Huli

87 3 0
                                    

Chapter 22

Alex*
POV

Sumenyas ako kay Alicia na umakyat na kame at kunwari'y walang narinig. Plano kong isumbong kay Phillip ang mga narinig namen para maubos na lahat ng kasabwat ni Jaime sa kademonyohan nya.

"Halika na." Bulong ko kay Alicia.

*

Pagdating namin dito sa guest room kung saan natutulog ang kapatid ko ay tinawagan kagad namin si Phillip.

"Hello? Phillip, umuwi na kayo ni Liam. Umuwi na kayo kase baka pumunta si Jaime dito. Naririnig namin kanina na kausap ng mga kasambahay mo si Jaime sa cellphone. Basta yung tatlong mga bata bata pa? May pinangako si Jaime sa kanila kaya nagmamanman sila kung ano yung nangyayare saten dito sa bahay. Tapos sinasabi nila kay Jaime." Sabi ko.

'Oo eto na kame. Sakto nakabili na kame ng meryenda.' Sabi ni Phillip at ibinaba ko na tong tawag.

Sobrang kabado ako. Hindi kase ako makapaniwala na maging dito sa bahay ay may kalaban kaming dapat tugisin.

"Grabe yang mga kasambahay ni Kuya Phillip. Nako Ate. Masasabunutan ko talaga yang mga yan. Nakakainis." Naaasar na sabi ni Alicia.

"Hayaan mo na. Importante dito pati sila mapakulong ko. Wala akong pakelam sa cellphone na kailangan nilang bilhin o kahit na ano pang kailangan nila. Basta damay sila dito dahil nakisabwat sila kay Jaime na kalaban naten." Sabi ko.

Kita ko ang gigil sa reaksyon ni Alicia. Unti-unti naman na nyang kinakalma ang sarili pero naiinis daw syang bakit hanggang dito sa bahay ay may ahas na nakapaligid sa amin...

*

Pagdating nila Phillip at Liam ay agad kaming bumaba ni Alicia para malaman ang gagawin ni Phillip dun sa tatlong kasambahay nya.

"Kayong tatlo. Pumunta kayo dito sa sala." Sabi ni Phillip ng ituro nya yung tatlong kasambahay na nakatambay sa kusina. Nagtaka naman ang dalawang matandang babae na kasambahay ni Phillip. Alam kong wala silang alam sa mga nangyayare kaya dito palang ay malalaman na nilang may ahas sa mga kasamahan nila.

"Dito. Bilisan nyong tatlo." Seryosong sabi ni Phillip.

Halatang natatakot na yung tatlong kasambahay nya. Mukhang nakaramdam sila na may idea na kame sa kalokohan nila. Maya-maya lang ay may mga pulis ang dumating. Nasa anim na kapulisan at malalaking tao sila.

"Takot kayo? Natatakot kayo ngayon?" Tanong ni Phillip sa kanila.

Sumagot ang isa na "A-Ano pong nangyayare Sir?"

"Tawagan nyo si Jaime ngayon din mismo..." Seryosong sabi ni Phillip.

Namutla yung tatlong kasambahay sabay tingin sa amin ni Alicia. Nagsalita tuloy ang kapatid ko na kasalanan nila kung bakit sila madadamay. Kung sa amin lang sila kumampi ay wala namang makukulong. Dito na sila nag iyakan at kanya-kanyang hingi ng tawad kay Phillip. Masyado daw silang nasilaw sa malaking halaga na sinasabi ni Jaime.

"Tawagan nyo!" Sigaw ni Phillip.

Nag oo ang isa at tinawagan nga ang number ni Jaime. Dito na niready ng isang pulis ang Laptop at para bang monitor na hindi ko alam. Basta sinaksak nila sa cellphone yung wire nun at lumitaw dito ang isang Location na hindi kalayuan sa Mansion.

"H-Hello po Sir Jaime? Pupunta na po ba kayo?" Nauutal na sabi ng isang kasambahay na lumuluha pa.

Inuutusan sya ni Phillip kung ano ang dapat nyang sabihin. Sumusunod naman ang kasambahay habang takot na takot at patuloy sa pagluha ang mga mata.

'Malapit lang ako. Basta kapag alam nyong walang tao sabihan nyo kagad ako para mapatay ko yang Iya na yan.'

Sobrang kinilabutan ako sa sinabi ni Jaime. Niyakap ako ni Alicia at sinabihan na hindi yun mangyayari kaya wag akong matakot at mag-alala.

I ChooseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon