Bella

101 5 0
                                    

Chapter 11

Alex*
POV

Nakakatakot makita ang mga litratong nakalatag sa kama ko. Kakaibang kaba tyaka para bang pinagpapawisan ako ng malamig habang tinitignan yung mukha ni Iya. Kamukhang-kamukha ko sya. Yun nga lang ay bugbog sarado ang mukha nya. Parang patay na sya dun sa picture kase dilat ang mga mata nya.

"P-Phillip? May sulat?" Sabi ko saka kinuha tong letter at binasa.

*Umalis kana dito. Mas magandang lumayo kana. Kapag hindi ka parin umalis magagaya ka kay Iya.*

Napatingin ako kay Phillip.

"Phillip, death threat to saken! Anong gagawin ko! Sinong may gawa nito?! Ayoko pa mamatay Phillip! Hindi ko pwedeng iwan yung kapatid ko!" Naiiyak kong sabi.

Niyakap ako ni Phillip saka pinakalma. Sabi nya'y wag akong mag-alala dahil simula ngayon ay hindi na sya lalayo sa tabi ko...

*

Nakiusap kame sa Guards Office kung pwedeng ma rewind yung kuha ng CCTV around  9pm. Dito lang namin nalaman na sira na pala lahat ng CCTV nila kaya wala ng silbi. Hindi tuloy ako mapakali sa kaba at takot. Hindi ko kase expect na may ganitong nangyayari sa buhay ko. Sobrang bait ko naman tyaka wala akong inaaping tao pero bakit naman may nagbabanta saken.

"Pano na to Phillip? Anong gagawin naten? Pano naten malalaman kung sino yung nagbabanta saken tyaka yung pumatay kay Iya?" Sabi ko.

"Don't worry okay? Mahahanap naten yung taong yun..." Mahinahon na sabi ni Phillip tapos ay niyakap nya ko ng mahigpit.

Pagkabitaw ni Phillip sa pagkakayakap nya saken e bigla syang naglakad at mukhang aalis na dito sa Guards Office.

"San ka pupunta?" Sabi ko.

"Dumito ka muna. Pupuntahan ko lang si Jane. Baka kase may alam sya tungkol dito. Basta sila muna ang bahala sayo. Wag kang matatakot kase kilala ko tong mga kasama mo..." Sabi nya.

"P-Pero Phillip, gusto kong sumama sayo. Mas gusto kong ikaw ang kasama ko please." Malungkot kong sabi.

Ayaw nya talaga. Nakuha ko lang sya sa pangungulit hanggang sa wala na syang nagawa kundi hawakan ako sa kamay at puntahan namen si Jane ng magkasama...

*

Sa tapat ng pintuan ng kwartong tinutuluyan ni Jane. Malakas na kinatok ni Phillip ang pinto hanggang sa pagbuksan na kame ng taong kailangan namen.

"Jane..." Madiin na sabi ni Phillip.

Nakatapis lamang ng tuwalya si Jane. Hingal na hingal sya't para bang galing sa gyera.

"What the hell Phillip?!" Mataray na sabi naman ni Jane.

"May alam kaba dito!" Pagalit na sabi ni Phillip sabay sampal ng mga litrato kay Jane.

"What the ffff!" Singhal ni Jane saka na nya tinignan ang mga litratong isa-isang lumalatag sa sahig.

Bakas sa mukha ni Jane ang gulat at pagtataka. Sa reaksyon nyang to para bang wala syang alam sa tinatanong ni Phillip sa kanya.

"Oh my god! S-Si Iya ba yang nasa pictures?!" Sabi ni Jane sabay tingin kay Phillip.

"Don't tell me wala kang alam sa mga pictures na yan?!" Galit na sabi ni Phillip.

"Oh god Phil? Obsess ako sayo pero what the heck?! Pinagbibintangan mo kong may alam ako sa mga pictures na yan! Ano namang kinalaman ko sa pagkamatay ng bestfriend mo! Demonyita ako oo. Maldita ako at maarte aminado ako! Pero hindi ako mamamatay Tao!" Singhal ni Jane.

I ChooseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon