Chapter 6
Tila hindi mapakali si Phillip pagkalabas nya sa kwarto ni Alex. Nanginginig ang buong katawan nya habang iniisip na paano nalang kung may nangyari sa kanila ng Assistant nya.
"Damnit..." Bulong niya.
Huminto sya't lumingon sa pintuan ng kwarto ni Alex. Gusto pa nyang bumalik kaya lang ay kahihiyan ang nararamdaman nya sa sarili kaya ibinalik na lamang nya ang tingin sa daang nilalakaran at nagpatuloy na ng paglalakad saka sya bumalik sa kanyang kwarto.
*
Pagkahilamos ni Phillip sa mukha ay napatingin sya sa salamin. Tahimik nyang tinititigan ang sarili sa repleksyon habang iniisip kung gaano katamis ang labi ni Alex. Nangingiti sya pero kaagad yung nawala ng maalala nya...
"Si Iya..."
Napabulong sya't napapikit habang inaalala ang masasaya nilang araw ng kaibigang matagal ng wala at kelan ma'y hindi na babalik sa mundong ibabaw. Sya ang unang nakilala ni Iya bago ang kapatid nyang si Liam. Sya ang nagmahal kay Iya na hindi naman nasuklian dahil sa isang umaga lang ay nabalitaan nyang magkatabi na sa kama ang kapatid nya at si Iya na babaeng ang akala niya'y mapapangasawa nya at magiging ina ng mga magiging anak nya. Hindi napigilan ni Phillip ang maiyak kapag naaalala ang pagpapaka tanga sa babaeng hindi naman sya minahal.
*
Katapos nyang maghilamos ay nahiga na sya sa kama. Umiiyak at nagdadasal na sana ay maka Move On na sya sa sakit ng nakaraan. Sakit na pinagsisisihan nyang hindi nasabi kay Iya ang nararamdaman. Sakit na sana ay hindi nya iniwan si Iya para hindi ito namatay...
**
Kinabukasan...
Nagkumpulan ang grupo ni Liam sa dagat. Lahat lumalangoy pwera kay Liam na malalim ang iniisip.
"Bat kaya kamukhang kamukha nya si Iya." Bulong nito sa sarili habang tinititigan si Alex na nakikipag kwentuhan kila Eunice , Lyn at Bella.
***
Alex*
POVAyoko na tuloy lumangoy. Naiilang kase ko kay Liam. Kanina pa kase nya ko tinititigan.
"Yeah then after nun alam mo na? Haha." Sabi ni Lyn kay Bella.
Nagkukwentuhan kasi kameng tatlo tungkol sa nangyari umano kay Lyn at dun sa isang foreigner na nakilala lamang nito kagabe dito sa resort. Ang gara lang kase okay lang kay Lyn yung ganon na kahit ilang oras palang nyang nakilala e may mangyayari na agad.
"Woy Alex? Okay ka lang ba? Kanina kapa tahimik dyan e." Sabi ni Eunice.
"Tignan nyo tong Liam na to. Kanina pa ko tinititigan. Loko yun ah." Sabi ko kaya natawa ang tatlo.
Sabi ni Bella ganyan lang daw talaga si Liam sa bagong mukha na nakikita. Sabat naman ni Lyn na hindi rin dahil kaya daw ganon na lamang tumingin si Liam saken e naaalala pa raw nun saken ang ex nyang si Iya. Hindi naman ako mapakali. Naiilang kase ko kapag may nakatitig saken gaya ng ganyan na saken lang naka focus ang mga mata.
"Hay nako teka uuwi na nga muna ko. Nasi Cr ako e." Sabi ko nalang sabay ahon at naglakad na para makapunta sa hotel room ko.
Habang naglalakad ako'y ramdam na ramdam kong May mainit na matang nakatingin saken. Hindi lang sa mata ni Liam kundi dun din sa Mata ng isang matandang lalaki na kasama ni Sir Felipe...
*
Kinalma ko muna tong sarili ko dito sa kwarto ko. Buti may aircon na makapag papalamig ng buong katawan ko para makakalma ako sa mga nangyayari. Nag iisip isip ako na napa paranoid na ata kase bakit ganon si Liam makatitig saken pati yung matandang lalaki na kasama ng Daddy nila Sir Phillip at Liam.