Jane nasan ka?

77 3 0
                                    

Chapter 23

Alex*
POV.

Gumising ako ng 7:30am. Naghilamos ako't nagsipilyo. Tulog pa naman si Phillip dahil napuyat sya sa pag-aasikaso sa kaka message kay Jane pero wala naman kaming reply na natanggap.

"Hays."

Lumabas na muna ko dito sa kwarto tyaka dali-daling nagpunta dun sa likod ng bahay. Balak kong magyoga para maka-relax ang isip ko sa mga nangyayare...

*

Maya-maya lang ay sinamahan ako ni Alicia dito sa likod bahay. Dalawa kaming nagyo-yoga habang nag-uusap.

"Ate, pano nun pag halimbawa kay Jane yung dugo?" Sabi nya.

"Wala na tayong magagawa nun siguro. Ang kailangan nalang talaga mahanap sya para narin sa ikakatahimik ng isip naten. Lalo na ko. Dahil kapatid ko sya." Sabi ko.

Napatangu-tango nalang si Alicia. Ako naman e hindi tuloy mapalagay kagaya ng feeling ko kagabe simula malaman na wala si Jane pero andun yung mga gamit nya.

Makalipas ang ilang oras...

Nagtawag si Phillip at Liam para makakain na kaming lahat ng agahan. Agad naman kaming tumungo ni Alicia sa loob ng bahay at nagsalo sa dining room.

"Let's eat..." Ani Phillip na halata namang malungkot at para bang aligaga.

"Hmm."

"Nga pala, mamaya aalis ako. Liam, ikaw ang bahala sa kanila ah. Pupunta ko sa office. May hahanapin akong files tyaka aabutan ko na din ng sahod yung mga tauhan ko. Katapusan na pala ng September. Baka magtampo na saken ang mga tao ko kase hindi naman ako nale late kapag sahod nila..." Sabi ni Phillip.

"Copy Kuya." Sagot ni Liam at nagsimula ng kumain.

Hindi uso sa kanilang magkapatid ang magdasal bago kumain. Sa amin kase ni Alicia e tahimik muna kameng magdadasal pagkatapos nito ay kakain na kaming dalawa.

"Kumain ka ng marami Ate. Wag kang magpastress." Mahinahon na sabi ni Alicia.

Ngumiti ako ng pilit sa kanya sabay tango. Nang magsimula na kaming kumain e napansin kong nanginginig ang mga kamay ko. Hindi ko maintindihan pero siguro sa stress ito at pag-aalala kung nasan na si Jane.

"Hey baby? Relax lang okay?" Nag-aalalang sabi ni Phillip sabay hawak sa mga kamay ko.

Napansin kong lumuluha na pala ko. Hindi ko na napigilan kaya bigla nalang akong umiyak at sinasabing napapagod na ko kakaisip. Niyakap kagaad ako ni Phillip at pinapakalma. Nakita kong kapwa napatigil sa pagkain sina Liam at Alicia na nag-aalala ang reaksyon habang nakatingin saken.

"G-Gusto ko na pumunta sa Palawan para makausap ko na din si Daddy. Ako na din mismo ang maghahanap kay Jane." Iyak ko.

"Baby, hindi pwede okay? Ako nalang ang aalis. Mahirap na kase baka masundan tayo ni Jaime tapos anong gawin nya o hagisan tayo ng bomba habang nakasakay tayo sa kotse? Natatakot ako. Nawala kana ng isang beses saken kaya hindi ako papayag na mawala ka ulit saken..." Mahinahon na sabi ni Phillip.

Nag-iiyak ako't niyakap sya ng mahigpit. Hinalikan ako ni Phillip sa noo at pinapatahan. Sabi nito'y matatapos na din ang lahat basta kailangan nalang talaga naming mahuli si Jaime para maging malaya na kaming lahat...

*

Lumipas ang araw na hindi parin ako mapalagay. Oo at hinayaan kong si Phillip ang umalis at bumalik sa Palawan. May private airplane naman sya kaya madali lang syang makakapunta dun at sanay sya sa byahe.

"Sana may balita na sya saken kung anong nangyare kay Jane." Sabi ko habang nakatayo sa harap ng bintana at malayo ang tanaw.

*Ring!

Agad ko namang sinagot ang tawag ni Phillip sa cellphone ko. Nag hello ako't para bang hingal na hingal sya.

"Phil? Anong balita? Bakit parang hinihingal ka?" Sabi ko.

'Nahuli na si Jaime. Actually hindi nya alam na nandito ako sa Palawan. Kanina lang pumunta sya mismo sa Room ni Daddy. Gagawan nya ng hindi maganda ang Daddy ko buti dun ako natulog sa Room ni Dad. Ayun binugbog ko sya tyaka tinali. Ngayon nandito kame sa presinto.' Aniya.

Tinignan ko yung oras sa cellphone ko. 6:46am palang. Laking pasasalamat ko at natapos na din. Nahuli na si Jaime at may hustisya na si Bella.

"E si Jane?" Sabi ko.

Matagal bago sumagot si Phillip. Narinig kong para bang paiyak ang pagsagot nya.

'S-Si Jane? Uhm.' Sabi nya na parang naiiyak.

"Phil, what's going on? A-Anong balita kay Jane?" Natataranta kong sabi.

'Baby, wala na si Jane e...' Sabi nya sabay iyak.

"A-Anong wala na si Jane?! Ano bang sinasabi mo Phillip! Nasan si Jane?! Umalis ba sya? O baka naman nag ibang bansa?" Sabi ko.

'Patay na si Jane. Wala na sya Iya...' Iyak ni Phillip.

"H-Hindi, Phillip. Umayos ka ha. Wag mo kong pagtripan!" Naiiyak ko na ding sabi.

Pinaliwanag ni Phillip na nakita ang bangkay ni Jane sa malaking pulang maleta na nakalibing mismo malapit lang sa kubo na tinutuluyan ni Jaime. Umalingasaw daw kase ang amoy kaya hinanap ng mga pulis ang nirereklamo ng mga tao. Dun na daw nakita ang maleta na pulang pula sa dugo. Hindi daw malalim ang pagkaka libing dun kaya umamoy ang sangsang ng bangkay ni Jane putol putol o naka chop chop sa Maletang yun. Ganun ang ginawa ni Jaime sa nag-iisa nyang anak.

"J-Jusko, Jane!" Iyak ko.

'Pinagkasya ni Jaime yung katawan ni Jane sa maleta. Andun lahat-lahat. Mula ulo hanggang Paa nya. Sobrang grabe, dilat pa yung mga mata ni Jane tyaka mukhang sa ulo sya unang tinamaan bago sya chop chopin ni Jaime.' Pagpapaliwanag ni Phillip na naiiyak pa.

Sobrang bigat ng nararamdaman ko. Maya-maya ay dumating naman si Nanay Flora na masaya pang nag aalok ng dala nyang bagong lutong palabok.

"Hija? Halika kumain kana muna ng palabok." Pag-aaya ni Nanay Flora.

Ibinaba ko na ang call ni Phillip at tinignan sila Nanay Flora at Alicia na nag-aalala ang reaksyon habang nakatingin sila saken.

"Ate? Ano bang nangyari kay Jane?" Sabi ni Alicia tapos bigla naman nabigla ang reaksyon ni Nanay Flora.

"B-Bakit? Anong nangyare kay Jane?" Sabi ni Nanay Flora.

"W-Wala na po si Jane. Wala na sya." Iyak ko.

Pinatong ni Nanay Flora yung bilaong hawak nya sa mesa tapos ay nilapitan nya ko't hinawakan sa magkabilang braso.

"Bakit, nasan si Jane." Sabi nitong nanla-laki pa ang mga mata.

"N-Nay, patay na po si Jane." Naiiyak kong sabi tapos bigla nalang lumuha si Nanay Flora.

"Hindi magandang biro yan Iya." Gigil nitong sabi.

Nabibigla naman ako sa reaksyon at kilos ni Nanay Flora dahil para bang nagiging agresibo ito sa nalaman nya samantalang hindi naman namin sya kaanu-ano. Lalo na't hindi pa naman nya nakikilala si Jane.

"B-Bakit po ba nagkakaganyan kayo Nay?" Sabi kong naiiyak parin.

Binitawan na nya ang pagkakahawak nya sa mga braso ko tapos ay umatras sya't nagtanong ulit kung ano yung sinasabi ko kanina.

"P-Patay na po si Jane kase pinatay sya ni Jaime. Chinopchop po sya saka nilagay ni Jaime sa maleta. Kung hindi pa bumaho yung bangkay nya hindi sya mahahanap nila Phillip at ng mga pulis." Naiiyak ako pero nagpapaliwanag pa.

Umiiling-iling si Nanay Flora at naglilikot ang mga mata. Bumubulong sya't sinasabing sagad na ang kademonyohan ni Jaime para gawin ang bagay na yun.

"N-Nay? Ano po bang nangyayari sayo?" Nag-aalala kong sabi.

"Jusko, pano nagawa ni Jaime yun sa anak namen..." Iyak nya...

I ChooseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon