Chapter 15
Hindi maintindihan ni Phillip kung ano ba ang nangyayari sa kasintahan nyang si Alex. Namumugto kasi ang mga mata ng dalaga habang nakatingin ito sa kanya. Pinipilit ni Alex na sya ang yumaong kaibigan ni Phillip kaya naguguluhan ang binata sa mga naririnig.
"Ako to Phil." Sabi ni Alex na naluluha pa.
"Tamana Alex. Hindi magandang biro yan..." Seryosong sabi ni Phillip.
Napatayo ang binata hawak-hawak ang kwintas ni Iya. Dali-dali syang lumabas ng kwarto at naglakad pa hanggang sa makalabas sa apartment na tinitirhan ni Alex. Sa paglabas nya'y nakita nyang andito na si Mang Gus. Sumakay kagad sya sa front seat katabi ni Mang Gus.
"Paandarin mo..." Pagalit na tila mangingiyak na utos ni Phillip sa matanda.
*
Sa apartment...
Naiwan na humahagulgol si Alex o Iya sa natuklasan nyang nakaraan. Hindi sya makapaniwala na sya yung Iya na bestfriend ng dati nyang boss na ngayo'y Nobyo na nya. Sya pala yung Ex Girlfriend ni Liam kaya iniisip pa nyang maigi ang lahat na papaano nalang ang relasyon nila ni Phillip kung sya pala yung dating Nobya ng kapatid nun.
"Hindi to pwede. Hindi kame pwedeng masira." Iyak nya.
Inaalala nya ang lahat. Malinaw na malinaw ang nakaraan sa kanila ni Liam. Niligawan sya pero binasted nya dahil si Phillip ang mahal nya. Nasaktan sya nang makitang magkasama sina Phillip at Jane kaya ng malasing sila ni Liam ay inaya nya ang binata na magkulong sa kwarto. Ni hindi nga lang nya maalala kung may nangyari ba pero sa pagkakatanda nya e sinabi ni Liam sa kanya na nirerespeto sya nito at hindi pa pwedeng galawin lalo't bago pa lamang ang relasyon nila.
"Phillip! Please bumalik ka!" Iyak ni Alex.
***
Sa Mansion ng Castellano...
Nakaupo sina Liam at Alicia sa sofa habang nag-uusap patungkol sa nakaraan ng magkapatid na Alicia at Alex.
"Uhm." Tila hindi makasagot si Alicia sa mga tanong ni Liam.
Ni Pictures o ano'y walang maibahaging kwento ang dalaga. Dito na nagtaka si Liam kung magkapatid nga ba talaga sina Alex at Alicia lalo't hindi sila magkamukha.
"If may naikwento sayo yung Ate mo? May ex gf kase ko. Kamukhang-kamukha nya." Ani Liam.
Napapalunok naman si Alicia at nauutal pang sumagot na naikwento nga umano sa kanya ni Alex ang tungkol sa bagay na yun.
"Are you okay Alicia? Para kasing hindi ka mapakali." Nagtatakang tanong ni Liam.
"O-Okay lang ako. Uhm, antagal kase nila Ate. Naiilang siguro ako sa bagong bahay na napasukan ko. Nasanay kasi ako sa ospital lang ganon. Tyaka yung amoy ng ospital palagi yung nasa ilong ko." Pagpapaliwanag ng dalaga.
Naniwala naman si Liam lalo't may sa katotohanan nga naman na kung lumaki ka sa isang lugar ay makakasanayan mo ng hindi mailang sa lugar na yun.
"Sabagay, ako sa Palawan talaga ko lumaki. Never ako nag stay dito kay Kuya. Mas gusto ko kase dun. Andun kase yung mga kaibigan ko unlike dito wala kong kakilala." Sabi naman ni Liam kaya nakahinga na ng maluwag ang dalaga.
"M-Magsi CR na muna ko? P-Pwede?" Ani Alicia.
"Yeah! Sure! O-Oo naman? Gusto mo samahan kita?" Sabi ni Liam.
Tumayo sabay iling iling ang dalaga sabay sabing maloko si Liam. Natawa naman ang binata sabay sabing biro lang.
"Ate Pasing! Pasamahan naman si Alicia kung saan yung restroom naten!" Pagtawag ni Liam sa isang kasambahay na sumunod naman agad sa utos nya.