Weirdo

105 3 0
                                    

Chapter 12

Alex*
POV

Naluluha ako habang nakatingin kay Bella. Nakakaawa sya. Grabe yung pinagdaanan nya. Wala man lang kaming nagawa sa panahon na sinasaktan na sya ng masamang tao.

"P-Phillip, si Bella." Iyak ko.

Kumapit ako ng mahigpit sa kamay ni Phillip. Gusto ko sanang lapitan si Bella kaso hindi sa pag-iinarte pero nakakasuka yung itsura nya. Amoy masangsang na din sya kase mukhang ilang oras na syang patay. Kita yun sa balat nyang namumutla at nababalatan.

"Kuya! Si Bella! Tignan mo si Bella!" Iyak ni Liam.

Malungkot lang si Phillip. Tahimik na nakatingin sa babaeng pinagkukuhanan ng mga litrato.

"Osha takpan nyo na." Sabi ng isang pulis.

*

Sumama kame ni Phillip sa Police Station para malaman kung ano bang nangyari at pano nakitang ganon si Bella.

"Sabi nung matandang babae, may nakita syang nakadapa dun sa gilid lang ng dagat. Akala nya lasing lang o ano pero nung lapitan nya patay na pala tyaka marami nga daw galos sa likod. Labas na yung spinal cord nya. Talagang hindi sya bubuhayin nung taong may gawa nun sa kanya." Sabi ng Pulis.

Nakipag-usap sina Liam at Phillip sa mga Pulis. Ako naman tahimik na nakikinig. Nalulungkot ako. Natatakot na din kase bakit kailangan mangyari yun kay Bella. Napakabait nya para mangyari yun sa kanya. Isa pang iniisip ko kung bakit naman ganun kagrabe yung ginawa sa kanya samantalang alam ko lang e matulungin si Bella at walang inaapakang tao.

"Sana mahanap na yung may gawa neto sa kanya. Pati na din dun sa nagbabanta sa buhay ng girlfriend ko. Baka may kinalaman yun dun..." Sabi ni Phillip.

"Pwede din Kuya? Pero bakit nadamay si Bella sa pagbabanta kay Alex?" Ani Liam.

"Hmm. Baka kase nananakot na talaga yung gustong gumawa ng hindi maganda kay Alex. Sinimulan nya kay Bella kaya sabihan mo yung barkada na mag-iingat at wag ng lalabas sa gabi..." Sabi ni Phillip...

*

Pagbalik namin sa resort.

Sa kwarto agad ako pumunta kasama si Phillip. Ramdam nyang naiilang ako o hindi mapakali kaya sinamahan nya ko sa kwarto para daw makapagpahinga pa ko.

"Bakit naman kase walang rumoronda sa gabi. Alam mo yun? Syempre diba sa mga barangay may tanod ngang rumoronda para sa safety ng mga tao or halimbawa sa mga gumagawa na pala ng hindi maganda? Agad nahuhuli yung ganon Phillip." Sabi ko saka na naupo sa paanan ng kama.

Naaasar ako na ewan. Feeling ko walang kwenta yung mga tao sa bayan na to kaya nangyari yun kay Bella.

"Hey, wag kang magpastress okay? Mahahanap din yung may gawa nun kay Bella. Basta mag-iingat na tayo simula ngayon." Sabi ni Phillip.

Hindi na ko nagsalita. Tumingin nalang ako sa bintana. Naluluha ako habang inaalala yung kakulitan ni Bella. Tyak akong mamimiss sya ng mga barkada lalo na ni Liam. Naiisip ko din yung sinabi ni Bella samen na narinig nya sina Jane at Jaime. Napapaisip tuloy ako na baka may kinalaman yung pagsasalita nyang yun sa pagkamatay nya ngayon.

"Baby, anong iniisip mo? Pwede mo kong kausapin okay?" Mahinahon na sabi ni Phillip. Nilapitan nya ko't tinabihan dito sa kama. Nasa likuran ko sya. Niyakap nya ko't hinalikan sa ulo.

"P-Phillip, iniisip ko tuloy yung mga sumbong ni Bella saten kapag naririnig nya sila Jane at Jaime. Naaalala mo ba yun? Diba palagi syang nagsasabi saten na naririnig nya yung mag ama. Laging nag-aaway tapos tayo yung topic." Nag-aalala kong tanong. Hinarap ko si Phillip at tinitigan sa mga mata.

I ChooseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon