Chapter 17
Alex*
POVSobrang kilabot ang naramdaman ko. Ito na ang ebidensya at hustisya para kay Bella. Sobrang sakit lang marinig ng paghingi nya ng tulong. Dinig na dinig ko kung pano sya umiyak at magmakaawa hanggang sa manahimik ang paligid at pagtigil ng pag-iyak nya.
"Jusko, pano nagawa ni Lyn yung bagay na to. Bakit ganito yung ginawa nya kay Bella. Ganun nalang ba sya ka loyal kay Jaime para pati pagpatay sa kaibigan nya ay gagawin nya." Sabi ko.
Naluluha ako habang nagpapatuloy sa pag play yung video. Maririnig dito na nagsasalita si Jaime at kinakausap pa ni Lyn si Bella.
'Bel? Bel?! Huy Bella! Gumising ka!' Tila natatakot na tono na sabi ni Lyn.
'Pano pa magsasalita yan. E pinatay mo na.' Sabi naman ni Jaime.
'H-Hindi! Hindi pa sya patay! Baka nakatulog lang!' Sagot ni Lyn.
'Ikaw naman oo Analyn. Tignan mo nga yan? Labas na yung bituka tyaka tadtad ng saksak sa leeg at katawan. Pano pa makakatulog yan? Sabagay tulog na nga yan. Yun nga lang. Natutulog na sya habang buhay. Hahahaha!' Sarkastikong sabi ni Jaime na tumatawa pa.
Naiiyak ako habang pinapakinggan yung pagtawa ni Jaime. Maging si Lyn umiiyak at nagso-sorry pa kay Bella sa nagawa nyang pagtapos sa buhay nito. Nanggigigil tuloy ako't gusto ng tugisin si Jaime sa kasamaan nya.
"Kikilos na tayo. Ipapahuli ko na si Jaime..." Sabi ni Phillip.
*
Ilang minuto lang at sumagot na si Don Felipe sa tawag ni Phillip. Masamang balita ang dumating sa amin dahil kahapon pa pala wala si Jaime sa Beach at Hotel Room na tinutuluyan noon. Ni hindi naman daw nagpaalam si Jaime sa mga taong nandun lalo kay Don Felipe at sa Daddy kong si Don Illiano.
"Pano na to Phillip? Hindi to pwede. Baka tumakas na sya." Kinakabahan kong sabi.
"Shit! Basta, dito ka lang. Wag ka munang lalabas ng bahay." Sabi ni Phillip saken.
Tumango ako. Sabi nya ipapasa nya yung video sa Daddy nya para makahingi na sila ng tulong sa pulis at gawing Wanted si Jaime. Maging dito sa tinutuluyan namin hihingi daw ng safety si Phillip na baka kasi magpunta si Jaime dito para gawan ako ng masama.
"Ibig sabihin si Lyn yung pumatay kay Bella?!" Ani Liam.
"Oo. Sya nga." Sagot ko.
Napa iling iling si Liam at nagpipigil wag maiyak. Sobrang close kasi nila ni Lyn at Bella. Alam raw nyang nagtatalo ang dalawa pero bihira lang tyaka base sa video na napanood nya'y mukhang nagsisi si Lyn sa ginawa nya kay Bella.
"Hindi parin rason yun para patayin nya yung barkada nya. Kahit na ano pang mangyari kung ayaw mong mapahamak yung kaibigan mo ikaw na mismo dapat ang umiwas sa taong Bad Influence sayo para hindi kana makapanakit pa. Ganun lang yun Liam." Seryosong sabi ni Phillip.
"A-Alam ko Kuya. P-Pero diba si Jaime yung puno't dulo? Sya yung nag-utos nun kay Lyn?" Pagpupumilit pa ni Liam.
"Yeah he is. Right sya nga pero matanda na si Lyn para sa gagawin nya. Alam nya yung tama at mali pero bakit nagpatinag sya sa utos ng Tito nya diba? Ibig sabihin lang Liam magkasabwat sila at wala na tayong magagawa pa." Sagot ni Phillip.
"So talagang ipapakulong mo din si Lyn?" Ani Liam.
"Yes. Kailangan nyang pagbayaran yung ginawa nya kay Bella..." Sabi ni Phillip kaya nanahimik naman si Liam at napayuko na lamang.
Ramdam kong nasasaktan sya sa nangyayari pero balang araw matatanggap din nyang hindi lahat ng kaibigan ay dapat pagkatiwalaan...
*