Hiya

113 3 0
                                    

Chapter 5

Alex*
POV

Mayamaya lang tinawag ako ni Liam at inayang makisali sa kanila dun sa kubo. Akala ko puros babae ang kasama nya dun. Nagkamali pala ko.

"Hi Alex!" Sabi nilang lahat at natawa pa sa pagkakasabay nilang pagbati saken.

"Uhm. H-Hi?" Sabi ko saka na naupo sa tabi ni Lyn na babaeng morena at kulot.

Si Bella naman maputi na black ang buhok at straight. Si Eunice yung blonde ang buhok na medyo curly at may makinis at maputi ding kutis. Si Ryan naman may pagka bading. Moreno sya't maskulado na maraming tattoo. Si Mark yung mukhang Koreano pero pure Pinoy daw at na stock lang sa aircon kaya maputi. Si Levi naman ang mala Alden Richards nilang barkada na may pagka badboy. Halos lahat sila puro pang Model dahil sa Sexy ang mga Babae at Hunks naman ang mga Lalake.

"So Alex. How are you?" Ani Eunice.

"A I'm good? K-Kayo ba?" Sabi ko.

Nagtinginan sila bigla. Hindi ito kagaya nung isang gabi na nakasama ko sila. Parang wala kase silang pakelam saken nun pero yung ngayon halos ang dami nilang para bang pinapansin saken.

"You really sounds like Iya." Sabi ni Levi na pinsan pala ni Iya.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko kaya nanahimik lang ako't hinahayaan silang titigan ako.

"Guys. Yeah hawig sila. Pero ganun talaga? Diba? Like Lyn nung napunta tayo sa Africa. Diba ang dami nyang kamukha dun!" Sabi ni Liam na natatawa pa sa pang iinsulto nya sa kaibigan. Nagtawanan naman ang lahat. Pati si Lyn halos tumalsik pa ang laway sa kakatawa.

"Oh see? Hahaha! Natawa kayo diba!" Ani Liam.

Pagkatapos ng tawanan e nagka ayaan kaming kumain ng fruit salad habang nagpapatuloy sa kwentuhan. Si Phillip naman dinudungaw ko dun sa bintana nitong kubo. Mukhang masayang masaya sya habang nakayakap sa kanya si Jane na anak pala ni Jaime...

*

Matapos ang ilang oras naming pagtambay dito sa kubo ay nagka-ayaan naman kaming magswimming. Lahat sila nakangiti. Halatang masaya. Samantalang ako malungkot na napipilitan nalang makitawa kase para bang nasasaktan akong makita si Phillip at Jane na hanggang ngayon ay nag-uusap parin habang magkayakap.

"Alex. Come here." Pag-aya saken ni Liam dahil may laro silang ginagawa.

Sumampa na si Eunice sa balikat ni Levi at si Bella naman ang sumampa sa balikat ni Ryan. Nagtatawanan sila habang nagtutulakan. Ang sarap nilang panoorin. Para silang mga bata. Nangingiti tuloy ako habang nakatayo dito sa isang gilid at babad sa tubig alat ang dibdib hanggang ibaba.

"Alex you okay?" Ani Liam na nasa tabi ko lang pala.

Nilingon ko sya't nginitian saka ako sumagot ng... "Okay lang naman ako."

"Hm. Mukhang malungkot ka kase. May problema ka ba? Or nagugutom? Tara samahan kita sa resto." Ani nya.

"N-Nako wag na. Busog pa naman ako. Ang dami ko din kase nakain dun sa kubo. Uhm wag kana mag alala saken Liam. Ayos lang ako. Naiisip ko lang si Alicia kaya ako nagkakaganito. Pero don't worry. Ayos ako." Sagot ko sabay ngiti.

I ChooseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon