Konting konti nalang

81 3 0
                                    

Chapter 18

Hiyang-hiya si Alex habang nakatingin sa dalawang magkayakap na nasa kama. Gulat na gulat naman sina Liam at Alicia. Kapwa natataranta pa silang kumilos na naglayo sa isa't isa sabay bangon sa magkabilang gilid ng kama.

"A-Ate, b-bakit nandyan ka sa pintuan? N-Nakikinig ka po ba?" Ani Alicia.

Tumayo agad si Alex na umiiling-iling pa.

"H-Hindi?! Hindi no? Uhm, namali lang ako ng lakad. Bababa kase ko tapos napahawak ako sa doorknob ng pinto. E ayun nakabukas naman pala kaya nasubsob ako dito?" Pagsisinungaling ni Alex na halata naman ng dalawa na nagdadahilan nalang.

"O-Okay Ate?" Ani Alicia.

"Sige lang. Sabi mo e." Sabi naman ni Liam.

Napapalunok pa si Alex na kunwari nagpapagpag ng binti tapos ay nagpaalam na sa dalawa na lalabas na at hindi na sila iistorbohin sa gagawin nila...

*

Pumunta si Alex sa kusina. Uminom sya ng tubig saka inisip kung ano na yung ginagawa ng kapatid nya pati ni Liam. Inaalala din nyang wala parin paramdam si Phillip. Iniisip nalang nyang siguro'y nakatulog na sa byahe sa eroplano ang nobyo nya kaya hindi na nagtetext o tumatawag sa kanya.

"Hija?"

Lumingon agad si Alex kung sino ang nagsalitang yun na nasa likuran nya banda. Nakita nya ang isang matandang babae. Isa ito sa kasambahay ni Phillip dito sa Mansion. Nasa pito kasi lahat-lahat ng kasambahay sa bahay na to kaya nalilito sya kung ano ang pangalan ng matanda.

"Bakit Ho?" Sabi ni Alex.

Nakangiti ang matandang babae tapos lumapit sa kanya.

"Kamukhang-kamukha mo yung kaibigan ni Phillip." Sabi ng matanda.

Naintindihan na ni Alex kung sino ang tinutukoy ng matanda kaya nakisakay nalang sya.

"O-Opo. Kamukha ko nga po si Iya." Aniya.

"Hindi ba kayo kambal?" Nagtatakang sabi ng matanda.

"Naku, hindi po. Nag-iisa lang ho ako." Pabirong sagot naman ni Alex.

"Hmm. Osha. Uhm, basta mag-iingat ka ha? Wag kang basta-basta lalabas sa Mansion. Delikado kase. May ilan ng tao yung nagtatanong tanong kung sino ka at kung dito ka daw ba nakatira." Sabi ng matanda.

Hinarap ni Alex ang matanda dahil sa pagtataka na bakit tila nakikialam ata ang mga kapitbahay kung sino sya sa buhay ni Phillip.

"Ano ho bang pakelam ng mga kapitbahay naten dyan kung sino ako? Tyaka ang laki at ang lawak ng lugar na to pero nakarating ata sa kanila yung problema namen ng boyfriend ko." Sabi ni Alex.

"Hindi kapitbahay ang nagtatanong hija. Yung isa pang kaibigan ni Phillip? Yung babaeng kulot na morena at maganda. Sya yung nagtatanong kung nandito ka."

*****

Phillip*
POV

Makalipas ang ilang oras ng byahe. Dumiretso ako sa Room ng Daddy ko. Kinausap ko sya't sinabi kung ano ng balita sa paghahanap kay Jaime.

"Hindi parin sya nakikita sa lugar na to. Mukhang wala sya sa Palawan. Baka sinundan kayo? Nasan si Alex nyan. Yung kapatid mo? Sinabi mo bang wag silang lalabas ng bahay?" Sabi ni Daddy.

"Yeah, I already told him that. Uhm, Dad? Si Ninong nasan pala?" Sabi ko.

"Si Illiano nasa terrace dun sa maliit na bahay sa dulo. Yung tinatambayan ni Iya dati." Sabi nito kaya nagpaalam muna kong dederetso kung nasan si Ninong Illiano.

I ChooseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon