Magpaliwanag ka!

90 5 0
                                    

Chapter 20

Alex*
POV

Masama ang pakiramdam ko. Sobrang hilo at sakit ng ulo ang nararamdaman ko sa ngayon. Gusto kong bumangon pero nahihirapan akong kumilos o kahit magsalita. Maya-maya pa'y narinig ko si Liam na nagsasalita. Mukhang may kausap sya sa cellphone na hawak nya kaya tinignan ko sya.

"S-Si Phillip ba yan?" Pabulong kong sabi.

Mukhang narinig ni Liam ang bulong ko kaya lumapit kaagad sya't inabot saken ang cellphone.

"P-Phillip. S-Si Lyn. Si Lyn nandito sya. K-Kasama nya si Daisy. Natatakot ako Phillip." Iyak ko.

'Oh Baby. Please wag kang umiyak. Wag kang mag-alala. Pauwi na ko okay? Hahanapin natin sila. Tinawagan ko na si Tyra. Kinuha ko na yung address ni Daisy kaya yun yung una kong aasikasuhin pagdating ko dyan. Matatapos din to. Wag kanang umiyak...' Mahinahon na sabi ni Phillip.

Tumangu-tango ako. Sinabi kong miss na miss ko na sya at gustong gusto ko ng mayakap ng mahigpit. Sabi nya'y maghintay lang ako't mangyayari na yung gusto ko.

'Anong nangyare. Bakit pawis na pawis ka...' Sabi ni Phillip.

"Hinilamusan nila ko ni Liam at Alicia. Kanina kase sobrang sakit ng ulo ko. N-Nasan nga pala si Alicia?" Sabi ko sabay tingin kay Liam na sumagot namang nasa banyo raw si Alicia.

'Okay. Magpahinga ka lang muna okay? Wag kang magpastress. Ilang oras nalang nandyan na ko...' Sabi ni Phillip kaya nagpahinga na muna ko't pinalabas si Liam...

*****

Liam*
POV

Hindi ako mapakali habang nakatambay dito sa terrace ng kwarto ko. Iniisip ko kasi yung nunal ni Alex. Isa pang nunal na tutugma kay Iya e baka mabaliw na ko.

"Yung sa palad nya. Hindi ko pa nakikita."

Merong balat si Iya sa kanan palad nya. Hindi kasi kapansin-pansin yun kaya kapag naka tyempo ako e titignan ko yun para makapag-isip ako kung ano ba talagang meron at marami silang similarities.

"Liam?" Boses yun ni Alicia na kakapasok lang sa kwarto ko.

Nilingon ko sya't inaya na magpunta dito para makapag kwentuhan kame at matanong sya ng tungkol sa kanila ni Alex. Talagang kaduda duda kasi yung pananalita ni Alicia kapag si Alex na yung pinag-uusapan...

*****

Alex
POV*

Makalipas ang ilang oras...

*Knock knock!

Nagising ang diwa kong nagpapahinga sa malakas na katok galing sa pintuan nitong kwarto. Bumangon agad ako't nagulat sa pagpasok ni Alicia.

"Ate! Si Lyn nahuli na!" Sabi nya kaya napabangon kagad ako't inalis ang kumot sa katawan.

"N-Nasan sya?! T-Tyaka pano sya nahuli?!" Sabi ko.

*

Sa Sala ng Mansion...

May apat na Pulis ang kausap si Liam na tumungo kame sa Presinto para makaharap si Lyn. Sabi kong sige at kailangan kong makasiguradong nahuli na nga talaga sya kaso kumokontra si Liam at magpahinga na lamang daw ako dito sa bahay.

"Hindi Liam! Sasama ako." Sabi ko.

"Alex wag na okay?! Ako na haharap dun. Kapag okay na lahat at ready na syang makipag-usap sayo sige sa susunod ihaharap kita sa kanya pero kailangan ako muna! Kailangan kong malaman kung bakit nya pinatay si Bella!" Pagalit ng sabi ni Liam.

Naiintindihan ko ang hinuhugot ng sama ng loob nya. Hindi naman kasi alam ni Liam ang tungkol saken at ang kinalaman ni Lyn sa nakaraan ko lalo't alam nyang ako si Alex na Assistant lang noon ng Kuya nya at hindi ang Ex Girlfriend nyang si Iya...

I ChooseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon