Panimula

105 3 0
                                    

Chapter 10

Alex*
POV

Kinabukasan...
Nagising akong kayakap si Phillip. Nakatitig sya saken na para bang matagal na nya kong tinititigan. Nginitian ko sya't binati ng "Good morning." Nakangiti din sya't bumati saken tapos ay hinalikan nya ko sa labi.

"Tara kain tayo?" Pag-aaya nito.

Bumangon kame saka sya nag asikaso para dalhin dito sa kama yung pagkain na mukhang kakaorder lang nya. Matapos mag-ayos ay kumain na kaming dalawa.

"Excited kana bang umuwi?" Tanong nito saken.

"Uhm, o-oo naman? Namimiss ko na din kase yung kapatid ko." Sagot ko.

"Mhhm..." Paghuni nya sabay tangu-tango.

*

Pagkatapos naming kumain nagpahinga pa kame dito sa kwarto. Nanood kame ng TV. Tahimik lang kaming dalawa. Ni walang nagsasalita. Gusto ko sana magtanong ng kung anu-ano kaso nakakaramdam naman ako ng hiya.

"May gusto kang sabihin?" Sabi nito.

"Uhm. Wala naman." Mabilis kong sagot.

"Sabihin mo na..." Aniya.

Tiningala ko si Phillip at tinitigan sa mga mata. Maging sya nakatingin saken. Grabe, ang gwapo gwapo talaga ng lalaking to. Hindi ako makapaniwala na magiging nobyo ko sya e samantalang dati ni hindi kame magkatinginan ng ganito.

"Come on baby. You can tell me everything. Makikinig ako..." May pagka husky nitong sabi.

"Si Liam. K-Kamusta sya?" Sabi ko.

Saglit natigilan si Phillip. Matagal bago ito sumagot kaya nagpatuloy pa ko sa sasabihin.

"A-Alam ko kase may nararamdaman na saken yung kapatid mo. Nag-aalala lang ako na baka mag-away kayo dahil lang saken. Hindi ko kakayanin yun Phillip. Hindi ko kayang makasira ng magandang samahan ng mag Kuya." Sabi ko.

"Hey, you don't have to worry okay? Maiintindihan ni Liam yung sitwasyon naten and nasabi ko na sakanya yung tungkol saten. Wala kang dapat ikabahala. Okay na kay Liam tyaka tatanggapin nya yun. Wala naman syang magagawa. Nagparaya ako dati pero this time hindi naman pwedeng magparaya ulit ako sa kanya..." Seryoso nitong sabi.

"O-Okay, sige. Nag-aalala kase ko na nasaktan ko sya. Diba nagbigay motibo din ako nung magkasama kayo ni Jane. Feeling ko kase na ang alam ni Liam may chance sya saken. Ngayon, gusto ko sana syang makausap bago tayo maka-alis. Ilang araw nalang din at uuwi na tayo sa Manila. Gusto ko maayos akong makakauwi dun ng walang nasasaktang tao dito." Sabi ko.

"Okay sige. Kailangan mo din ng piece of mind. Kailangan nyo ni Liam kaya hahayaan kitang makipagkita sa kanya mamaya..." Sabi nito.

Ngumiti akong nahahaluan ng lungkot. Niyakap ako ni Phillip saka hinalikan sa noo. Niyakap ko din sya't sinabing mahal na mahal ko sya.

"Mahal na mahal din kita Alex..." Bulong nito.

*

Pagkatapos maligo ay lumabas na kami ni Phillip sa kwarto ko. Magka holding hands pa kaming naglalakad hanggang sa makasalubong na nga namen si Jane na mukhang umuusok sa galit.

"So, it's true? Kayo na? Wow. Just wow Phillip! Paano na ko ngayon?!" Mataray na sabi ni Jane.

"Anong pano Jane? Walang tayo alam mo yan. You already know that. Napag-usapan na naten to na kapag nag open na ko kay Alex kailangan mo na kong iwasan..." Sabi ni Phillip.

"Damn you Phillip! Pinagsawaan mo lang ako! And you bitch! (Sabay duro saken.) Ikaw babae ka! Tandaan mo to! Pag nagsawa si Phillip sayo matutulad ka din saken!" Sigaw ni Jane.

I ChooseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon