Finale

131 4 0
                                    

Chapter 26

Alex*
POV

Andun nanga at nakatulog na ko pero ginising naman ako ni Phillip. Natataranta syang parang hindi mapakali.

"Bakit?! Anong nangyare?" Sabi ko sabay bangon.

"Tinakbo ni Liam si Alicia sa ospital. Hinimatay daw!" Sabi nito.

"A-Ano?! J-Jusko baka bumalik yung sakit nya! Wag naman sana!" Sabi kong para bang maiiyak ako.

Pano kaya to lalo't ang layo ni Alicia saken. Ibig sabihin nito e kailangan naming bumyahe agad ni Phillip para mapuntahan si Alicia at makamusta kung anong nangyare sa kanya...

***

Nang makarating kame ni Phillip dito sa Palawan ay sa ospital agad ang tungo namin. Sabi ni Liam ay natutulog si Alicia ngayon at hintayin nalang namin itong gumising. Sobrang nag-aalala ako sa lagay ng kapatid ko. Ganito kase ang nangyari sa kanya simula malaman namin ang tumor nito sa ulo at ang kinakalaban nyang sakit na pneumonia. Nilapitan ko kaagad si Alicia at tinabihan dito sa kinahihigaan nya. Niyakap ko sya't binubulungan na wag syang matatakot dahil nandito na ko.

"Hinding-hindi na kita iiwan." Sabi ko.

Gumalaw ito kaya tinignan ko sya na nakatingin na pala ito saken. Bumangon agad ako't naupo habang hawak ang kanan kamay nya.

"Anong nangyare? Anong nararamdaman mo ngayon? Nahihilo kapa ba? May gusto ka bang kainin? Anong sabi ng doctor?" Halo-halong tanong ko sa kanya.

Ngumiti si Alicia sabay sabing... "Ate, isa-isang tanong lang? Tyaka wag kang mag-alala. Okay na ko. Wala akong sakit. Sabi lang ng doctor e maselan ang pagbubuntis ko..."

"Ah ganun ba. Buti naman... Uhm, A-Ano?! B-Buntis ka?!" Sabi ko.

Nakangiti itong tumangu-tango. Syempre ay nagulat ako't nilingon si Liam na naluluha habang nakatingin samen ni Alicia. Dito na ko umiyak at tinitigan ang kapatid ko. Hindi ako makapaniwala na buntis sya. Niyakap ko sya't sinabing nagsisimula na ang blessings na dumadating sa buhay namin. Nag-iiiyak na din si Alicia habang nakayakap saken. Laking pasasalamat daw nya dahil buntis sya't wala ng sakit. Ito daw ang pinapangarap nya noon. Ang magdalantao ng walang sakit...

*

Umuwi kame sa Bahay na tinitirhan nila ni Liam. Bigla naman dumating sila Mommy at Daddy. Kinumusta nila si Alicia. Ang ginawa lang ni Liam ay inabot sa dalawang matanda ang ultrasound ni Alicia.

"Oh my god! S-Seryoso ba to?! Buntis ka Alicia?" Sabi ni Mommy.

Tumango si Alicia tapos ay sinalubong agad sya ni Mommy ng yakap at inaya na maupo sa sofa kasama ako. Dito na nagsimula magpayo si Mommy ng tungkol sa babaeng nagbubuntis. Natatawa tuloy si Daddy kase ganito daw ang yumao nyang ina kay Mommy nung pinagbubuntis pa ko.

"Yung mga bawal susundin nyong dalawa para hindi maka sama sa baby." Sabi ni Mommy.

Sumabat ako't sinabing... "Ma, si Alicia lang po ang buntis. Hindi po ako? Hahaha."

Natatawa si Mommy sabay sabing kelan ba kame magkakaroon ni Phillip. Sabi ko naman ay wala pa kameng kasiguraduhan. Basta, maghihintay kame sa kapalaran ng Diyos para saming dalawa. Maya-maya pa'y tila bumabaliktad ang sikmura ko. Agad akong tumayo sabay punta sa banyo nitong sala. Sinundan ako ni Phillip para mahimas himas nya tong likuran ko.

"Mmb!"

"Sige ilabas mo lang. Sana nga may mailabas ka pang isusuka mo kase baby wala pa tayong kain e? Mula umalis tayo hanggang nasa airplane na tayo nagsusuka ka. Sabi ko sayo kumain ka e. Pero ayaw mo naman? Tignan mo wala kanang sinusuka oh..." Sabi ni Phillip.

I ChooseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon