Chapter 22
Alex*
POVNagulat ako sa pagdating ni Liam. Galit na galit syang lumapit saken at hinawakan ako sa kanan kamay. Agad ko namang inalis ang kamay ko bago nya tignan.
"Liam ano ba! Anong nangyayari sayo!" Sigaw ko.
"Titignan ko yung kamay mo! Akina!" Sigaw naman nya.
Umaawat si Alicia at mukhang alam na ng kapatid ko kung bakit ito ginagawa ni Liam.
"Liam! Wag mong saktan ang Ate ko!" Hiyaw naman ni Alicia kaya binalingan sya ng tingin ni Liam.
"Ikaw! Isa ka pa! Parehas kayo ng Alex na yan! Magaling kayong magpa-ikot ng tao! Bakit hindi mo ngayon sabihin saken kung talagang magkapatid kayo! Sige! Magsalita ka!" Sigaw ni Liam.
Hindi nagsalita si Alicia. Natahimik sya't inaya nalang akong magpunta sa kwarto ni Phillip.
"Wag kayong aalis! Kinakausap ko kayo! Hoy Alex! Ipakita mo saken yang kamay mo! Simple lang ng gagawin mo hindi mo pa magawa! Bakit?! May kinakatakot ka bang malaman ko!" Hiyaw ni Liam pero nagpatuloy lang kami ni Alicia sa pag akyat sa hagdan.
Hinabol kagad ako ni Liam at hindi na napigilan ni Alicia na mahawakan ako nito sa kanan kamay at makita ang hindi ko pa sana ipapakita.
"Ikaw nga si Iya." Malungkot na sabi ni Liam tapos ay tinignan nya ko sa mga mata.
"L-Liam." Sabi ko na lamang.
"Bakit mo ginawa yun? B-Bakit mo ko iniwan." Naiiyak na sabi ni Liam.
"H-Hindi Liam." Naluluha na din ako habang nauutal kung paano magsisimula.
Sakto at dumating si Phillip. Lumapit agad sya samin at inalis ang pagkakahawak ni Liam sa kamay ko. Napaatras naman si Liam na lumuluha habang nakatingin saken.
"Ikaw si Iya." Iyak ni Liam.
"Liam. Enough. Mamaya na tayo mag-usap usap. Magpalamig ka muna..." Sabi ni Phillip.
"Inagaw mo sya saken Kuya. Kelan mo pa alam yung tungkol sa bagay na to. K-Kelan pa nagsimula lahat? Pinlano nyong dalawa na wasakin ako pagkatapos ng lahat. O baka naman matagal na kayong nagkaka gustuhan pero ginamit mo ko Iya para pagselosin si Kuya dahil palagi nyang kasama si Jane." Iyak ni Liam.
"H-Hindi sa ganon Liam." Iyak ko.
Umaawat si Phillip na wag na muna kaming mag-usap ni Liam at maglayo na muna kaming dalawa. Dito na nagalit si Liam at nagsisisigaw. Inaway nya si Phillip at tinawag na makasarili. Makasarili dahil hindi nito inisip ang nararamdaman ng kapatid nyang nangungulila sa akin mismo. Mahal na mahal daw ako ni Liam at nahihirapan syang maka move on yun naman pala ay nakuha na ko ng Kuya Phillip nya. Kamuntikan pa nyang suntukin si Phillip buti nalang at umawat si Mang Gus at ang dalawang Gardener...
*
Iyak ako ng iyak sa kwarto ni Phillip. Magkayakap kaming dalawa habang kinakalma nya ko.
"Tamana baby. Please. Wag kanang umiyak..." Nag-aalalang sabi ni Phillip.
"Nahihirapan ako Phillip. Hindi ko gustong masaktan yung kapatid mo. Hindi ko alam bakit ko ginawa sa kanya yun. Masyado akong naging makasarili dati kase sobrang selos na selos ako kay Jane na palagi mong kasama." Iyak ko.
Hindi nagkamali si Liam.
Oo ginamit ko sya. Hindi ko naman talaga sya mahal kase Mahal ko si Phillip. Pinatulan ko lang si Liam para magselos si Phillip at mabantayan noon mismo si Phillip. Simula dumating kasi si Jane galing Australia ay palagi na syang inaasikaso ni Phillip kesa saken na madalas naman nyang kasama noon. Nung dumating nalang din si Liam ay dun ako nakapag-isip-isip na gawin ang bagay na yun. Yun ay ang ayain si Liam na mag inom ng alak para sana may mangyari. Kaso lang ay wala kaya hindi official para saken ang relasyon na meron kaming dalawa. Si Phillip parin kasi talaga ang hinahanap hanap ko. Nakikisama nalang ako kay Liam dahil kumalat sa karamihan na nakita kaming natulog sa iisang kwarto.