Chapter 3
Alex*
POVNapapalunok akong umiiling-iling habang nakapikit. Iniisip kong panaginip lang to hanggang sa magising na nga ako sa katotohanan.
"Shit, panaginip lang pala talaga."
Nakita kong nasa kaharap nitong kinapupwestuhan ko nakaupo si Sir Phillip. Medyo may kalayuan sya saken kaya imposibleng mangyare yung nasa panaginip ko kanina. Isa pa, natutulog sya ngayon dun. Nakasandal at tahimik lang. Tumayo na nga muna ko't nagpunta sa restroom para makaihi.
*
Naghilamos ako para mahimasmasan. Hindi kase ako makapaniwalang mapapanaginipan ko uli yung ganon. Halos simula nung magtrabaho ako kay Sir Phillip e lagi ko nalang syang napapanaginipan na inaakit ako. Ako naman e nagigising ang katawang lupa dahil sa ganon sya sa panaginip ko.
"Hays, naaakit naman ako. Putek."
*
Pagbalik ko sa area ng passenger seats e nakita kong may kausap si Sir Phillip sa cellphone nya. Napahinto ako sa gilid para makinig.
"Yeah, magkikita na uli tayo. Sana naman matino kana. Hindi kana siguro babaero no?" Aniya sa kausap sa kabilang linya.
Tumatawa sya't nagbibiro. Napapakagat labi tuloy ako't nangingiti dito. Ang gwapo kase ni Sir Phillip at ang sarap titigan kapag ganyang masaya sya. Walang stress dahil sa trabaho. Basta yung ngiti nya nakaka dala.
"Excuse me? Miss baka gusto mong umusad. Why don't you go back there kase paharang harang ka sa dinadaanan namin." Sabi ng isang stewardess.
Napa irap nalang ako't hindi nalang sila pinansin. For sure namang naiinggit sila kase ako tong assistant na laging kasama ni Sir Phillip.
"Hmp!"
Dumiretso nalang uli ako sa pwesto ko. Naupo ako tapos ayan nanaman si Sir Phillip na hindi makatingin saken. Palagi nalang syang ganyan na kapag magkaharap kame e umiiwas sya ng tingin. Basta kausap lang nya yung kapatid nya habang nakasandal sya't nakalingon sa kanan nya dun sa may bintana nalang sya nakatingin.
*
Makalipas ang ilang oras...
Nagising ako sa boses na tumatawag saken. Napadilat tuloy ako sabay tingala kay Sir Phillip na nakatayo na ngayon sa harapan ko.
"Alex, nandito na tayo..." Sabi nyang hindi nakatingin saken.
Wala paring pagbabago. Talagang hindi nya ko kayang tignan. Wala kong magagawa kundi Oo nalang ng Oo then go with the flow. Tumayo na ko't nag ayos ng sarili tapos sumunod na ko sa kanya sa paglalakad. Hanggang sa makababa kame dito sa eroplano.
*
Bumyahe pa kame sakay ng Montero nya. Sya ang nagmamaneho. Parehas kaming tahimik sa byahe. Lagi namang ganito. Nataon lang talagang Good Mood sya kaninang umaga kaya nakuha pa nya kong biruin.
"Hays."
"Are you hungry?" Aniya. Bagay na kinabigla ko. Hindi ko kase expect na tatanungin nya ko ng ganon.
"Alex? Hello?" Sabi nya uli.
"A-Aa uhm o-opo Sir. Opo. N-Nagugutom po ata ako." Nauutal kong sagot.
Tumango lang sya tapos pinaharurot na nya tong sasakyan. Napakapit ako sa kinauupuan kase ang bilis magpatakbo ni Sir Phillip kapag nalalaman nyang gutom ako...
*
"Wow! Ang sarap naman netong Lobster! Grabe Sir alam mo talagang mahilig ako sa seafoods hehehe." Sabi ko kasabay ng pagnguya sa kinakaing Lobster na nasa hapag.