Lyana

83 3 0
                                    

Chapter 24

Alex*
POV

Nabigla ako sa sinabing yun ni Nanay Flora. Agad namang lumapit si Alicia samen at tinanong sya kung ano ang ibig nyang sabihin.

"Nay? Sino pong anak nyo?" Tanong ni Alicia.

Umiiyak lang si Nanay Flora at nakatingin saken. Ni hindi ko kayang makapagsalita kaya si Alicia nalang ang nangungulit kay Nanay.

"Nay? Ano po? Magsalita na kayo para maliwanagan si Ate Iya." Sabi ni Alicia.

Ni hindi sya makapagsalita at lumuluha lamang habang nakatingin sa akin...

*

Mabilis ang pangyayari. Kahit anong pangungulit ang gawin ni Alicia ay hindi nagsasalita si Nanay Flora. Agad syang umalis dito sa Mansion ng hindi nagpapaalam.

"S-Sino sya." Iyak ko.

Pinapatahan ako ni Alicia. Iyak kasi ako ng iyak at naiistress sa sinabi kanina ni Nanay Flora.

"What happened?" Sabi ni Liam na kakatapos lamang maligo.

Lumapit kaagad sya samin tapos si Alicia na ang nagkwento ng nangyari kanina. Hindi makapaniwala si Liam lalo't pano nangyari yung bagay na yun. Ganun nalang ba kaliit ang mundo sa amin?

"Nasan si Nanay Flora nyan?" Sabi ni Liam.

"Umalis na sya. Hindi manlang sya nagpaliwanag kung ano yung sinabi nya kanina. Syempre, maiistress si Ate pag ganon." Sabi ni Alicia.

Tinabihan ako ni Liam. Maging sya pinapatahan din ako. Hindi naman ako kumikibo kase nag-iisip ako kung paano nangyayari to lahat saken...

*

May number ako ni Marvin kaya tinawagan ko sya't tinanong kung nakauwi na ba si Nanay Flora. Sabi nya'y oo at para bang nagmamadali daw na pumasok sa loob ng apartment.

"Pwede mo ba syang kausapin kung pwede syang bumalik dito o kame nalang ang pupunta sa kanya." Sabi ko.

'Okay wait. Eto, nakabukas naman yung pintuan nya. Uhm, oh? Nay! Bakit nag iimpake ka?! Saan ka pupunta?' Boses yun ni Marvin.

'May pupuntahan ako. S-Sino pala yang kausap mo?' Boses ni Nanay Flora yun.

"Bes wag mong sasabihin na ako tong kausap mo ah!" Sabi ko kaagad bago sumagot si Marvin sa tanong ni Nanay Flora.

'Boylet ko Mother Earth. Uhm, saan ka ba pupunta? Bakit nag iimpake ka? Papasama sana ko sayong pumunta kila Alex e.' Sabi ni Marvin.

Natigil ang kaluskos na naririnig ko sa kabilang linya. Mukhang napatigil si Nanay Flora sa ginagawa nya ng sabihin ni Marvin na gusto nyang magpunta dito sa akin.

'Ano? Sasamahan mo ko kay Alex?' Sabi ni Marvin.

'I-Ikaw nalang. May pupuntahan kase ko. Kailangan kong bumyahe. May aasikasuhin ako.' Nauutal na sabi ni Nanay.

Naiiyak tuloy ako ngayon. Ang sakit kasi sa dibdib na hindi nya ko kayang harapin at pagpaliwanagan kung sino sya sa buhay ni Jane o kahit saken kase alam ko e iisa lang ang Nanay namin ni Jane kaya hindi ko sigurado kung sya ang Mommy Alyana ko.

"Please Marvin, sabihin mo sa kanya hintayin nya ko." Naiiyak kong sabi.

*

Umalis agad kaming tatlo nila Liam at Alicia sa bahay para mapuntahan yung apartment ni Nanay Flora. Habang nasa byahe lumuluha na ko kase inaalala ko yung boses ni Mommy kung may hawig sya sa pananalita ni Nanay Flora. Hindi ko pa akalain na may katandaan na pala ang Mommy ko.

I ChooseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon