jaime at Lyn.
"Sino yung babae na kasama ni Lyn." Ani Liam kaya tiningala ko sya.
"Sya si Daisy. Tauhan sya ng kuya mo sa Castellano Corp. Isa sya sa nagagalit saken kahit wala naman akong ginagawang masama. O baka galit sya dahil assistant ako na laging nakakasama ng kuya mo. Ewan, hindi ko alam bakit sila magkakilala ni Lyn samantalang sa 4 years na kong nagtatrabaho kay Kuya mo e hindi ko pa naman nakita na nagpunta si Lyn dun or halimbawa may meeting o lakad si Kuya mo hindi ko pa sya nakikita pero katakataka na magkakilala sila ni Daisy na taga dito sa Manila. Diba sa Palawan lang si Lyn naglalagi or sa Baguio?" Sabi ko.
Sumasakit ata ang utak ni Liam. Naupo sya sa couch malapit kay Alicia. Sumandal sya't pumikit.
"Nakaka-stress na." Sabi nya.
"Talagang nakaka-stress. Kaya nga nag jogging ako para libangin yung sarili ko kase hindi na matapos tapos to." Naiinis kong sabi kaya napatingin saken bigla si Liam.
"Alam mo. Ganyan na ganyan yung tono ni Iya kapag naiinis." May pagngisi pa nyang sabi.
Nagulat ako sa sinabi nya. Tama kasi sya kaya nanahimik ako't napatingin kay Alicia na pinandidilatan ako ng mata. Sinasabi nitong kumalma lang ako dahil baka makahalata na si Liam.
"Hays, osha aakyat na ko. Magpapahinga ako. Tatawagan ko na si Phillip para malaman yung update kung anong plano nila ni Jane." Sabi ko at tumayo na sa kinauupuan.
"Alex, ganyan na ganyan talaga si Iya kapag naiinis e." Sabi ni Liam.
"Ay tigilan mo ko Liam ah. Naiinis na ko tapos ikukumpara mo pa ko dun sa namatay." Sabi ko at iniwan na sila...
*
Sinubukan kong tawagan si Phillip. Kaso, puro out of coverage ang sinasabi ng call. Nag try ako sa Messenger at Viber pero wala parin. Offline si Phillip at hindi naman sumasagot sa Viber.
"Jusko Phillip ano na bang nangyayare."
Naiinis nanaman ako. Ewan ko ba pero nagtatamang hinala ako kase baka mamaya may ginagawa nanaman si Jane para masolo nya si Phillip. Ayokong isipin yun pero ganun yung gawain ni Jane noon kaya inis na inis ako sa kanya.