Chapter 25
Alex*
POVIniwan naming tumatawa si Jaime. Hinayaan na namin sa kanya yung kwintas. Hindi naman pala talaga sa lahi nila galing yung kwintas na yun kundi sa side ni Mommy. Galing daw ang kwintas na yun sa Lolo nya dahil negosyo nila noon ang pag-gawa ng alahas. Yung kwintas na yun ay totoong puro sa ginto at diamante. Niregalo daw yun ng Lolo nya sa Lola ni Jaime noong kabataan pa ng mga Lolo at Lola nila. Dun daw nagsimula na maging magkaibigan sila Mommy at Jaime. Nauna daw nyang naging kaibigan si Daddy pero nag ibang bansa daw si Daddy kaya si Jaime ang naging Bestfriend nya at naging nobyo hanggang sa ikasal sila. Makalipas ang ilang taon ay nagbago ang ugali ni Jaime nung nanganak si Mommy kay Jane. Dun daw nag file ng Annulment si Mommy kaya naghiwalay sila ni Jaime. Dun na din dumating si Daddy at nagkaroon sila ng patagong relasyon hanggang sa mabuntis ulit si Mommy at magtago na kay Jaime. Iniwan nya noon si Jane at binalikan nalang nung maipanganak nya ko. Sobrang nahihirapan daw si Mommy kung saan sya lulugar hanggang sa hindi na nya matiis at pinupuntahan nya ko sa Mansion ni Daddy. Dinadalaw nya ko't pinapakilaro kay Jane. Alam daw ni Jane na magkapatid kame pero sinabihan ito ni Mommy na secret lamang ang pagkakaroon naming dalawa ng malalim na relasyon. Sa pagtagal ng panahon ay nakakapansin na daw si Jaime na madalas na pumunta si Mommy at Jane sa Mansion kung saan ako nakatira. Dun na daw lumala si Jaime. Sinasaktan nya ng pisikal si Mommy at kung minsan daw ay hindi pa pinapakain.
"Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Iniisip ko kayo ni Jane pero hindi ako pwedeng mag stay sa Daddy mo. Kaya nagpaalam ako sa kanya na lalayo na ko at sya na ang bahala sa mga anak ko." Mahinahon na sabi ni Mommy.
Tinignan ko si Daddy na malungkot ang reaksyon habang nakatingin sya kay Mommy. Hinawakan nya ito sa kaliwang balikat kaya nilingon sya ni Mommy.
"Pasensya kana Yano. Maraming gulo ang nangyari dahil saken." Sabi ni Mommy.
"Wag mong sisihin ang sarili mo. Wala ka din dapat ihingi ng tawad saken. Ako ang may kasalanan. Sana hindi kita iniwan noon para ako parin ang nakasama mo at hindi mo na naranasan ang mga pinaranas sayo ni Jaime." Sabi ni Daddy.
Umiyak si Mommy at nagpasalamat kay Daddy. Naalala ko kasi dati nung panahon na kinulong ni Jaime si Jane sa kwarto e si Daddy ang lumusob at kinuha noon si Jane para makapasok sa school. Sobrang baliw na baliw si Jaime at weirdo na din kaya lahat ng katarantaduhan ay ginagawa nya noon kay Jane simula mawala si Mommy.
"Salamat at natapos na lahat. Nahuli na si Jaime pero si Jane. Jusko, si Jane. Wala na ang panganay ko." Naiiyak na sabi ni Mommy.
*
Sinamahan namin syang puntahan ang puntod ni Jane. Dito na humagulgol ng iyak si Mommy. Humihingi sya ng tawad kay Jane at saken dahil sa matagal na panahon syang nawala sa tabi namen. Napahagulgol nalang din ako kakaiyak. Yakap yakap ako ni Phillip at si Alicia naman na lumuluha ay yakap yakap ni Liam. Dito ko nakita ang pag-aalala ni Daddy kay Mommy. Pinapatahan nya ito at pinapangako na wala ng kahit sino ang manggugulo sa buhay namin...
***
Makalipas ang ilang araw...
Umuwi kaming lahat sa Mansion ni Daddy dito parin sa Palawan. Dito nagsimula lahat lahat. Mula sa malawak na Garden kung saan kame nagtatakbuhan ni Jane dati. Naghahabulan kaming dalawa tapos tinatawag nya kong My Princess. Eto at huminto na yung kotse. Bumaba kaming lahat at pumasok sa malaking bahay. Nakita ko yung malawak na Sala. Dun ko nakita yung batang ako na sinusuklayan ni Jane at si Mommy na nakangiti habang nakatingin sa aming dalawa. Naluluha tuloy ako kase bakit hindi ko nakita yung mga paglalambing ni Jane saken nung mga bata kame. Hindi pa ko makapaniwala na sobrang inggitera at selosa pala ko dati. Naalala ko din kung pano kausapin ni Daddy si Jane at inaalok kung anong ulam ang gusto. Lahat-lahat bumabalik saken. Bumibigat tuloy ang loob ko.