Surpresa

94 2 0
                                    

Chapter 13

Alex*
POV

Gusto kong sumigaw o humingi ng tulong kung may makakarinig man saken. Naramdaman ko kasing sinasakal ulit ako ni Jaime. Ito at malinaw na malinaw na sa paningin ko ang mukha ni Jaime. Nag-uumapaw sya sa galit. Namumula sya at para bang uusok sa sobrang galit nya.

"Baby?!" Boses ni Phillip.

"Hey Alex!" Boses ni Liam.

"Wake up sweetheart!" Sigaw ni Phillip.

"Oh god Kuya binabangungot ba sya?" Sabi ni Liam.

Naiiyak akong bumangon sa kinauupuan. Niyakap ako ni Phillip at pinakalma.

"Relax! It's okay? Kumalma ka. Kame to..." Sabi ni Phillip.

"P-Phillip! Nanaginip ako. Sinasakal daw ako ni Jaime!" Iyak ko.

"Hindi mangyayari yun okay? Hindi kita pababayaan." Sabi pa nito at hinalikan ako sa noo.

Kinalma ko yung sarili ko sa yakap at paglalambing nya. Huminga ako ng malalim at nagdasal na sana maayos na ang lahat-lahat ng problema namin sa masamang tao na si Jaime. Hindi talaga ko nagkakamali. Alam kong sya lang ang kalaban at wala ng iba pa...

*

Pagdating dito sa Manila...

Nakaalalay lamang saken si Phillip sa pagbaba namin sa eroplano. Sinalubong naman kame ng Driver nyang si Mang Gus. Nakangiti ang matandang lalake na bumati sa aming pagbabalik at sa pagdating na din ni Liam na mukhang ka close nya. Masaya sila habang nagsasakay ng gamit sa trunk ng kotse. Pinauna na kong pasakayin ni Phillip sa backseat. Dito daw kame mauupo at dun na sa front seat katabi ni Mang Gus si Liam uupo.

"Magpahinga kana muna dito. Mag-aayos lang kame ng gamit okay? Gusto mo ba ng tubig? Or anything else? Are you hungry?" Sabi ni Phillip.

"H-Hindi na. Busog pa naman ako. Uhm, sige na mag-ayos na kayo ng gamit para makauwi na tayo. G-Gusto ko na din kasing makita si Alicia." Sabi ko.

Tumangu-tango si Phillip at isinara na tong pinto sa kanan banda ko. Habang tumutulong syang magsakay ng gamit kina Liam, Mang Gus at sa ibang boy e ako naman sumandal na sa kinauupuan. Inaalala ko maigi yung panaginip ko kase parang totoo sya tyaka parang nasa katawan ako ng kung sino sa part na yun.

"Ikaw siguro si Iya. Ano ba yung pinapakita mo saken? P-Pwede mo naman sigurong linawin yung panaginip ko diba? Para na din magkaroon kana ng hustisya sa pagpatay sayo. Sana si Bella din mahuli na yung pumatay sa kanya. Tulungan mo ko Iya. Nahihirapan na kase ako. Natatakot na din ako para sa buhay ko pati sa kapatid ko." Bulong ko...

*

Nakaidlip pala ko...

Huminto kame sa isang Restaurant. Kumain na muna para may lakas ako pag nagkita kame ng kapatid ko.

"Uhm, bat parang walang tao sa Restaurant na to Phillip?" Sabi ko.

"Inarkila siguro to ni Kuya haha." Ani Liam at nagpatuloy na sa pagkain.

Nilingon ko si Phillip na nasa kaliwang banda ko. Tahimik lang sya habang kumakain.

"Phillip, hindi mo naman kailangan gastusan yung ganitong kainan para lang safe ako. Wala naman sigurong kalaban dito habang kumakain tayo diba?" Sabi ko.

"Basta gagawin ko lahat wag ka lang malapitan ng kahit na sino. Except? Samen syempre." Sabi nya sabay ngiti at kindat saken.

Nangiti naman ako sa pagpapakilig nyang yun. Maya-maya pa'y naramdaman ko na yung kamay nya na humawak sa kaliwang hita ko. May paghimas at pagpisil syang ginagawa. Bagay na kinakakiliti ng sikmura ko.

I ChooseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon